EPILOGUE (2)
TUMAGAL pa ako nang dalawang taon sa poder ng magkapatid. Nandoon ako noong ikinasal sina Daiz at Zedian. Na balita ko ay si Donna pa nga ang gumawa nang paraan para mag-aminan na sila ng nararamdaman nilang dalawa. Tinitiis lang nila dahil natotorpe pareho.
Sa kabila nang naranasan kong hirap at halos ikamatay ko na ay may isang bagay pa rin ang nangyari sa buhay ko. Ang mahanap ang babaeng mamahalin ko at oo. Naging kami ni Donna. She is my girlfriend now at kahit may kapansanan siya ay hindi ’yon hadlang para mahalin ko na siya nang sobra-sobra.
Hindi nga naging madali noong una dahil overprotective ang kuya niya ngunit kalaunan ay tinanggap niya rin ako para sa nakababatang kapatid niya. Seryoso naman ako kay Donna at nakikita ko sa kanya ang future ko.
Ang nangyari sa ’kin ay muling naulit pero sa kapatid ko naman na si Mikael. Ang pinagkaibahan lang ay nawala ang memorya niya at wala na siyang naalala pa tungkol sa nangyari at sa pamilya namin. Pero ngayon ay malaya na siya. Malaya na siyang magsuot ng mga damit na nararapat para sa kanya. Hindi na niya kailangan pang magtago.
Naunang nagpakita si Mikael sa aming pamilya at pagkatapos niyon ay sumunod naman ako. Siyempre nagulat sila. Parang ayaw pang maniwala ngunit wala man silang sinasabi ay alam kong masaya sila. Halata iyon sa mga mata nila. Muli nga kaming nabuo at sinisigurado na nila na hindi na kami ulit magkakahiwalay pang magkapatid.
Noong isang araw ay nagulat na lang ako ng magdesisyon ang girlfriend ko na titira na siya sa bahay ko na pinagawa ni Grandpa. Oo naiinggit ako sa mga kuya at pinsan ko dahil may mga anak na sila.
Pakiramdam ko nga ay napag-iwanan na ako pero si Donna mismo ang tumupad sa pangarap ko na maging isa na ring ama. Nakita ko lang kasi ang mga pamangkin ko ay parang handa na rin akong magkaroon ng anak.
Iyon nga lang ay sa mga oras na iyon ay nakahanap na kami ng donor para sa kanya at kailangan na naman niyang isakripisyo iyon alang-alang sa kaligtasan nila ng magiging anak ko.
Ngunit habang nagbubuntis siya ay mas dumami pa ang problemang kinakaharap ko na madalas ay napapabayaan ko na rin siya. Mabuti at nandoon ang aking ina para alagaan ang fiancé ko. Tatlong sanggol pa naman ang dala-dala niya, and yes, fiancé ko na siya.
Maayos naman ang pagtatrabaho ko noon pero ngayon... Lumalabas ang kapalpakan ko. Tama naman ang mga nasa lista na ibinibigay ko sa kasama kong engineer pero hindi pa man umabot ng isang linggo ay gumuguho na ang gusali. Mababang presyo lang naman ang pinipili ko dahil siguro ay iyon ang dahilan.
Ang mas masaklap pa ay paunti-unti nang nauubos ang budget namin at halos wala na ngang laman ang savings ko. Ayaw ko namang galawin ang pera ko kay Grandpa. Gusto ko iyong pinaghirapan ko talaga. Para may maipagmalaki naman ako sa kanya.
Abala ako masyado sa opisina ko nang mapansin ko si Donna.
“Baby,” malambing na tawag ko sa kanya at inalalayan ko siyang makaupo sa sofa.
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya at hinaplos pa ang panga ko. Lahat yata ng pagod ko ay bigla na lang naglaho.
“Hindi,” tipid na sagot ko.
“Sabihin mo kung ano ang problema mo. Baka matulungan kita, Miko,” aniya. Buntis siya. Ayokong problemahin pa niya ang trabaho ko.
“Ayokong ma-stress kayo ng triplets natin, Jean. Okay lang po ako, Miss. Huwag mo akong alalahanin. Dapat nga ay ako ang mag-alala sa kalagayan mo dahil hindi lang isang munting Jean ang dala-dala mo,” naaaliw na sambit ko. Wala pa man ay excited na akong makita ang mga anak namin at mahawakan sila.
“Ayos lang din ako. Mukhang malungkot ka kasi,” giit niya at napabuntong-hininga na lamang ako. “Ano na? Sabihin mo na sa akin, please...” pamimilit pa niya at nagawa pa niyang halik-halikan ang pisngi ko para lang magsalita ako. Mapapansin niya talaga kapag may problema ako.
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...