Chapter 23

41 10 0
                                    

Nakatulog akong umiiyak. Nagising din akong mahapdi ang aking mata. Kahit sa pisngi’y ramdam ko ang mga luhang natuyo’t may naiwang bakas ng sakit sa katanungang walang makapagbibigay ng sagot.


Naalala ko, maayos kaming nakauwi ni Chynna kahapon. Pagkaalis namin sa school ay sa likod na kami dumaan dahil walang masyadong mga studyanteng pakalat-kalat. Kinuha niya rin ‘yung cellphone ko para daw hindi ako mas lalong maapektuhan sa mga nakikita kong mga post sa social media tungkol sa aking viral hindi ko naman alam.


Isang katok sa pinto ang nagpabasag sa aking mga iniisip at pagkatulala. Pumasok si Chynna’ng nakangiti’t may dalang tray. Kinunutan ko naman siya ng noo saka napatingin sa bintanang nakabukas sa aking kwarto. May pasok siya ngayon...


Makahulugan naman niya akong tiningnan. Alam siguro ang nasa isip ko. Dineretso niya ang tray sa table sa gilid ng aking kama saka naupo sa gilid ko.


“Alam ko ang nasa isip mo. Hindi na muna ako papasok, sasamahan kita,”


“Pero Chynna, paano ‘yung exam mo?”


“Don’t worry, kausapin na lang natin ang Prof. mo. Ako nang bahala ang sa akin,”


“Pero mahalaga–”


Agad niyang isinubo sa ‘kin ang pagkain kaya hindi na ako nakapagsalita. Kumain na lang din ako at mariin siyang tinitingnan.


“Heidi, huwag ka sanang mabibigla...”


Taka ko siyang tiningnan.


“Saan?” tanong ko.


Ilang oras pa muna niya akong tinitigan saka nakangiting bumuntong hininga bago nagsalita.


“Kasi, uuwi ang Mama mo,”


“Huh? Kailan daw? Bakit hindi niya sinabi sa akin?”


“Actually, no’ng isang araw pa tumawag. Ngayon siguro nasa Manila na siya.”


Ngiting sabi ni Chynna kaya napalawak din ang ngiti ko. Miss ko na si Mama. Nailabas ang nararamdaman kong kailangan ko ng kalinga, ng isang magulang. Kailangan ko si Mama, katulad ng ginagawa ni Chynna ngayon at noon pa man sa akin.


Palagi niyang pinapakinggan ang mga problema ko, mga rants kahit maliit na bagay at lalo na kay Jahru. Simula ng paghanga ko kay Jahru at umiba na ang timpla ng nararamdaman ko sa kaniya.


Hindi lang paghanga, hindi ko lang siya hinahangaan sa malayo. Pakiramdam ko, sa loob ng taon na pagkakagusto sa kaniya, may nakaukit sa puso kong makikilala siya, matatagpuan at magsasama.


Napabaling ang tingin ko sa bintana. Ang kaninang sinag ng araw ay biglang nawala. Ang tunog ng patak ng ulan ay unti-unting nakikita.


Ano ang mayroon sa ulan? Bakit kapag si Jahru ang pinag-uusapan ay biglang umuulan? Ang ang mayroon sa ulan.


Biglang kumirot ang puso ko. Ngunit sa kabila ng kirot mayroong saya sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan, kahit kumikirot ito’y may umaapaw namang kakaibang pakiramdam dito sa puso ko.

Isang haplos sa kamay akong naramdaman. Napatingin ako kay Chynna. Hindi ko rin namalayan na kanina pa pala tumutulo ang luha ko. Nakitaan ko siya ng awa’t lungkot sa kaniyang mga mata. Saglit ko iyong nakita ngunit bigla ring napalitan ng sigla.


Inilagay ko ang kanang kamay ko sa ibabaw ng kamay niyang nakapatong.


“Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan ng sobra sa lahat-lahat,” huminga ako nang malalim pagkatapos ko iyong sabihin.


“Sobrang thankful ko dahil nakilala kita, Chynna. Kahit sa next life ko ikaw pa rin ang gusto kong maging kaibigan.”


“Anong next life ka riyan,” tumawa siya kaya tumawa na rin ako.


“Bakit? Ayaw mo?” kunwari malungkot kong tanong.


“Sinong aayaw? Kahit kapatid pa mas lalo kong magugustuhan.”


Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay mas lalo pa siyang lumapit. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya niyakap ko na rin siya nang mahigpit.


Siya ‘yung kaibigang mauuwian mo. May problema man o wala, palaging bukas ang yakap niya sa ‘yo.


Walang nag-imikan sa amin. Pinapakiramdaman ko ang kaniyang yakap at haplos sa aking buhok. Biglang naging matunog ang buhos at malalaking patak ng ulan. Pasimple akong tumingin do’n.

“I’m sorry, Heidi...”


Aangat na sana ako ng ulo nang marinig ang sinabi ni Chynna kaso napigilan niya ako kaya ang tingin ko ulit sa bintanang kita ang buhos ng ulan.


“Bakit ka nagso-sorry?” mahina kong tanong kay Chynna.


Ramdam kong huminga siya nang malalim.

“I’m sorry sa gagawin ko,” pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa kaliwang braso ko.

“A-Aray... C-Chy... A-Anong...”

Napatingin ako sa kaniya nang kumalas siya sa aming yakap. Tinurukan niya ako ng maliit na karayom. Malungkot niya akong tiningnan. Nakaramdam ako nang panghihina sa aking katawan. Ang talukap ng mata ko’y pumupikit-pikit na.


Pinahiga niya ako bigla.


“C-Chynna...” nanghihina kong tawag.

“Shh... kailangang pahingahin ang isip mo, Heidi. Kailangan mong magpahinga. Magtiwala ka, magiging maayos ang lahat.”


Napailing ako sa sinabi niya. Nararamdaman kong unti-unting nawawala ang aking lakas. Pinapalitan ng kahinaan.


Unti-unti na ring dumidilim ang paningin ko. Sa pagmulat ko ulit ay may nakita akong pamilyar na tao. Gusto kong kumpirmahin kung siya iyon pero nanlalabo na ang aking mata.


“Jah–”


Mahina ko pang bigkas bago ako nawalan ng malay.




Staring so Beautifully (NBSB Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon