Chapter 28

38 4 0
                                    

Makalipas ang isang buwan.


Sobra ko ng nagustuhan ang probinsya nila Mama. Pabalik-balik na rin naman kasi kami rito para magbakasyon. Nagkaroon na rin ako ng cellphone pero hindi pa talaga masyadong uso lalo na rito sa probinsya. Tahimik.

Sariwang hangin at walang maririnig na ingay ng mga bumu-busenang sasakyan hindi katulad sa Maynila.


Ngunit ang masakit ay hindi kami magkakaroon ng komunikasyon ni Alona. Pareho kaming nangako na sabay kaming magkakaroon ng cellphone. Sinubukan kong hanapin siya sa facebook ngunit no results found. Sinubukan ko rin kay Jahru, mas lalo na rin.


Sa loob ng isang buwan ay masaya ako. Ngunit hindi maipagkakailang may lungkot sa puso ko. May hinahanap ako. Pakiramdam ko may kulang...


“Akala ko ba pinili mo kami ni Heidi para magkaroon ng tahimik na buhay!? Bakit ngayon hindi ko na maintindihan ang desisyon mo!”


“Hindi sa gano’n! Mas malaki ang suweldo sa Maynila–”


“Dahil nandoon s-siya ‘di ba!? Gusto mo sa Maynila dahil–”


“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi gano’n, Ressiel... Alam mo namang wala akong mahahanap na trabaho dahil sa Ama ko. Gusto niyang maghirap ako... tayo sa pagpili ko sainyo. Gusto niyang pagsisihan ko ang naging decision ko na piliin kayo...”


Naging madalas ang pag-aaway nila Mama at Papa. Akala ko rin magba-bakasyon lang kami. Iyon pala ay desisyon nilang dito na kami manatili. Kaya ba pakiramdam ko... huling yakap ko na iyon kay Alona? Huling araw na masisilayan ko ng gano’n si Jahru?


Sa unang araw naman ng pasukan ay naninibago pa rin ako. Hindi ko pa maintindihan ang mga salita ng tao dahil lumaki ako sa syudad. Ngunit tinuturuan naman ako ng Tita Milda ko para may iba rin akong maintindihan.


Sa pangalawang araw naman ng pasukan, habang nasa biyahe ako nakasakay ng tricycle. Sa malayo, aksidenteng may nakita akong pamilyar na tao. O baka... namamalikmata lang ako? Mabilis akong pumara.

“Bababa ho ako!”


Pagkasabi ko nun ay agad namang itinigil ng tricycle driver sa gilid ng highway. Malayo-layo pa ang paaralan namin. Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako. Inobserbahan ko naman ang paligid.


May mga bahay pero malayo-layo ang distansya. Sa gilid naman mga kahoy, mga dahon nitong nagsasayawan. Ang masarap na simoy ng hangin ang nagpangiti sa akin.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Maginhawa sa loob at masaya. Napatingin ako sa may kawayang gate. Nakita ko siya roon na pumasok. Dahil hindi na ako makapag-antay ay pinuntahan ko na.


Nang nasa harapan na ako ay napansin kong hindi naman ito nakasarado. Sa karayang gilid nito ay pader kaya hindi ko nakita kung kumanan o sa kaliwa ba dumaan dahil hindi ko inaasahan na isa pala itong palayan sa loob.


Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang napakalawak na palayan. Sa likod nitong pader ay maliit na daan. Kasya na ang dalawang tao pero saan siya rito dumaan?


“Kakanan ba ako?” tanong ko sa aking sarili dahil wala akong nakitang katao-tao man lang.


“O sa kaliwa?” humarap ako sa kaliwa.

Nakita ko na parang doon natapos ang malawak na palayan, parang may daan ‘ata roon kaysa sa kanan.

Nang mapili na daan ang kaliwa ay naglakad na ako. Parang malapit na ring anihin itong palay kaya medyo natatamaan ko kaya makati sa balat. Lalo na sa binti, dahil sa mga damo kapag dumadaan ako. Nakapalda nga ako, hanggang tuhod pero makati pa rin.


Hiningal ako nang marating ko na ang dulo. Medyo napalayo ako pero ito na ‘yung dulo niya. Hindi nga ako nagkamali! May daan pababa! Pero agad na sumimangot ang mukha ko dahil sa malayo ay may nakita ulit akong gate na katulad din sa gate na ‘yun.


Nagagandahan ako sa paligid, pero hindi naman siya medyo nakatatakot. Uhaw na uhaw na ako. Parang nagsayang lang ako ng oras. Paano kung wala naman talaga akong nakita!Sa naisip na iyon ay mas lalo akong natakot kaya sinimulan ko ang mabilis na paglalakad. Lupa na ang dinadaanan ko pababa. Saktong nasa gate na ako ay may bahay akong nakita sa loob.


Pagtingin ko sa kaliwa ay may parang daan ulit pababa. Bakit ang daming daan?


Ang tahol ng aso papunta sa may gate ang nagpasigaw sa akin at nagpatumba sa akin sa takot. Takot na takot din ako habang umaatras. Galit na galit siyang tumatahol, gustong makalabas ng gate. Mabuti na lamang at nakasarado ito. Dahil sa takot naiyak ako.


“Ano ng ribok mo an! Subago ka pa!”


TRANSLATION: (Ano ng ingay ‘yan! Kanina ka pa!)



Tao? May tao! Ribok? Ano nga ‘yung “ribok” sa bicol? Subago? Alam ko ‘yun!

Ibig sabihin ay “kanina pa ako?” o ‘yung aso?


Kahit na umiiyak at natakot ay iyon pa rin ang nasa isip ko.


“Ano na an! Isay baya ang tig babatukan–ay tawo! Hala Ineng! Nagluok ka!? Glenda! Duman! Hali diyan!”


TRANSLATION: (Ano na ‘yan! Sino ba ang tinatahulan–ay tao! Hala Ineng! Nag-cutting class ka? Glenda! Doon ka! Alis diyan!)


Tumigil naman sa katatahol ang aso at umalis sa may gate. Bumungad sa akin ang babae. Parang kaedaran lang siya ng Tita Milda ko.

Kinakain pa ako ng takot at dahang-dahan na tumayo.


“Ayos ka lang, Ineng? Pasensya na, maribok talaga uto pag dae bistado ang tawo,”


TRANSLATION: Ayos ka lang, ineng? Pasensya na, maingay talaga ‘yun kapag hindi kilala ang tao,”


Tipid akong ngumiti. Tumango rin ako para ipakitang ayos lang din ako. Hindi ko lang kasi maintindihan ang huling sinabi niya.


Pero ang totoo... gusto kong maiyak ng sobra. Nararamdaman ang kabiguan sa nakita. Paano kung wala naman akong nakita? Binabaliw ako ng nararamdaman ko sa pag-iisip sa kanila araw-araw.


“May kaipuhan ka, Ineng?”


Agad akong napakurap-kurap habang inaalis ang dumi sa palda at kamay kong may lupa. Dahan-dahan akong umiling. Iniisip kung mali ba iyong pagkakaintindi ko sa sinabi ng babae. Tinatanong niya ako kung may kailangan daw ba ako.


“U-Uh... w-wala. S-Sige po, salamat.”


Pagkasabi ko nun ay nakita kong nangungunot ang noo niya kaya mabilis na lang akong tumalikod. Mabilis ang paghinga ko habang naglalakad. Sobrang nalulungkot. Bigo at walang napala. Naiyak pa sa takot.

Paano naman siya makararating dito, Heidi?! Hindi ka ba nag-iisip!?

Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon