Gusto ko ng tahimik. Gusto kong may iniisip ako. Kapag ba hinayaan ko ang sariling malunod sa mga gusto kong isipin, makikita ko ang mga sagot sa mga blankong nararamdaman ko?
Kapag hinayaan kong malunod ako... matagal akong makaaahon nito at sa pag-ahon ko ba, makikita ko na ang sagot sa ipinaparamdam ng nararamdaman ko?
Naupo si Mama sa tabi ko. Nandito ako sa labas ng bahay.
“Hindi ka ba talaga papasok?”
Ang tanong na iyon ang nagpaalala sa akin sa nangyari kahapon. Sino sila? Mayroon ba silang koneksyon sa buhay ko?
Tumingin ako kay Mama at saka nagtanong.
“Sino po si Winea?”
Bumuntong hininga muna siya at kita ko ang paglunok niya. Nag-aalala rin ang kaniyang mukha. Iniisip siguro na baka makaapekto na naman sa akin ang pagtatanong ko.
Simula kasi nang magising ako, hindi ko sila makilala. Kinaumagahan sa sunod na araw noon, palagi na akong nagtatanong sa kaniya tungkol sa buhay ko. Pero nililimitahan niya lang ang pagsasagot dahil baka sumakit ang ulo ko.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking buhok.
“Kinu-kuwento mo siya sa akin noon pa man. Ang alam ko matalik mo siyang kaibigan simula elementarya kayo.”
“Siya lang ba ang kaibigan ko?”
Bigla siyang umiwas ng tingin. Alam na ang kung ano ang ipinapakita niya. Kapag gano’n, ibig sabihin ay hindi niya iyon sasagutin. Katulad ng sabi ko, limitado ang sagot niya kapag mayroon pa akong gustong malaman.
Napaiwas ako at napatingin sa mga bulaklak. Sabi niya, iiwasan niya raw ang mga tanong ko kapag hindi niya pwedeng sagutin. Kapag pinilit ko rin daw... makaapekto ‘yun sa ‘kin.
Sa sumunod pang mga araw, hindi ako pumasok kaya nag-alala sila Papa. Hindi ko alam... hindi ko maintindihan. Para bang... biglang ayokong makipaghalubilo sa mga tao. Pinipilit ko ang aking sarili ngunit may kung anong bagay sa akin para ayawan ko.
“Anak, kung gusto mo bumalik ka na lang sa home schooled.”
Iyon ang sinabi ni Papa. Nag-home schooled ako. At sa paglipas pa ng mga oras, araw at buwan hindi ko aakalaing gaganunin ko ang pagpasok sa pag-aaral.
Home schooled to school. School to home schooled. Palaging gano’n. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko rin alam at hindi ko na inalam kung paano pa iyon ginawan ng paraan nila Papa.
Kapag may mga araw na gusto kong iwasan ang lalaking ‘yun. Magho-home schooled ako. Pagkalipas ng dalawang linggo, balik ulit ako sa school.
Para bang... pumasok lang ako sa school para makipag-eye-to-eye contact sa kaniya. Tuwing sasapit na ang hapon, palagi siyang dumadaan sa classroom namin kaya ako naman hindi ko mapigilang mapansin at pansinin iyon.
Ewan ko ba. Hindi ko na alam. Kagaya na lang ngayong araw. Bukas pa naman ako cleaners kaya habang naglilinis sa loob, nag-aabang na ako sa corridor. Inaantay na dumaan siya. Hindi naman dito ang room niya dahil GAS department ito at siya hindi ko alam, aalamin ko.
Mga ilang oras pa akong naghintay pero wala pa siya. Matatapos na ang lahat wala pa rin siya. Hindi ko rin alam kung anong ideya itong pinaggagawa ko. Siguro crush ko na ‘yun kasi daan siya nang daan sa room namin tuwing sasapit ang hapon.
E, ako naman. Mapaghanap na ang aking mga mata at gustong-gusto na siyang makita.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...