Chapter 53: His clients
“MAS binibigyan mo lang ako ng hint, Miss.” Natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko ay magagalit na naman siya dahil na rin sa mga katagang binitawan ko ngunit hindi. Nagkakaroon lang daw siya ng hint na baka ako na nga si Donna Jean.
Nakaiinis sa totoo lang. Dahil kahit kung ano na ang sasabihin ko ay hinding-hindi ako mananalo sa kanya. Iginigiit pa rin niya ang gusto niya at kapag pinapatulan ko siya. Isa lang ang sigurado ako. Pilit niya rin akong hinuhulog sa kanyang patibong. Gusto niyang kagatin ko ang mga pain niya. The more na may sinasabi ako about me from the past ay kung ano-ano rin ang ibinabato niya sa akin.
Well, I forgot that he’s a Brilliantes. Matalinong tao sila pero ang isang ito. Bobó sa katotohanan, kaya nga umabot kami sa ganito. Poor him.
Sa frustration na nararamdaman ko ay hinagod ng mga daliri ko ang maikli kong buhok at bumuntong-hininga. Napapisil pa ako sa tungki ng ilong ko.
“Alam mo. Mabuti pang simulan na lamang natin ito para maaga nating matapos,” kaswal na sabi ko at inabot ko ang dala kong tab. Hinanap ko ang iilan na nasusulat ni Zavein about our building style. Ipinakita ko sa kanya ang location. “Zavein is right, hindi ako pamilyar sa place niyo. So, lead the way.”
May tiningnan naman siya kung saan at humugot nang malalim na hininga. “With your bodyguards? Seriously?” nakataas ang kilay na usal niya.
“You are stranger, and their work is to protect me,” I said.
“Kilala mo na ako,” laban niya at umikot lang ang eyeballs ko.
“Come on, let’s go,” pag-aaya ko sa kanya at tatayo pa sana ako nang ikumpas niya ang isa niyang kamay. Tinawag niya ang waiter at umupo lang ulit ako. “What are you doing?” naiiritang tanong ko. Ano pa ba ang kailangan niya rito?
“Kadarating ko lang. Tubig lang ang ininom ko, Miss. Alam mo ba na tatlong bata pa ang inasikaso ko kanina bago ako umalis ng bahay namin? Hindi ako nakapag-breakfast dahil sa pangalawa kong Mika na maarte at kailangan ko siyang subuan.” Naitago ko ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa dahil sa narinig kong sinabi niya. Nanginginig ito. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga katagang iyon. Sa pangalan pa lang na binanggit niya at tila sasabog na ang dibdib ko sa lakas nang tambol nito.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bakit kailangan pa niyang sabihin ito sa akin? Dahil para sumuko na ako at sasabihin ko na sa kanya na ako ito? Na ako si Donna Jean at ang babaeng matagal na niyang hinahanap? I took a deep breath. Pinapahirapan niya lamang ang kalooban ko.
“Just order your drinks. Excuse ms, pupunta lang ako sa powder room,” paalam ko sa mahinang boses. Wala na akong pakialam pa kung maririnig pa ba niya ako o hindi. Kailangan ko lang pumunta sa isang lugar na malayo mula sa kanya para lang ibalik ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag. I need to be compose and collect myself together.
“Miss?” Bago pa ako makaalis ay nagsalita pa siya.
“What?” supladang tugon ko.
“Gusto mo bang makita ang mga anak natin?” Nalukot ang tungki ng ilong ko.
“May anak ba tayo? Excuse me.” Inirapan ko pa siya at malalaki ang bawat hakbang na umalis doon.
Pagpasok ko sa comfort room ay nagtungo ako sa cubicle at sumandal sa nakasarang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko.
“Kadarating ko lang. Tubig lang ang ininom ko, Miss. Alam mo ba na tatlong bata pa ang inasikaso ko kanina bago ako umalis ng bahay namin? Hindi ako nakapag-breakfast dahil sa pangalawa kong Mika na maarte at kailangan ko siyang subuan.”
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...