Part 98 - Delivery

853 11 0
                                    

CHARLOTTE'S POV

Tinawag ko si Engfa dahil may kumatok sa pintoan kasi siya naman talaga yang taga bukas ng pintoan lalo na pag wala kaming ineexpect na bibisita samin dito sa condo.

Pero nakailang tawag ako sakanya ay tumatango lang siya ng paulit ulit dahil sa sobrang focus nya sa laro nya, kaya sa inis ko tumayo muna ako sa harap ng besties ko para lapitan si Engfa.

C: Hoy! Ano! May tao nga!!!! Di kaba tatayo jan?! Kanina pa kita tinatawag! Pakain ko sayo yang headset mo eh!
sigaw ko sa kanya sabay hampas

E: Kung ikaw nalang kaya dun magbukas.. alam mo na naglalaro pa oh..
sagot nya habang focus sa paglaro

C: Ah ganyan kana ngayon ha?! What if magnanakaw yan na may dalang baril!
tumahimik lang siya habang focus lang sa laro

C: Ano?! Hindi ka talaga susunod sakin?! Isa!
at hindi padin siya tumayo kaya sa inis ko umalis ako sa tabi nya at dumiretso sa may pintoan para buksan ito

E: Mahal.. ingat..
sabi nya na parang nang aasar lang kaya hindi ko na ito pinansin

C: bwesit ka!
nagtawanan naman ang mga besties ko

Pagka bukas ko ng pintoan ay nagulat ako na may lalaki akong nakita na nakatayo na may bitbit itong sunflower bouquet sa labas ng main door namin.

Lalaki: Hello maam, ito po ba yung unit ni
Mrs. Charlotte Austin Waraha?
napakunot naman ako sa noo kasi ako yung hinanap nito.

C: Ahhmm.. Yes, ako nga yon. Bakit po?
tanong ko naman sakanya

Lalaki: Hehe ikaw po pala ito maam.. Ahh.. Maam meron po kasi nagpapabigay nito para sayo, pinapa deliver dito sa address nyo po.
napakunot lalo noo ko

C: Ha? kanino po ba yan galing kuya?
kinabahan naman ako kasi baka magtaka si Engfa na may nagbibigay ng bulaklak sakin at alam ko na magseselos ito pag tinanggap ko

Lalaki: Nako sorry maam! Hindi po nagpapakilala yung nag nag order dito basta nagbayad lang po sa shop namin at nagbigay ng address dito po.
kinabahan naman ako kasi baka makita ito ni Engfa kaya tinawag ko nalang si Heidi

C: Bes! Heids! Come...
mahinang boses ko na pagtawag kay Heidi at agad naman siya lumapit sakin

Heidi: Bakit? ano?
takang tanong naman ni Heidi sakin bago nya nakita yung lalaki na may dalang bulaklak

C: ssshh... bes! meron kasing nagpapadala ng bulaklak sakin tapos hindi daw nagpakilala kung sino yun
lumaki naman ang mata ni Heidi

Heidi: omg! Sino yan? hoy! Bes.. may asawa kana at manganganak kana.. Wag mo yan tanggapin!
bigla naman lumakas ang boses ni Heidi kaya napalapit naman agad samin si Aoom, Marima at Chompu dito sa may pintoan

Marima: Para kanino yan?
tanong naman ni Marima na nagulat din

Heidi: Para kay Charlotte pero hindi nagpakilala yung nagpabigay sakanya.. hinaan nyo boses nyo baka marinig kayo ni Engfa!
sagot naman ni Heidi

Chom: Gaga! Ikaw nga yang malakas na boses eh..
sabi naman ni Chompu

Aoom: Hindi tayo maririnig ni E kasi naka headset naman oh..
sabi din ni Aoom

C: teka.. teka.. teka.. ano! tatanggapin ko ba ito?
tanong ko sakanilang apat

Marima: Wait.. kuya ano po ba sabi nung nagpa deliver nyan sa kaibigan namin?
mahinang tanong naman ni Marima sa lalaki

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon