Chapter 67: Found her location
MABUTI na lamang ay isinama niya ang mga kasambahay namin, kasama na si Dalia. Gusto kong lumabas sa totoo lang pero paano kung hindi ko alam ang lugar na ito?
Wala na akong cellphone dahil kinuha na ni Archimedes iyon. Iisipin niya na may number ako ni Miko. Pero baka mabuksan niya ang Facebook account ko at makikita niya ang mga chat namin.
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Magtatatlong linggo na ito. Nagpa-check up na rin ako kung puwede nga ba ulit akong magbuhat. Positive naman ang sinabi ng doctor ko kaya natuwa ang asawa ko. Pero hindi naman kami makabubuo ni Archimedes at kung mayroon man...
Hindi sa kanya ang sanggol na ipagbubuntis ko. Napahawak ako sa sinapupunan ko dahil may posibilidad na mabuntis ako. No... Hindi ako dapat mabuntis. Ayokong makulong din dito ang anak ko... Ayoko... Tama na ang ako lang ang masasaktan at huwag na sana siya.
Tahimik na nakaupo lamang ako sa carpeted floor ng aking silid, na nasa paanan ng bed ko nang makarinig ako nang mahihinang pagkatok sa sliding door ng balkonahe ko.
Sa una ay binalewala ko iyon dahil baka malakas ang hangin sa labas ngunit naulit ito hanggang sa naging sunod-sunod na ang pagkatok. Tumayo ako upang lapitan iyon at pagbukas ko ay labis kong ikinagulat ang lalaking nasa labas. Mabilis akong nagtungo sa pinto para i-lock ito at binalikan ko rin naman siya.
“What are you doing here, Miko? D-Delikado rito. Paano mo nalaman ang lugar na ito?” kinakabahan na tanong ko at hinila ko ang kanyang braso upang makapasok na siya sa loob. Baka may makakita pa sa kanya mula sa labas.
Hindi na niya ako pinakawalan pa at mahigpit na niya akong niyakap. He buried his face on my neck at nararamdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Umawang ang mga labi ko sa naging reaksyon niya nang makita niya ako rito.
“I’m sorry...” hinging paumanhin niya sa akin at nabasag agad ang kanyang boses.
“Miko...”
“I’m sorry, Donna...”
“Please...h-huwag ka nang pumunta rito, Miko,” sambit ko.
“Paano ako hindi pupunta rito kung nandito ka?” tanong niya at kumalas mula sa pagkakayakap niya mula sa akin. He cupped my face at mataman niya akong tinititigan.
Alam niya na kung ano ang kayang gawin ng...asawa ko sa kanya kapag hindi pa niya ako iiwasan.
“Miko... Please, huwag ng matigas ang ulo. Huwag mo na akong lalapitan pa... Iwasan mo na ako... Mapapahamak ka lang,” natatakot na sabi ko.
“Ilang beses na kitang pinakawalan, Donna... Wala akong pakialam kung ikapahamak ko pa ang makita ka at lapitan ka. Minsan na rin akong nakipagpalaban kay kamatayan at gagawin ko ulit iyon para sa ’yo, baby...” Nag-init ang sulok ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at bumilis pa ang tibok ng puso ko.
“M-Miko...”
“Ako ang dahilan... Ako ang dahilan kung bakit napunta ka sa sitwasyon na ito, Donna... Ako ang dapat sisihin. Dahil naging makitid ang utak ko noon. Naging sarado ang tainga ko para pakinggan ang mga paliwanag mo noon sa akin... Kaya dapat gumawa ako ng paraan para mapaalis ka sa pamamahay na ito. Donna...kailangan ka namin... Kailangan ka namin ng mga anak natin...” Heto na naman siya. Sinisisi na naman niya ang sarili niya.
“Pero Miko... Mas safe kayong apat kung hindi ninyo ako kasama... Mabibigyan kayo ng mapayapang buhay kung wala ako sa piling ninyo. Hayaan mo na ako...” sabi ko pero ilang beses siyang umiling at nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya.
“Paano mo nasasabi ’yan? Paano mo nasasabi iyan sa akin kung alam kong nahihirapan ka na pakisamahan ang lalaking iyon?” tanong niya at nagtatagis pa ang bagang niya.
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...