Part 123 - Special Treatment

558 20 3
                                    

ENGFA'S POV

Andito ako ngayon sa labas ng mall nag aantay sa asawa ko dahil susunduin ko siya kasi ewan ko lang hindi ako comportable na si Snack kasama nya kahit pinsan ko naman yan tapos yung mga nababasa ko sa mga post nila na keso kinilig daw siya dahil ang hot daw ng asawa ko mag drive tapos tinatawag pa niya na date nila ito ngayon, ewan... ayoko talaga na may ibang nag papantasya talaga sa asawa ko kaya iniwan ko talaga ang pinag trabahoan ko para ma sundo ko lang itong asawa ko.

Naaninag ko naman na papunta na ang asawa ko dito sakin pero napansin ko na kasama nya din pala sila Nesa at Chompu. Kaya naasar pa ako lalo dahil aba naman nag double date pa siguro to sila. Edi wow. Kaya pagkalapit nila lalo sakin ay agad ko naman kinuha ang bag ng asawa ko para bitbitin ito.

E: Nag double date ata kayo ah...
pang aasar ko naman nung paghila ko sa asawa ko papunta sa tabi ko

C: Anong double date ka jan eh nakita nga lang namin sila Nesa at Chompu din dito dahil kumain din pala sila...
pagpapahiwatig naman ng asawa ko

Nesa: Napaka lala mo naman mag overthink bff hahaha kala mo talaga ano... haha
pang aasar naman ni Nesa sakin at medyo na pikon naman ako

E: Anong kala mo ano?!
masungit na pagtanong ko sakanya

Nesa: Omg relax... sabi ko akala mo naman hindi mo pinsan si Snack para mag ganyan ka hahaha
pagkasagot naman ni Nesa sakin at umiling lang naman ako

Chompu: Ano uuwi naba kayo? Paano si Snack?
tanong naman ni Chompu

S: I'm Okay ate.. kaya ko naman mag drive mag isa po hehe at dadaanan ko din kasi si Pailiu sakanila eh.. hehe
sagot naman ni Snack kay Chompu

E: Tara na mahal...
pag aaya ko naman sa asawa ko

C: Teka mahal.. naiihi ako, pwede iihi muna ako?
pagpaalam naman ng asawa ko sakin

Chompu: Ako din naiihi bi..
sabay sabi din ni Chompu kay Nesa

S: Oh edi samahan ko na kayong dalawa po dahil ako din po na iihi..
pagsabat naman ni Snack

C: Mahal.. kami nalang tatlo magpunta ng CR, mabilis lang naman po kami..
pagpaalam naman ng asawa ko

E: Oh sige.. ingat kayo..
pagpapaalala ko sakanya

C: Nesa, dito ka nalang din para may kasama si Engfa ha.. kami nalang tatlo magpunta ng CR... hindi ka din naman siguro naiihi diba?
sabi naman ng asawa ko kay Nesa

Nesa: Oo sige lang madzam kayo nalang at hindi din naman ako naiihi, dito lang po kami mag hihintay..
pagkasagot naman ni Nesa sa asawa ko

Pagkaalis nilang tatlo ay naiwan naman kami ni Nesa dito sa labas ng mall pero napansin ko ay parang medyo umiiwas siya sakin, kaya nagtataka din ako kung bakit lagi siya nang babara sakin simula nung gender reveal ni baby float.

E: Bff! May problema kaba sakin?
pagtatanong ko naman sakanya

Nesa: Wala ah.. Baka ikaw bff may problema hehe
pabirong sagot naman nya sakin

E: huh? Eh yung gender reveal nga bigla mo lang ako minura, ano yon? di kita maintindihan.. muntanga lang! Hahaha
pang uusisa ko naman kay Nesa

Nesa: hahahaha! Kala mo hindi ko alam nu? galing mo naman magtago bff...
pagbibiro nya ulit

E: yung alin ba?
tanong ko naman na nagugulohan

Nesa: Nung gender reveal... aminin mo nga sakin bff.. Hindi ka naman talaga totoong na traffic nun diba?
tanong ni Nesa na ipinagtaka ko

E: pinagsasabi mo jan?
depensa ko naman

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon