Part 96 - Gamer

890 15 0
                                    

CHARLOTTE'S POV

Pagdating namin dito sa condo galing sa birthday party ni Ate Plai ay hindi ko padin pinapansin si Engfa, paano kasi alam na naiinis na ako sa babaeng yun sa unang beso sakanya na parang hahalik na sa labi nya tapos mukhang nagpapansin pa sakanya lagi, pero pinapa beso nya padin ulit ito nung nagpaalam na pauwi na. Kaya naiinis ako sobra sakanya ngayon, yung gigil na gigil ako sakanya talaga... kaya bahala siya wala ako sa mood na pansinin siya.

Dumiretso ako ng kwarto para mag hubad at mag handa sa pag ligo habang siya diretso agad sa computer nya, kaya lalo ako naiinis talaga sakanya ngayon kasi hindi manlang sumunod dito sa kwarto para lambingin ulit ako.

Paglabas ko ng kwarto dahil pupunta ako sana ng cr ay hinarangan nya ako.

E: pansinin mo na ako mahal.. pls..
tinititigan ko lang siya at inirapan

E: i love you.. i love you... i love you... ikaw lang love ko kahit sobrang sungit mo asawa..
nilambing nya ako pero hinampas ko siya

C: umalis ka nga jan! maliligo ako para matulog na! kung gusto mo magpuyat nanaman jan para maglaro.. wag mo kami idamay ng anak mo!
tinawanan nya lang ako na parang nang aasar lang, binitawan nya ako kaya dumiretso naman ako ng cr

After 15 minutes ko sa cr, paglabas ko nakita ko agad siya na sobrang enjoy sa paglalaro nya tapos nag iingay nanaman kasi kalaro nya si Meena sa pagkakarinig ko.

Pagkatapos ko magbihis ay humiga na ako sa kama at nagpapaantok kaya nanuod muna ako ng movie sa phone ko. Hanggang sa mapapikit ang aking mga mata.

Bigla nalang akong nagising at nagulat sa sigaw ni Engfa dahil sa laro nya kaya napatayo ako agad at pinuntahan siya sa labas.

C: Pwede ba! kung maglaro ka wag kang sumigaw bigla bigla!!! 1am na engfa!!! Nakatulog na sana ako eh! Bwes*t!
sigaw ko sakanya kaya napatingin siya sakin habang naglalaro

E: Sorry mommy.. nakatulog kana pala? hindi mo ba ako hihintayin?
sagot nya habang focus ang mga mata nya sa laro nya

C: Ewan ko sayo! wag kang tumabi dito sakin! Jan ka matulog!!!
dineretso ko naman sinira yung pintoan at ni lock kaya bahala siya maglaro magdamag

Nanggigil talaga ako sa asawa ko nato, adik sa online games. Kaya bumalik na ako diretso sa kama at humiga kaya nag iisip nanaman ako na paano ko nanaman makuha ulit yung antok ko para makatulog.

ENGFA'S POV

1 hour ng nakalipas simula nung sinigawan ako ng asawa ko dahil sa ingay ko daw. haha. Ewan ko ba dun lagi nalang may tupak kahit anong lambing mang aaway padin sakin kaya pag siya tinutupak hinahayaan ko nalang at binibiro kasi pag siniseryoso ko siya sa away namin mas lumala pa.

Pinatay ko na ang computer ko at nagligpit nadin dahil papasok na ako ng kwarto para matulog na. Pero bago ako pumasok ng kwarto ay nag cr muna ako para mag wash at para nadin pagpasok ko ay magbihis nalang ako at diretso higa tapos mang gigising para manglambing sa asawa ko na laging galit sakin.

Pagpasok ko ng cr nakita ko yung wedding ring nya na naiwan nya dito kaya napailing naman ako kasi naiwan nya ito dito at sure ako maghahanap ito pag napansin nya na wala ito sa kamay nya.

Napaisip naman ako na itago ko itong wedding ring nya para pag maghahanap siya ay kakabahan ito at malay natin ito yung way na papansinin nya ako at mawala ang kasungitan ng asawa ko tapos kunwari ako yung magagalit kasi nawala nya. haha

After 10 minutes lumabas na ako ng cr at papasok na ng kwarto, pero laking gulat ko dahil ni lock nya yung pinto kaya hindi ako makapasok tapos yung susi pa nito nasa loob ng kwarto pa namin.

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon