Part 120 - Pool Party

456 18 1
                                    

ENGFA'S POV

Sa sobrang saya ko nung nalaman na namin ang gender ni baby float ay hindi ko na talaga mabitaw bitawan ang tyan ng asawa ako hanggang inaya ko siya na pumunta kami saglit ng kwarto namin para halikan ko lang ang asawa ko ng sobrang tagal kasi sobrang miss ko nadin talaga siya, kasi pag dun kami mag hahalikan ng asawa ko sa harap nila ay pang aasar lang ang aabutin namin dun.

C: Miss kita sobra.. bumalik kana sa amin ni baby float mahal pls..
paglalambing at habang nakayakap ng mahigpit ang asawa ko sakin

E: Ha? Hindi naman ako nawala sainyo mahal ah.. tsaka Opo alam ko nagkulang ako ng time sainyo ng mga nakaraang araw po and napag sisihan ko po yon and I'm sorry mahal ko...
niyakap ko din ng mahigpit ang asawa ko

C: Sorry din mahal na palagi kitang inaaway, gets mo naman ako diba? gets mo naman yung mood swings ko po... nung nakaraan ay inisip ko na baka napagod kana sakin kaya nawalan kana ng gana sakin lalo na pagka gising ko hindi na kita naaabutan dahil umalis kana tapos pag uwi mo ay nakatulog nadin ako.. haaaaay..
paglalabas ng hinanakit sakin ng asawa ko habang tumutulo naman ang luha nya at mas lalo naman akong nakokonsensya

E: I know mahal.. and I'm sorry talaga... mahal na mahal ko kayo ni baby float mahal, alam mo naman yun diba na ginagawa ko din to ay para sa pamilya natin mahal at ayoko na malugi ang negosyo natin dahil paano nalang ang future ni baby float po..
pagpapaliwanag ko naman sa asawa ko

C: Naintindihan ko naman yon lahat mahal kaya hinahayaan lang kita, although nakaka miss ka naman talaga pag nasa tabi lang kita palagi pero alam ko na kailangan eh kasi para satin naman po ito... hhmm anyways excited na ako sa pag gawa natin ng name ni baby float mahal..
sabay hawak naman namin ang tyan ni asawa at hinalikan ko naman ito

E: Yeah.. excited nadin ako mahal, ang soon to be dada's spoiled little princess na sobrang likot sa tyan ng mommy nya.. hehe
habang kinausap ko ang tyan ng asawa ko at hinalik halikan

Maya-maya ay inaya ako ng asawa ko na lumabas na kami ng kwarto at bumaba dahil pariho kaming nagugutom at nung pagkababa namin ay nakita namin sa may sala na nag iinuman ang dalawang Daddy namin at nag kwentohan kaya hinayaan lang din namin sila habang yung iba ay nasa pool area na lahat nag iingay at sure ako na nagsimula na sila mag inuman at pinasimunoan ito ng Ate Plai ko.

C: Mahal... ikaw na kumuha ng pagkain ko po, mauna nalang ako sayo dun sa pool area..
pagpapaalam naman ng asawa ko sakin

E: Sige po mahal.. kaya mo lang ba maglakad mag isa dun?
tanong ko naman sakanya

C: Opo kaya ko naman mahal.. duh? haha!sige na mahal para makakuha kana ng pagkain natin..
sagot naman ng asawa ko

E: haha! Osige.. mag ingat ka ha, dahan dahan ka lang sa paglalakad mo mahal..
pagpapaalala ko naman sa asawa ko at tumango lang ito at umalis

Habang ako ay dumiretso nadin ng kusina para ihanda ang dadalhin kung pagkain para saamin ng asawa ko pero nakakaramdam ako ng kakaiba sa tyan ko kaya naisipan ko na pumunta muna ng CR namin dito sa kusina dahil malapit lang din naman ito pero nung nag attempt na ako na buksan ito ay naka lock ito kaya naisip ko na baka may tao sa CR na kasambahay namin.

Kaya ang ginawa ko ay inayos ko nalang ulit ang mga pagkain na dadalhin ko para saamin ng asawa ko pero bigla naman akong nagulat na may humawak bigla sa likod ko at nung napatingin ako ay si Manay pala ito ang yaya namin ng Ate Plai ko since mga bata pa kami at naisipan ko din na baka si Manay yung nasa loob ng CR kanina pero hindi ko lang siguro napansin na lumabas.

Manay: Anak.. Congrats sa inyo ni Charlotte.. masaya ako dahil babae ang anak nyo..
bigla naman naging emosyonal si Manay habang kinausap nya ako bigla

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon