Chapter 7: He's Awake
"NO please, Kuya! I-Isama po natin siya! Isama po natin!" sigaw ko at hindi ko lang kasi alam kung bakit naiiyak ako ng sobra-sobra sa malaman na iiwan namin ang lalaki at aalis na lang kami agad-agad. Gayong hindi na maganda ang kondisyon nito. He needs our help at hindi kaya ng pasensya ko na iwan na lamang namin siya rito. "I-Iligtas na lang po natin siya, Kuya... Please, huwag po natin siyang iwan dito..." pakikiusap ko pa.
"Oh, God! Fine! Zed, tulungan mo si Jean na makasakay sa kotse! Hurry up!"
"Okay," kalmadong saad lang nito. Hindi ko muna pinakawalan ang lalaki hangga't hindi ko nararamdaman na binubuhat na siya ni Kuya Hart.
"Don't cry! Bubuhatin ko na nga siya!" sambit niya dahil sa paghikbi ko. "Sige na, tumahan ka na. Ililigtas na natin siya." Hinalikan pa niya ang noo ko kaya roon na ako naging panatag.
Naramdaman ko na ang pagbuhat niya kasabay na pag-alalay sa akin ni Ate Zed. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ipinasok din ako sa loob.
"Hart, ako na lang ang magda-drive. Bigyan mo muna ng first aid ang lalaki," sabi ni Ate Zedian at nasa passenger's seat na akong nakaupo.
"God, bugbog sarado na ang lalaking ito. Halos hindi na rin siya makilala pa. Kung sabagay ay hindi ko na rin naman siya kilala," sambit ni Kuya Hart.
"Tumahan ka na, Jean. Nasa kotse na ang lalaking gusto mong iligtas natin. Uminom ka muna ng tubig, oh. Baka ma-dehydrate ka pa riyan." Dinala niya sa kamay ko ang tumbler at nakabukas na ito kaya uminom na lamang ako. Nakakabit na rin ang seatbelt ko dahil sa tulong niya.
Natigilan ako dahil papalapit na talaga ang mga tunog na iyon. Nagiging malinaw na sa akin ang mga yabag.
"Ate, u-umalis na po tayo rito," kinakabahan na sambit ko. Hindi lang naman iyon na isang instinct ko lang dahil sa malayo pa lang ay may mararamdaman na akong presensiya at ingay. Alam ko rin na kung may panganib ba itong dala o wala.
Hindi naman na nagpatumpik-tumpik pa si ate at binuksan na niya ang engine ng makina. Pinaharurot na niya ito palayo. Iyon nga lang ay hindi nawala ang kaba ko sa aking dibdib. Parang may nakasunod pa rin at nagmamasid sa amin.
"Wala naman akong nakitang saksak sa katawan niya. Nawalan siya nang malay pero mahina ang tibok ng puso niya," my elder brother uttered.
"May extra kang pang oxygen mask diyan, Hart. Gamitin mo muna."
"May fracture nga lang siya sa kanang binti niya. Punit-punit na ang pants niya at mukhang... Ilang beses siyang pinalo ng kung ano man na matigas na bagay o kaya isang tubo at kapag tumagal pa pala siya roon ay puwede niya itong ikamatay. May sugat kasi siya at marami ng dugo ang nawala pa sa kanya. Hindi na maayos ang kalagayan niya," seryosong paliwanag pa ni Kuya Hart.
Grabe ang sinapit ng lalaki. Nabugbog na nga siya at balak pa yata nilang lumpuhin ito? Ilang beses nilang hinampas ito ng tubo?
"M-Malala po ba ang kalagayan niya, kuya?" tanong ko at napasinghot pa ako. Binalingan ako nito.
"Yes. Baka mahirapan siyang maka-recover sa binti niya. Hindi ko lang alam kung ano'ng klaseng tao ba siya at nakaya niya ang ganitong mga sugat sa binti. I can say that na malakas siya." Lumalaban kasi siya.
Gabi na at madilim pa naman sa paligid sigurado ako roon. That's why nag-aalangan din sila na iligtas namin ang lalaki. Bakit kasi gabi na ng mangyari ito sa kanya? Tapos dito pa sa lugar na walang katao-tao. Na wala siyang mahihingian ng saklolo.
"Dadalhin na ba natin siya sa hospital, Hart?" Ate Zedian asked him.
"Oo," tipid na sagot lamang ng kuya ko. Mas bumilis ang pagda-drive ni Ate Zed para isugod na ito sa hospital.
Hindi rin nagtagal ay inihinto na niya ito. Na marahil ay dumating na rin kami.
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...