Sa ibang alaala ulit ako napunta.
Ito ‘yung araw na sumama ulit ako kay Papa. Tuwing sabado’t linggo ay sumasama ako sa kaniya. Bata pa lang talaga nasisilayan ko na si Jahru sa malayo.
Ang palaging masungit niyang mukha ang nagpapatigil sa akin na huwag lumapit sa kaniya at makipagkaibigan. Hanggang sa gawain at gustong-gusto ko nang titigan siya sa malayo kapag hindi siya nakatingin sa akin.
Minsan naman, nadadakip niya ako o nahahanap ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.
“O siya, Anak. Dito ka lang ha? Huwag kang papasok sa loob ng kanilang mansion, mapagagalitan ka.”
Paalala ulit sa akin ni Papa kaya kinukunutan ko lang siya ng noo.
“E bakit po? Wala naman akong kukunin,”
Tumawa siya sa aking sinabi at saka tumango-tango.
“Tama nga naman pero maling pumasok ng bahay ang hindi mo naman bahay.”
Tinanguan ko na lang siya. Pagkatapos nun ay tinap niya ang ulo ko bago umalis. Naupo ako sa mapreskong duyan nila Jahru.
Mga ilang minuto pa ay nakarinig ako ng mga yapak at pamilyar na boses.
“Jahru! Pansinin mo naman ako! Ako naman ang magiging asawa mo kapag 18 na tayo e,”
Si Wilma? Boses niya ‘yun.
“Can you please stop! I don’t like you! May gusto na akong iba!”
Nandito rin si Jahru? Agad akong napatayo at sinundan ang mga boses na iyon.
“Liar! Hindi iyan totoo! You just want to get rid of me!”
“Because I don’t like you! And stop bothering me!”
Mga ilang minuto pa ay wala na akong narinig na boses. Pakiramdam ko sobrang lapit na lang nun. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nasa bodega nila ako. Pinakalikod na ng mansion nila.
“Then sabihin mo sa akin kung sino ang nagugustuhan mo!”
Sakto pagkaliko ko sa isang pader ay naabutan kong gano’n ang sinabi ni Wilma. Nandito nga sila. Nakatagilid silang dalawa sa akin at sabay rin na tumingin sa akin.
Gulat akong napalunok. Nang magtama ang tingin namin ni Jahru ay umaliwalas ang mukha niya. Bigla siyang umalis sa harapan ni Wilma.
Nang tingnan ko si Wilma ay galit ang nakitaan ko sa kaniya. Umiiyak din siya at namumula ang ilong. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa. Hindi ko sinasadyang makita at marinig lahat ng iyon.
Nang tuluyan ng nakalapit sa harapan ko si Jahru ay natabunan nun ang tinginan namin ni Wilma. Ang kabog ng puso ko ay ramdam ko na.
“S-Siya ba ang g-gusto mo?” mahinang tanong ni Wilma.
Nakita kong mabilis na tumango si Jahru. Napakurap-kurap ako. Parang biglang nagbara ang aking lalamunan para sabihin sana kay Wilma na hindi naman talaga ako gusto ni Jahru.
Totoong hindi ako gusto ni Jahru... Nagsisinungaling siya.! Gusto niya lang ipamukha kay Wilma na may gusto na siya at ako iyon.
BINABASA MO ANG
Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓
RomanceHeidi is one of the "NBSB" or "No Boyfriend Since Birth" in the world. Her parents are not very strict with her. Heidi has dreamed of her crush liking her ever since they were in high school. Ang kaya niya lamang gawin ay tingnan siya sa malayo kapa...