Part 133 - Event

712 21 7
                                    

ENGFA'S POV

Nagdaan ang dalawang linggo simula nung nag desisyon ang asawa ko na maging boarders nalang daw kami dito sa condo at walang pakialamanan na, pero sa dalawang ligo na yon ay hindi ko sinunod yon kasi hindi naman ako pumapayag sa mga desisyon nya kaya ito ako patuloy na makuha ulit ang asawa ko kahit mahirap siyang suyuin.

Parang itong away namin nato ang pinaka mahirap masuyo ang asawa ko at alam ko naman na hindi din talaga madali sa side ng asawa ko kaya alam ko na deserve ko na mag hirap ng ganito, pero thankful padin ako na kahit naging ganito kami ng asawa ko ngayon ay hindi siya umalis dito sa condo namin at nakikita ko padin siya araw araw kahit nasa distansya nalang basta ang importante sakin ngayon ay mapanatag ako na makikita ko ang mag ina ko na safe lang.

Hindi nadin ako ulit pumapasok sa mga stores ko dahil andito nalang din ulit ako sa bahay, dito ko nalang pinapadala ang mga gagawin ko na trabaho sa mga negosyo ko at kung meron man silang ipapapirma sakin ay pinapa punta ko nalang sila ulit dito sa condo kagaya ng dati pero hanggang sa baba padin sila.

Wala nadin si Malin sa Salon dahil nalaman ko kay Luna na tinanggal ito ng asawa ko nung nakipag usap siya kay Malin at nag agree lang din naman ako kung yun ang way na mapapa natag ang asawa ko lalo na't si Malin din ang dahilan bakit kami nagka ganito ng asawa ko ngayon. Wala na din akong news kay Malin at kung saan siya lumipat ng trabaho and I don't really care talaga about her.

Kasalukuyan akong nagluluto ngayon para sa lunch namin ng asawa ko kahit hindi naman niya kinakain ang mga niluluto ko pero kahit ganun siya ay syempre hindi padin talaga ako titigil na suyuin ang asawa ko. Oo, simula nung tinalikuran na ako ni Cha ay kahit sa pagkain dito ay nag sosolo na siya, hindi nya kinakain ang mga hinanda ko na mga pagkain para sakanya at kahit nga sa grocery ay nagpapa deliver na siya para sa kanya pero syempre hinahayaan ko lang ito sa mga kagustohan nya basta ang importante andito lang siya sa condo.

Lumabas siya ngayon sa kwarto ni Baby Float habang nagluluto ako at ito nga maka chance din ako na makapaalam sakanya na aalis ako mamaya para dun sa event na kasama ko si Dad na dapat last week ito pero na move ito ngayong araw.

E: Mahal... magpaalam po sana ako na mamayang hapon po ay aalis ako para dun sa event na ipapa sama sakin ni Dad.. uwi lang din ako agad pag matatapos mahal...
pagpapaalam ko kahit inexpect ko naman na deadmahin nya lang din naman ako kagaya sa mga nakaraang araw na para lang akong hangin sa kanya na hindi pinapansin kapag nagsasalita ako

C: Kahit hindi ka pa magpaalam.. wala naman akong pakialam!
pero hindi ko naman inexpect na sumagot siya ngayon sakin kahit masungit na pagsagot ito, at atleast kinausap na nya ako kaya hindi din maiwasan na gumaan ang pakiramdam ko at napangiti sa masungit na pagsagot nya

E: Hehe cute naman ng masungit na asawa..
pagbibiro kung sagot sakanya habang pabalik ulit siya sa kwarto ni baby float pero inirapan lang nya ako at syempre kinilig naman ako sa irap nya dahil atleast after 2 weeks pinansin nya ako

Maya-maya ay natapos na ako sa niluto ko at inuna ko naman na handaan ang asawa ko sa lamesa kaya pagkatapos ay kinatok ko siya sa kwarto ni baby float.

E: Mahal... kumain kana po.. nahandaan na po kita sa lamesa..
pagkasabi ko naman at hindi naman nagtagal ay nagulat ako dahil binuksan nya ang pintoan kaya napangiti ulit ako

C: Pwede ba! Wag ka nga mag act lang na parang normal lang ang lahat dahil sayang lang yang mga hinahanda mo! Kaya kung magluto para samin ni Float!
pagkasigaw naman nya sakin sabay sirado agad ulit sa pintoan

Napailing nalang talaga ako sa pag mamaldita ng asawa ko pero sino ba naman ako para mag reklamo sa pag mamaldita ng asawa ko sakin eh kasalanan ko naman ito kung bakit naging ganito siya kaya kailangan talaga na pahabain ko ang pasensya sakanya.

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon