Chapter 27: Live with him
SA KALAGITNAAN nang dinner namin ay tinawag ako ng kalikasan—inidoro ang ibig kong sabihin. Balak kong magpasama sana kay Miko. Pero nahihiya akong magsabi. Baka isipin nila na inaabuso ko na ang pagiging mabait ng boyfriend ko or isipin din nila super clingy kong girlfriend. Magbabanyo lang naman ay kailangan pang samahan ng nobyo?
But he’s my Miko. Malakas din ang pakiramdam niya. Natuto rin siya sa akin at sa ilang taon naming magkasama ay kilalang-kilala na niya ako.
“Gusto mong samahan kita?” Kahit wala pa akong sinasabi ay alam na niya. Nanginginig kasi ang binti ko.
“Where to, Miko?” tanong ni Hermerry.
“Comfort room,” diretsong sambit ni Miko.
“Tara, samahan kita, Jean. If you don’t mind na tawagin kitang sa second name mo.”
“Okay lang. Donna Jean V. Lodivero ang buo kong pangalan,” I uttered my name. Kahit na kanina pa kami kumakain ay wala pa kaming pormal na introduction sa isa’t isa.
“I’m Hermerry San Gorte, siya naman si Kuya Hermes San Gorte.”
“Masaya akong makilala kayong dalawa,” ani ko at ngumiti pa sa kanila.
“Same here, Jean. I like your bangs.”
“Shut the fvck up, Hermes.”
“Chill, parang iyon lang naman, dude,” natatawang saad ni Hermes.
“Tara na?” pag-aaya ni Hermerry sa akin.
“No need, Hermerry. Ako na lang.”
“Hindi, stay ka na lang here, Miko. Kaya ko na,” pigil ko sa kanya at pinaupo ko ulit siya sa chair niya.
“But baby...”
“Sige na... Kaya ko na. May kasama naman na ako.”
“Calm down your balls, dude. Hindi naman mawawala ang girlfriend mo. Over reaction na ’yan, ha.”
“Tsk. Just be careful, Jean.” Tumango ako. Lumapit sa akin si Hermerry. Inangkla niya ang kamay niya sa braso ko at saka kami naglakad.
Kahit may kasama na ako ay kinakabahan pa rin ako dahil baka magkamali na naman ako ngayon. Na mayroon na naman akong mababangga or something. May magagalit na naman sa akin kung nagkataon.
“Ah, Jean. Mauna ka na pala sa comfort room, ha? May naiwan ako sa table natin.” Mabilis niya akong binitawan at mas nakaramdam lang ako ng kaba sa dibdib pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko.
Napasinghap pa ako nang may humawak sa baywang ko at kasabay na hinawakan ang kaliwang balikat ko.
“M-Miko?”
“Sabi ko naman sa ’yo na sasamahan na kita dahil may balak yatang iwanan ka rito ni Hermerry ng mag-isa,” sabi niya.
“Hindi naman siguro,” ani ko.
“Psh.” Bumukas ang pintuan at pinapasok niya ako sa loob. Wala naman sigurong tao. Kaya pumasok din siya sa loob. “I’ll wait for you here, baby. Sige na.”
“Doon ka na sa labas, Miko. Baka matakot sa ’yo ang mga tao at hindi na sila papasok pa.”
“Pakialam ko sa kanila, Miss,” pambabara niya at napanguso na lamang ako.
Nang matapos ako ay sinamahan pa niya ako na maghugas ng kamay. Sabay na kaming bumalik sa table namin. Akala ko ay magtatagal pa kami roon pero hindi na pala.
“We’ll go ahead, Hermes.”
“Pero hindi pa kayo tapos kumain, Miko,” sabi ni Hermes.
“No, aalis na kami. Ihahatid ko pa ang girlfriend ko sa bahay ng kuya niya, and to answer what is messing with your mind, Hermerry. Yes, she is blind. You can ask us if my girlfriend is blind. Not what you thought of just leaving her behind para lang malaman mo ang totoo. Sorry, Hermes. But I’m so disappointed with your sister’s behavior. Hindi na niya nirespeto pa si Jean.” After saying those words ay basta na lamang ako inilayo roon ni Miko. Naririnig ko ang pagtatagis ng bagang niya.
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...