Chapter 34: New friend
“CONGRATS, basta ang kapatid ko, Miko. Huwag na huwag mong pababayaan. Dalawa na sila ang aalagaan mo. Dahil kapag sinaktan mo si Jean ay babawiin ko siya mula sa ’yo at hindi mo na rin makikita pa ang magiging anak niyo,” pananakot ni kuya na ikinadaing ni Miko.
“Daiz, sobra ka naman. Good boy ako, hindi ako nananakit ng babae at saka mahal ko ang kapatid mo. Mahal na mahal ko rin ang baby namin,” sabi pa niya.
“Siguraduhin ko mo lang dahil matatamaan ka na talaga sa akin.”
“Ikaw talaga, babe. Daddy na siya, alam na niya ang tama at mali,” pagsingit naman ni Ate Zedian.
Sa blessings na dumating sa buhay namin ay mabilis nilang naasikaso ang engagement party namin. Kinausap pa ng parents ni Miko ang ate at kuya ko para sa bagay na iyon.
Masaya ang engagement party namin kahit walang marriage proposal ang naganap basta ang pagiging boyfriend and girlfriend namin ay naging mag-fiancé na rin. Sa mga nasaksihan ko na pagdadalang-tao ay mahirap na mahirap.
Napapansin ko iyon kay Ate Zedian. Lahat ng pagkain na gusto niya dati ay inayawan na niya at sumusuka pa siya kapag may pagkain na hindi niya gusto. Ang mas masaklap pa ay mapili na siya sa mga kinakain niya. Umiiyak din kung minsan at madalas si Kuya Hart ang pinagbubuntunan niya ng galit.
Pero kakaiba iyong sa akin. Normal naman ang morning sickness ko pero ni minsan ay hindi ko pinag-initan ng ulo si Miko. Sa aming dalawa ay siya ang pinaka-clingy pero mukhang napunta iyon sa akin.
Ang paborito kong inaamoy ay ang kili-kili niya. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng puwede kong amuyin ay iyon pa. Minsan nga ay hindi na muna siya magpapakita sa akin. Umuuwi siya sa kanila para lang maligo kasi alam niya raw na aamuyin ko na naman daw ang kili-kili niya. Amoy pawis daw siya pero gustong-gusto ko pa rin ang kanyang amoy.
Nang puwede na naming malaman ang gender ng baby namin ay saka kami pumunta sa clinic ng magiging OBY-GYNE ko. Pareho kaming excited pero siyempre sumama ang grandparents niya. Siya rin pala ang sumusuri sa pamilya ni Miko na puro buntis na nga lahat.
“Don Brill, saan mo ba nakukuha iyong mga fiancé ng inyong apo? Aba, ang gaganda nilang lahat. Mukhang inosente lang tingnan itong partner ng bunsong apo niyong lalaki,” komento agad ng doctors na ikinangiti ko.
“Kung tao ang gumagawa ay limited edition iyan, doc,” pagbibiro ni Grandpa na tinawanan naman siya ni Grandma. Limited edition, si Don Brill talaga palabiro rin siya.
“Fiancé ko pala, Doc. Si Donna Jean,” pakilala ni Miko sa akin at sa doctora.
“Nice meeting you, Donna Jean. Nasabi na rin naman sa akin ni Don Brill ang kalagayan mo. Masyado yatang nagmamadali ang fiancé mo at inuna ang anak bago ka gumaling,” sabi pa niya. Ako ang nahihiya.
“Oo nga po, eh,” ani ko.
“At alam kong pareho kayong excited sa magiging gender ng baby niyo. Let’s start.” Si Miko ang umalalay sa akin para humiga ako sa hospital bed. Blouse and loose pants ang suot ko.
Hawak ng fiancé ko ang kaliwang kamay ko. Pinaupo rin ng doctora sina Grandpa at Grandma.
May gel na inilagay sa bandang tiyan ko at malamig iyon. Kabado rin ako pero nangingibabaw ang excitement ko. Malalaman na namin ang gender ni baby. Wala pa nga siya ay excited na rin kami sa paglabas niya.
Nanlamig ang kamay ni Miko. “Bakit mas kinakabahan ka, Miko?” tanong ko sa marahan na boses.
“Sana ay babae. Gusto ko ay kamukha mo,” sabi pa niya sabay halik sa sentido ko.
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomantikDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...