Chapter 11

73 24 0
                                    

Itong private business nila ay sakop na ng iba’t ibang lugar at bansa. Nakikipag-negotiate ito sa kanila through private association din. Lahat ng nandito ay arrange marriage rin. Isa na rito ang bansang Merriville. Ito ang bansang nangunguna sa organizations nila.

May apat na organizations ang business nila sa kadahilanan na rin na tinatawag nating LGBTQ.


The first organizations is the “Girlfriend for rent”. Dito ay lalaki ang client at babae naman ang magiging customer para magpanggap. Gold ang card nito. Kumbaga, hahanapan nila ang kanilang client na magiging customer nila.


“Boyfriend for rent”. Dito naman ay babae ang client at lalaki naman ang magiging customer. Pangalawa ito sa pinakamataas. Golden brown ang card nito.


“Lesbi for rent”. Dito naman ay babae ang client at babae rin ang magiging customer. Pinaghalong Gold and Silver and card dito.

And the last is “Bi for rent”. Ito ang pinakauna sa pinakamataas na organizations na dumadami. Ang client dito ay lalaki at dapat lalaki rin ang customer. Gold and Black ang card nito. Hindi halo kundi kaliwaan ang kulay.


Kapag isa ka sa “NBSB” ng “Girlfriend for rent”, ay hindi ka nila agad i-a-assign. Mapupunta ka muna sa pagiging trainee bago ka nila bigyan ng client. Dahil isa ako roon, medyo naaasiwa talaga ako at kabado.

Iba naman iyong sinasabi nilang golden rule. May rules dito na dapat gawin at sundin. Kagaya ng; kiss, holding hands, hugs and except for the sex. Hindi ito kabilang sa gagawin pero nasa rules ito.

You need to follow the golden rule and respect the other rules. Gagawin iyon kapag nasa harap ka ng pamilya ng kliyente mo. Wala ritong pinipili, mayaman ka man o mahirap ay pasok na pasok ka.


OFW nga pala ang mama ko. Ang papa ko naman ay namaalam na. Si mama ay nagtra-trabaho sa Singapore. Ang huling padalang sulat niya sa amin ni Chynna ay noong last last last week pa. Ang kapatid ni mama ang nag-aalaga sa amin at kasama namin sa bahay.


Bago pa dumating si Chynna sa probinsya namin ay wala na si papa. Sa RPW kami ni Chynna nagkakilala noong grade 8 ako kaya alam niya rin ang buong kwento tungkol sa crush kong si Jahru.

Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin through chat and until now dire-deretso at sa hindi ko inaasahan ay gusto niyang tumira dito sa probinsya namin. Una ay gulat na gulat si mama sa sinabi ko pero matagal ko na rin ipinakilala at matagal na rin kaming magkaibigan.


Nakarinig ako ng kalabog. Madilim na rin sa labas at paniguradong nandito na si Chynna. Inayos ko muna ang naging kalat sa aking kwarto bago lumabas ng.

“Ang sabi raw po ni Aling Dora ay mayroong ipinadalang sulat si Tita sa ‘yo. Kailangan pa rin iyon ni Heidi kahit bihira man sila magkausap sa cellphone,”

Malumanay lang ang pagkakasabi nun ni Chynna. Kahit ganoon ang ipinapakitang reactions sa kaniya ni tita ay nirerespeto niya ito.


“B-Bakit ba ang kulit mo ha!? Sinabing wala namang pinadala si Ate’ng sulat!” sigaw sa kaniya ni Tita Milda.


Naabutan kong ganoon ang pag-uusap nila. Lasing na naman siya. Pagkatapos sa makadalawang araw ay umiinom siya. Nang makita ako ni Chynna ay ngumi niya ako at tumingin kay Tita na muntikan pang matumba. May hawak pa siyang bote ng redhorse.


“Tita, huwag niyo naman pong pagsigawan ng ganoon si Chynna. Alam kong after two weeks nagpapadala si Mama sa atin ng sulat.
Nilagok pa nito ang natitirang redhorse bago pagewang-gewang na naglakad.

“E-Ewan ko sainyo,” aniya bago pumasok sa kaniyang kwarto.


Napabuntong hininga na lang ako at tumingin kay Chynna.


“Ayos ka lang? Pasensya ka na kay Tita,”
Tumango siya at ngumiti kaya nginitian ko na lang din siya.


“Halika, kumain na tayo. Nagugutom na ako.”

Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon