Part 134 - Multo

1.1K 22 5
                                    

CHARLOTTE'S POV

Nairita ako sa mga nababasa ko dun sa CW na nag cocomment tungkol kay Engfa, pero pinilit ko naman na hindi maging affected dahil ayoko naman talaga na mangialam sakanya kahit mag jowa pa siya ng bago jan dahil wala na talaga akong pakialam sakanya kasi pinilit ko nadin talaga ang sarili ko na maka move on sa relasyon namin.

Itutulog ko nalang ang init ng ulo ko kaya nag paalam nadin ako kay Sea na bukas na namin ulit ipagpatuloy ang pag turo nya sa akin at pumayag naman siya kaya agad naman akong nag ayos para sa pagtulog ko at hindi ko nadin iisipin kung kailan o anong oras uuwi si Engfa dahil nasa sakanya naman na yon.


TIME SKIP...



Nagising ako dahil tumunog ang cellphone ko kaya nung pagkatingin ko ay madami itong missed calls galing kay Nesa at Heidi at nakita ko din na nag message si Heidi sakin na nasa labas daw sila ng pintoan kaya ako naman ay napatayo sa hinigaan ko at nung binuksan ko ang pintoan dito sa kwarto ay wala naman ito kaya napansin ko din na may kumatok sa main door kaya napapunta ako dahil baka dun na pintoan ang sinasabi ni Heidi sa message.

Pagka bukas ko ng pintoan ay bumungad naman sakin si Engfa na sobrang lasing ito na pinagtulungan buhatin ni Nesa at Tina dahil sa hirap ng makatayo at kasama naman nila si Heidi at Chompu na nasa likuran nila.

C: Oh bakit lasing yan? Nahuli nyo nanaman ba yan na may babae? Dapat hindi nyo na yan inuwi sakin dito eh!
pagsungit ko naman sakanila habang tatalikod na sana ako para iwan sila pero bigla naman hinawakan ni Heidi ang kamay ko para mapigil nya ako sa pag alis ko sa harap nila

Heidi: Bestie.. pwede ba wag kang mag ganyan muna ngayon sa asawa mo! hays..
pagkumbinsi naman ni Heidi sakin

C: Wow bes! ngayon kamping kampi kana jan eh alam mo naman ang ginawa sakin nyan diba?! So ano bumaliktad kana?!
pagmamalditang sagot ko kay Heidi

Heidi: Hindi ako bumaliktad bes! At wala akong kinampihan sainyong dalawa simula una dahil kahit naman siguro ikaw ang magkamali gaganunin din kita kagaya sa ginawa ni Engfa sayo! at alam nyo yang dalawa na ang gusto ko lang ay mapabuti ang pagsasama nyo! Alam mo yan! Si Engfa aminado siya bes na may mali siya at nagsisi naman siya! Pero ikaw naman.. bigyan mo din naman siya kasi ng kaunting panahon na pakinggan siya.. alam ko na nagalit ka dahil nagsinungaling siya pero ano ganyan nalang kayo palagi? Isipin nyo naman ang anak nyo dito dahil siya ang mahihirapan sa sitwasyon nyo!
panermon naman ni Heidi sakin kaya napaupo nalang ako sa may sofa

Tumabi naman si Heidi at Chompu sa may sofa sakin habang diniretso naman nila Nesa at Tina si Engfa sa loob ng kwarto nya sabay kinausap nanaman ako ni Heidi.

Heidi: Bes, alagaan mo kaya yung asawa mo dun... alam ko na may pakialam ka padin sa kanya pero pinipigilan mo lang dahil sa galit mo..
tinignan ko lang si Heidi

Chompu: Bes umiyak kaya yan dun dahil miss na miss kana daw nya at sobrang sising sisi sya sa ginawa nya.. hindi naman siguro bes na masama kung bibigyan mo pa sya ng chance diba?
pagkasabi din ni Chompu sakin pero tinignan ko lang din siya at umiling

Heidi: Okay bes, naintindihan kita ha.. at naintindihan ko na din si Engfa kung bakit nagkasala siya ng ganun at hindi ko tinolerate talaga yon kahit nagpaliwanag na siya ng maayos and ofcourse hindi din kita iniinvalidate sa naramdaman mo bes pero alam mo kung ano ang kulang sainyo bes? dapat mag compramise kayong dalawa kaya nagka ganun kayo eh..
patuloy na pagkumbinsi ni Heidi sakin

Chompu: And bes, hindi naman siya nag cheat diba? Hhmm.. siguro yung nag lie siya na hindi nya sinabi agad sayo ang tungkol kay Malin dahil natakot lang din siya sayo.. hindi naman totally worst ang kasalanan ni E diba? Yung iba nga jan bes harap harapan magloko.. siguro madadala padin naman sa maayos na usapan yang problema nyong dalawa bes..
pati nadin si Chompu patuloy padin ito nag kombinsi

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon