CHAPTER 9

2.7K 52 0
                                    

Chapter 9: First kiss, First slap

NOONG dinner time na namin ay tinulungan ko sa paghahanda si Ate Zedian. Paglalagay lang naman ng plato at baso sa mesa ang kaya kong gawin. Pero pumasok si Kuya Hart para lang kumuha ng pagkain para sa pasyente niya.

“Hindi pa niya kayang bumangon, Kuya?” tanong ko.

“Ayaw niya ring lumabas, baby girl, eh. Kahit sinabi ko na kukuha lang ako ng pagkain para sa kanya ay hindi siya nakinig sa akin. Wala pa raw siyang ganang kumain,” paliwanag ng kuya ko.

“Paanong wala siyang gana, Kuya? Eh, wala nga siyang kain sa loob ng three months. Puro injection lang siya at tubig lang din ang pinapainom ko sa kanya,” nalilitong saad ko pa.

Iyong injection ay ang vitamins and mga gamot niya kasi comatose nga siya. Nag-advice rin si kuya na painumin ko ito ng tubig.

“Kaya nga. Mauna na kayo kumain ng Ate Zedian mo, Jean,” sabi niya at narinig ko na lang ang kalampag ng mga plato at baso.

Nagsimula na nga kaming kumain ni Ate Zedian at natapos lang kami ay hindi pa bumabalik si Kuya Hart. Naisip ko na baka sinusubuan niya ang kanyang pasyente?

“Mauna ka na pumanhik sa iyong silid, Jean. Ako na lang ang bahala rito,” sabi ni Ate Zedian. Tumango lang ako. “Mag-ingat ka sa hagdanan, okay?”

“Opo, Ate,” sagot ko at sa halip na pumunta na nga ako sa kuwarto ko ay naisipan ko naman na magtungo sa kuwartong katabi lang nito ang room ko.

Hinawakan ko ang doorknob at narinig ko agad ang boses ng aking kuya. Kinakausap pa niya ang bagong gising niyang pasyente.

“Huwag ng matigas ang ulo mo, Engineer Miko. Kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo. Hindi ka makauuwi ng ganyan ang kalagayan mo. Kailangan mo pa rin ng physical therapy,” sermon ni Kuya Hart sa engineer.

Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya? Bakit ayaw niyang kumain? Wala na ba siyang balak na gumaling?

“Iniisip ko lang naman ang nag-iisa kong kapatid na babae.”

“Ha? Ano’ng kapatid na babae ang sinasabi mong ’yan? As far as I remember ay puro lalaki ang lahat ng apo ni Don Brill. Nasa paniniwala ninyo ang bawal na magkaroon ng anak na babae,” ani kuya.

“Marami ka pang walang alam tungkol sa akin, Daizo Hart. Iwan mo na lamang ako at—” Napahinto naman siya sa pagsasalita at hinintay ko na dugtungan pa niya iyon pero wala na.

Nabigla pa ako nang bumukas ang pintuan sa likod ko. Hindi naman ako nakasandal dito dahil ayaw kong mawalan nang balanse, ’no.

“Jean? Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Hala nahuli ako.

“W-Wala po kuya,” nauutal na sagot ko.

“Kakain na pala ako, Daizo,” sabi ng lalaki.

“Gusto mo pa yata ang pilitin ka talaga—”

“Pero gusto ko na susubuan ako ng maganda mong kapatid,” sabat pa niya.

“Tumigil ka. Hindi utusan ang kapatid ko, Engineer Miko. Sa paa ka lang may injury, hindi ang kamay mo kaya kumain ka ng mag-isa,” malamig na saad sa kanya ng kuya ko.

“Sige, dalhin ninyo na lang sa labas ang pagkain dahil wala talaga akong balak na kumain niyan, eh,” sabi pa niya. Siya pa talaga ang nanghahamon?

“Bahala ka sa buhay mo,” inis na sabi ni Kuya at akmang hihilahin na niya ako nang binawi ko ang kamay ko sa kanya.

“Okay lang po, Kuya. Iinom pa po siya ng gamot niya, right?” I asked him.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon