Part 106 - Spy

410 11 0
                                    

ENGFA'S POV

Sa pagpatuloy ko sa pagsunod kay Mew ay nagulat naman ako na huminto siya mismo sa harap ng coffee shop ko habang huminto din muna ako at hindi din muna ako nag park agad sa harap ng coffee shop ko kaya ang ginawa ko ay patuloy padin ako sa pag subaybay sakanya ng pa secreto sa malayo habang hinihintay ko muna na bumaba siya sa sasakyan nya.

At nung pagkababa nya ay laking gulat ko naman na pumasok siya sa bagong coffee shop na kaka opening lang ngayon sa harap din mismo ng shop ko na gumaya sa signature drink namin dahil sa empleyado ko dati at habang pumapasok siya ay bitbit nya din ang bouquet na binili nya kanina sa flower shop.

Bigla ko naman naisip na what if sakanya yung coffee shop na bago sa harap ng shop ko, bigla akong nainis lalo sa inisip ko kasi parang sinasadya itong lahat dahil una ginaya nya yung restaurant business ko tapos ngayon itong coffee shop ko, so ano susunod yung salon ko?

Kinumbinsi ko nalang ang sarili ko na wag magpa apekto dahil kung plano man nya na pabagsakin ako o ang mga negosyo ko ay nagkakamali siya ng binabangga. Lalo pa na ngayon ay paparating nadin ang bunga ng aming pagmamahalan ni Charlotte na ang anak naming si Baby Float, lalo akong ma motivate sa mga business ko para sa future ng pamilya namin ng asawa ko.

Maya maya ay pinaandar ko na ang sasakyan ko para mag park na mismo sa harap ng coffee shop ko at ipatuloy ko ang rason ng pag alis ngayon na magpapa tawag ako ng urgent meeting sa mga empleyado ko sa coffee shop.

Pagkababa ko ng sasakyan ko ay dumiretso agad ako sa loob ng shop ko at nakita ko naman na kahit may bagong bukas sa tapat ay madami padin namang customers dito sa coffee shop ko, at maya maya ay sumalubong naman sakin ang isa sa pinagkatiwalaan ko na empelyado dito sa coffee shop ko.

Ralph: Good Evening maam...
pagbati naman ng isa sa taohan ko dito at tumango naman ako sakanya

E: Madami ba tayong customers ngayong araw nato Ralph?
unang tanong ko naman sakanya

Ralph: Yes maam.. ganun padin po maam kahit may bagong bukas po sa tapat natin
pagka sagot naman ni Ralph sakin at tumango ulit ako habang tinitignan ko ang mga customers sa paligid

Ralph: Ahhmm... Maam Engfa, magtatagal po ba kayo? kasi may papapirmahan po sana ako yung sa dtr namin at mga supplies na orderin po namin dito..
dagdag namang sabi ni Ralph sakin

E: Yes... pakihatid sa office ko ang lahat ng pipirmahan ko Ralph.
sagot ko ulit sakanya sabay lakad papunta sa maliit na office ko dito sa coffee shop

Ralph: Yes Maam...
sagot din ni Ralph at agad naman siyang sumunod sakin

Pagka pasok ko sa maliit ko na office ay umupo agad ako sa upuan ko kaharap sa table ko at hindi padin mawala sa isip ko tungkol sa bagong coffee shop sa harap namin na pinag iisipan ko na pag aari ito ni Mew.

Maya maya ay nabalik naman ako sa katinuan dahil kumatok naman si Ralph sakin sa labas ng pintoan ko sa office at pinapasok ko naman siya agad habang dala dala nya lahat ng ipapapirma nya saakin.

Pagkalagay ni Ralph sa table ko ng lahat ng ipapapirma nya sa akin ay pinaupo ko muna siya sa harap ko dahil gusto ko muna siya kausapin about sa pag manage nya dito sa coffee shop ko habang busy ako sa pagbubuntis ni Charlotte.

E: Ralph, I'm just curious... may idea kaba if sino ang owner ng bagong Coffee Shop jan sa harap natin?
deritsahang tanong ko dahil hindi ko na mapigilin kaya napatanong na ako sa taohan ko

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon