CHAPTER 47

2.7K 44 2
                                    

Chapter 47: Nightmare

“MOMMY...”

“Ha?” Gulat kong tugon nang may batang babae ang nagsalita at paglingon ko ay puro dilim lang naman ang nakikita ko.

Napangiti ako nang mapait. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Malamang sa malamang ay wala akong makikita dahil bulag ako. Ang dilim na ito ay ang mundo ko.

“Mommy!” Napaigtad ako sa gulat nang may sumigaw na naman.

Hindi naman ako sigurado kung ako ba ang tinatawag niyang Mommy, kasi buwan pa lamang ang edad ng mga anak ko at hindi pa nila magagawang magsalita.

“S-Sino ka? Hinahanap mo ba ang Mommy mo?” tanong ko sa bata at pilit kong inaanigan ang dilim.

“I hate you, Mommy! You left us! Then you forgot about us!” Mabilis naman akong napatingin sa kanang gawi ko dahil doon nagmumula ang maliit niyang tinig na sinasabayan pa niya nang pag-iyak.

“You made our father’s cried, Mommy!” Nasa likuran ko naman nagmumula ang tinig na iyon. M-Marami ba sila?

“You hurt him and us! You don’t love us, Mommy! You left! You left!” Sumikip ang dibdib ko, pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko mula sa ribcage ko. Sobrang sakit at nahihirapan akong huminga.

“T-That wasn’t true!” umiiyak na sigaw ko at sinusubukan ko silang tingnan. Alam kong hindi lang nag-iisa ang bata, tatlo sila na parehong sumisigaw sa kabilang direksiyon.

“You left us, Mommy!”

“You don’t love our father and us!”

“You forgot about us! You are so heartless, Mommy!”

Napaluhod ako at tila nabibingi ako sa malakas na sigawan at pag-iyak nila. Ang mga salitang lumalabas mula sa bibig nila ay diretsong tumatama iyon sa aking dibdib. Ngunit nasasaktan din ako sa patuloy nilang paghagulgol na parang nasaktan ko nga sila. Mahal ko si Miko, hindi ko siya magagawang saktan at mas lalong hindi ko makalilimutan ang tatlong sanggol na ako mismo ang nagdala sa kanila sa loob ng siyam na buwan.

“No! Mahal ko kayo! Mahal na mahal ko ang daddy niyo at hindi ko kayo iniwan! Nasaan kayo? N-Nasaan kayo?!” Nakita ko na lamang ang sarili ko na may hawak na stroller at naririnig ko ang boses ng triplets kong umiiyak. Pero bigla na lamang may humihila nito at pilit na inilalayo mula sa akin. “Hindi! Hindi! H-Huwag niyong kukunin ang mga anak ko! Hindi! A-Ayoko! H-Huwag niyo silang ilayo sa akin! Nakikiusap ako!” Tuluyan kong nabitawan ang stroller at hindi ko na maipaliwanag pa sakit nang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Napabalikwas ako nang bangon at habol-habol ko ang paghinga ko. Napahawak agad ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkirot nito. Umaagos ang mga luha ko mula sa mga mata ko at nababasa nito ang pisngi.

Doon ko lang napagtanto na isang bangungot lang pala iyon. Isang masamang panaginip.

Bumaba na ako mula sa kama at kasabay no’n ang pagbukas ng pintuan. Alam ko kung sino ang pumasok sa silid na ito. Sa mga yabag pa niya na mula sa malayo at sa kanyang presensiya.

“P-Please... Ibalik mo na lamang ako sa pamilya ko... N-Nagmamakaawa ako sa ’yo... I-Ibalik mo na lamang ako...” humihikbing sambit ko at nagawa ko nang lumuhod sa harapan niya. Ginawa ko ang lahat nang pagmamakaawa para lamang palayain niya ako at ibalik sa mag-aama ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Marahas niya akong itinayo at mariin na hinawakan ang mukha ko. Wala akong pakialam kung sasaktan niya ako ngayon, basta palayain niya ako! Paalisin na niya ako sa lugar na ito! Gustong-gusto ko nang makasama ang mga anak ko at si Miko...

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon