CHAPTER 55

3.2K 45 0
                                    

Chapter 55: A bond with her triplets

“HI, little princesses. I am Zavein Valderama. You can call me—just Zavein,” pakilala naman ng best friend ko sa aking mga anak.

Nakaupo na silang tatlo sa plastic chair na nasa harapan namin and to be honest ay kanina pa nila ako pinagmamasdan. Kung hindi lang nagsalita si Zavein ay hindi nila ililipat ang attention nila rito.

“Just Zavein? We call you just Zavein?” inosenteng tanong ni Shahara. Para hindi ako malito sa kanilang tatlo kasi ngayon ko nga lang sila nakita. Nasa gitna siya ng ate at bunso namin.

Kanina ko pa nga gustong umiyak at yakapin sila nang mahigpit. Na parang ayaw ko na rin silang pakawalan pa. Pero pinipigilan ko na lamang ang sarili ko. Importante sa akin ngayon ay ang makita at nakasama ko na sila.

“Uhm... Hindi iyon ganoon.” Ewan ko kay Zavein, kung bakit kinakabahan siya na kausapin ang tatlong baby na ito. Wala namang ginagawa, ni hindi rin naman siya sinusungitan.

“Call him Uncle Z,” sabi ko at napapalakpak ang bunso.

“Okay po! Uncle Z will do!” masayang bulalas ni Shanea.

“Uhm, okay,” pagsang-ayon naman ni Shynara na kanina pa rin nananahimik.

“Ikaw po? Ano ang itatawag namin sa ’yo?” Shahara asked me. Gusto ko nga na ‘mommy’ since ako naman ang biological mother nila pero hindi puwede. Kahit gusto ko na ganoon ang itatawag nila sa akin ay hindi pa rin talaga puwede.

“Aunt Kalla,” sambit ko.

“Okay po, pretty. Aunt Kalla, can you read my favorite book?” munting request nito at ibinigay ang tinutukoy niyang favorite book niya. Inabot ko naman ito at tiningnan ko ang titulo ng libro na naging paborito niya.

“The Demon Princess and the Archangel?” I read the title of children’s book. Parang kakaiba naman ito, isang demonyong prinsesa at isang anghel?

“It’s about the forbidden love story, pretty,” she said.

“Love story?” tanong ko at napatango pa siya.

“I love their love story. Everyone hates the demon princess because sabi nila she’s one of the villainess sa kingdom ng mga angels,” paliwanag niya. Napatango-tango ako.

“Mas gusto mo ’yong mga villains characters?” I asked her once again.

“Kasi po hindi lahat ng mga kontrabida ay kontrabida. Karamihan po sa kanila ay biktima rin naman. Hindi lang po natin alam ang totoong kuwento pero tayo pong mga tao ay mahilig sa judgement,” seryosong saad niya at muntik pang mawalan nang balanse si Zavein mula sa kinauupuan niya.

“Uhm...” Speechless naman ako nito. Masyado siyang matalino para maintindihan ang mga bagay na iyon.

Ginawaran ko siya nang matamis na ngiti na wala pang dalawang segundo ay tumugon siya. Sa sobrang tuwa ko dahil lumaki siya na may pag-iisip at matalino ay hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at hinaplos ang matambok niyang pisngi.

Ang panganay ko na unti-unti kong nakikilala at nalaman ang katangian niya sa ilang minuto kong pag-o-oberba sa kanya. Sa bawat salitang lumalabas sa mga labi niya.

Spoiled brat, malambing siya, mahiyain pero mabait naman. Favorite book niya ay ang may character na isang kontrabida kasi alam niya na may kanya-kanyang kuwento sa likod ng mga ito.

“You are so sweet and smart,” papuri ko na mas namula ang cheeks niya. Bumalik ako sa seat ko at sunod kong tiningnan si Shahara na may hawak na rin siyang libro.

“Me naman po, Aunt Kalla! This is my favorite children’s book!” Kinuha ko naman ang libro niya at binasa ko ang title nito.

Umawang ang mga labi ko sa gulat nang mabasa ko ang titulo ng libro niya. “This is about, disability of each person that everyone had?” hindi makapaniwalang sambit ko at napatango-tango siya na may ngiti pa sa mga labi niya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon