Part 100 - Mrs. Marcial

1K 12 2
                                    

CHARLOTTE'S POV

Napatanong nalang kami ng asawa ko kay mommy kung sino yung lalaki na pamilyar samin ni Engfa na nasa ibang table kasi na curious kami bakit andito yun dito.

E: Mi, that guy looks familiar talaga.. ano connect nya sa owner dito?
nag kunwari ang asawa ko na hindi nya kilala ito pero kilala talaga namin ang taong nakita namin

Mommy: oh yan? That's Mew! Eldest Son of your Tita Dianne, ang owner dito and yang katabi nya yan si Tita Dianne mo na classmate ko dati. Ahh.. Baka familiar mo yan si Mew kasi nag momodel yan minsan yang anak nya na yan..
sagot lang din ni mommy na ikinagulat namin dalawa lalo

E: okay. So Marcial pala last name ng Mew na yan mom?
curious na tanong padin ng asawa ko habang ako ay nakikinig lang

Mommy: No, Anak nya si Mew sa ex boyfriend ni Tita Dianne mo nung dalaga pa siya.. last name na ginamit nya yung sa biological father nya.
napailing nalang ang asawa ko

E: okay, gets mi. dami mo naman pala alam mi, marites ka din pala minsan haha
pagbibiro ni Engfa kay mommy para hindi obvious ang pagka gulat nya about kay Mew kaya nagtawanan nalang kami pero humarap naman agad ang asawa ko sakin

E: Mahal.. ang small world, anak pala yang lalaki na yan sa owner dito. Kung alam ko lang sana hindi na tayo nagpunta
bulong ng sabi nya sakin

C: Hay nako mahal.. wag mo na kaya pagselosan yan, pinakasalan mo na ako at binuntis na.. hayaan mo na yan wag ka ma stress sa lalaking yan
sabi ko sakanya at bigla naman may naglagay na pagkain sa table namin kaya nagkatinginan kami kasi pariho kaming nagutom

TIME SKIP... 

Pagkatapos namin kumain ay lumapit naman sa table namin si Mrs. Marcial at binati si mom at dad sa harap namin pero napansin ko na sumunod naman itong si Mew sa mom nya dito sa may table namin.

Mommy: Dianne, pakilala ko pala sayo.. ito pala yung isang anak ko kasi na late sila kanina. Si Engfa and the other one is wife ni Engfa si Charlotte.
tumayo naman si Engfa para makipag shake hands at sumunod naman ako

Mrs Marcial: Ang gaganda nyo naman and oh! you're pregnant via IVF?
napatanong naman sakin si Mrs. Marcial nung nakita nya ang tyan ko.

C: Yes po maam..
sagot ko naman may halong smile din sakanya

Mrs Marcial: ahmm.. Is that true na may own restaurant business ka din Engfa? right?
tanong nya naman kay Engfa

E: Yes maam, I have din po.
sagot din nag asawa ko

Mrs Marcial: Anyways Waraha's, this is my son pala, Mew.. siya yung magpatakbo sa business nato.
pag iintroduce nya saming lahat kay Mew pero yung asawa ko tinignan ko agad yung reaction nya pero nagpatuloy lang siya kumain kaya pinalo ko siya patago sa paa nya.

Mommy: Ang laki mo na Mew, i think magka age kayo ni Engfa..
sabi ni Mommy na alam kung nainis ang asawa ko kasi sinali nanaman pangalan nya

E: Haha.. No, I think mas matanda pa siya sakin mi. obviously sa looks namin haha kidding!
bigla naman sumagot ang asawa ko na may kunting pang insulto

C: hahahaha pasensya medyo joker kasi tung asawa ko po hahaha
agad ko naman sinalo ang sinabi ni Engfa para hindi mainsulto si Mrs Marcial sa nasabi about sa anak nya na si Mew kaya buti naman ay nagtawanan ang lahat sa table

Mew: it's okay.. Joker din ako! hahaha baka pag ako mag joke baka maiyak pa sa sakit hahaha
natahimik naman kami bigla sa kakatawa lahat sa sinabi ni Mew kaya napatingin kami lahat sakanya

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon