Part 125 - Attachment

579 27 6
                                    

ENGFA'S POV

Nagising ako ngayon ng sobrang aga habang ang asawa ko ay natutulog pa ito sa tabi ko, at Oo hindi ko padin siya pinansin dahil sa inis ko sa nangyari sa kanya na itinago nya sakin ang pagka aksidente niya na muntikan pa maging critical ang nangyari sakanila ni baby float kaya hindi ko din maiwasan sa sarili ko na ma guilty din dahil napabayaan ko silang dalawa.

Nahalo ang emotion ko ngayon yung naiinis ako dahil sa pagtago nya sakin tungkol sa nangyari at guilty din ako dahil naging pabaya din ako sakanya dito sa bahay kaya gusto ko sisihin ang sarili ko at gusto ko suntokin ang sarili ko kung bakit mas naging busy pa ako sa ibang bagay nung mga nagdaan na araw kesa samahan ko ang asawa ko.

Bago naman ako bumangon sa higaan namin at pumunta sa labas ay hinalikan ko muna si baby float sa tyan ng asawa ko at hinalikan ko din yung noo ng asawa ko habang tulog pa ito.

At pagka labas ko ng kwarto ay dumiretso agad ako sa kusina para magluto pati nadin yung mga labahin ay nilabhan ko na din kahit kunti pa ito para pagka gising nya ay hindi na nya maisip na gumawa ng mga gawain dito sa bahay.

Pagkatapos ko sa lahat ng ginagawa ko ay naghahanda naman ako para maligo dahil papasok ako ng trabaho ko at para ayosin ko din ang lahat ng mga issue na binabato ng mga tao ko para hindi nadin ito lalaki at aabot pa kay Charlotte.




TIME SKIP...




Andito ako ngayon sa office ko sa Salon at kakatapos ko lang din kinausap si Luna at ang pinsan ni Nesa na barbero ko, nag desisyon sana ako kanina na isuspend sila pariho kaso naawa din naman ako sakanila dahil umiyak silang dalawa sa harap ko at...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Andito ako ngayon sa office ko sa Salon at kakatapos ko lang din kinausap si Luna at ang pinsan ni Nesa na barbero ko, nag desisyon sana ako kanina na isuspend sila pariho kaso naawa din naman ako sakanila dahil umiyak silang dalawa sa harap ko at ang sinabi lang naman nila ay concern lang naman daw sila saamin ni Charlotte at kaya na appreciate ko naman yon, nag promise nadin sila na hindi na nila yon ulitin o pakialaman ang buhay ko kaya napatawad ko naman sila pariho.

Pagkalabas naman kanina ni Luna ay initusan ko siya na si Malin na ang papasokin dito sa office ko dahil kakausapin ko ito at gusto ko klarohin sakanya ang lahat kaya maya-maya ay pumasok naman siya agad kaya andito naman kaming dalawa nakaupo sa may couch dito sa office ko.

E: Malin, gusto lang kita diretsahin na pinag uusapan na tayo ng iba dito..
pagsasalita ko naman sakanya ng diretsa habang magkaharap kami

E: May asawa ako... at mahal na mahal ko yon at pati nadin ang anak namin.. I just realized na it's wrong na maghahanap ako ng comfort sa ibang tao dahil sa problema ko sa asawa ko and I feel guilty for what I did na nag open up ako sayo, at alam ko na sobrang bilis talaga lahat ng pangyayari na nagkasundo tayo agad..
dagdag ko pa nito

Malin: I know maam Engfa per—
hindi ko pinatapos siya sa sasabihin nya

E: wait.. ako muna! hhmm.. pagka hired ko sayo last week pina amaze mo agad ako sa kwento mo sa buhay mo at sa napag daanan mo bilang isang single mom kaya open arms akong tinulungan ka dahil Oo mabait ka pero hindi din tama to na nakikitaan ako na parang may special treatment ako sa isang empleyado ko lang din..
pag tigil ko saglit para mag buntong hininga ako pero nagsalita siya agad sakin

Ang Masungit Kung AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon