Continuation of Chapter 2- Ang Clingy Kung Fiancée
3 Months Later... 🗓️
CHARLOTTE'S POV
3 months nang nakalipas simula nang kinasal kami ng pinakamamahal ko na si Engfa at 5 months pregnant nadin ako ngayon. Dumaan nadin ang birthday ko na sinurpresa lang ako ng dinner date ng asawa ko kasi sabi ko sakanya bago ako mag birthday na ayoko na maghanda kami o gumastos ng malaking pera dahil gusto ko isave ang pera namin para sa panganganak ko at sa mga needs paglabas ng baby namin.
Nag christmas at new year naman kami dun sa mansion nila ni E dahil dun naman talaga kami sakanila every holidays season simula dati pa, pagkatapos nung valentines ay nag date kami sa clinic dahil schedule ko sa pre-natal check up yon at umiiyak siya nun dahil nakikita nya sa ultra sound ang heartbeat ng baby namin na napaka healthy lang, sobrang mahal na mahal kami ni Dada Engfa dahil sobrang inalagaan nya kami at lahat ng cravings ko lulutuin at hahanapin nya kaya ang swerte talaga namin ng baby ko kay daddy E.
After valentines nag birthday naman si E nun pero imbis na icelebrate namin ang birthday nya, ang ginawa lang namin nun ay bumili ng ng mga gamit ni baby at busy siya sa pag decorate sa magiging kwarto ni baby.
So far sa tatlong buwan na nagdaan ay patuloy naman nagiging healthy ang relasyon namin bilang mag-asawa, although minsan may away at tampohan talaga pero na sosolusyonan naman namin agad ito.
Mas lalong naging sweet si Engfa sakin simula ng kinasal kami pero ako patuloy ko padin siyang inaaway kasi minsan naiinis ako tuwing kaharap nya yung computer niya at maglaro dahil pag may utos ako sakanya minsan at makasimula siyang makaupo sa gaming chair nya, ay ayon hirap na makatayo sa kakafocus sa pag lalaro nya. Oo, may sariling gaming station na si Engfa dito sa condo namin dahil nung Christmas nag lambing siya sakin na mag papabili ng computer, so ayon pinayagan ko nalang kesa mag inom siya basta ang mga kalaro niya lang ay sila Nesa, Tina, at Meena lang din.
Hindi nadin ako masyado nagseselos sa mga ibang tao na papansin sakanya simula nung kinasal kami dahil nasa bahay lang din naman siya palaging kasama ako, lumalabas lang kami pag grocery or check ups. Pero ayon nga bago kung kalaban sa relasyon namin yang computer nya talaga, mag seselos ako sa computer nya kaya minsan pag naglalaro siya tapos ayaw pa nya tumabi sakin matulog ay nakakandong ako sakanya at nakayakap habang matutulog ako at siya naglalaro.
Si Meena at Aoom din pala, ay naging friends nadin sila ng tropa namin dahil simula nung kasal namin at nagka bonding sila sa mga tropa namin ay nagkakaintindihan naman sila kaya after nun ay pag may plano ang tropa na magkita kita ay iniinvite nadin namin sila sumama samin minsan.
So sa ngayon, kasalukoyan kaming nasa birthday party ni ate plai ngayon, at andito din ang buong tropa namin dahil invited din sila. Nag aaway naman kaming dalawa ng asawa ko ngayon na magkatabi dahil naiinis ako sa babae kanina na sabi nya na classmate daw ng Ate nya dati tapos kung maka beso sa asawa ko parang hahalik na sa labi.
ENGFA'S POV
Inaaway ako ngayon ng selosa na masungit kung buntis na asawa, yung andito kami sa birthday ng kapatid ko ngayon para mag saya pero itong asawa ko maiyak iyak sa inis nung nakita nya na nag beso sakin si Nini na classmate ng ate ko dati.
C: Pumunta ka dun! wag kang tumabi sakin!
pagpapaalis nya sakin sa tabi nyaE: Mommy naman eh.. ang layo nga lang sa lips yun.. pisnge po yon..
pag kokombinsya ko sakanyaC: bakit ka naman kasi nakipag beso ka dun.. eh hindi mo naman close yon! gusto mo lang talaga mambabae eh!
E: Anong mambabae.. akala ko tapos na yang selosa era mo tapos ngayon pagbibintangan mo nanaman ako.. nakipag beso lang naman yon kasi magkakilala kami nung bata pa ako tapos ngayon lang kami nagkita ulit.. mommy pls.. wag kana magalit jan..
siniko nya ako
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kung Asawa
FanfictionCHAPTER 3 Continuation of CHAPTER 2 - Ang Clingy Kung Fiancée [EngLot] Engfa Waraha and Charlotte Austin Inspired 🤍 HAPPY LOVELIFE NG ENGLOT... ** From Tiktok to Wattpad story ⚠️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, eve...