Chapter 68: Pregnant
KALLA’S POV
“AYAW mo ba sa mga luto ko, Kalla? May gusto ka bang kainin na iba?” tanong sa akin ni Dalia nang mapansin niya na halos hindi ko ginagalaw ang mga pagkain na nakahanda sa mesa. Siya mismo ang nagluto ng mga ito. Mukha namang masarap, sa hitsura pa lang.
But I can’t, parang wala kasi akong ganang kumain at pakiramdam ko ay hindi dadaan sa lalamunan ko ang mga luto niya. Iba ang hinahanap ng panlasa ko.
“May iba akong gustong kainin. Hindi ang mga ito, Dalia,” sabi ko at bumuntong-hininga.
“But you need to eat that, Kalla. Nasa living room si Archimedes. Hindi puwedeng wala kang kakainin,” sabi niya at iniurong ko na lamang ang platito ko. Ayokong kumain.
“Wala talaga akong ganang kumain. Gutom ako pero wala akong gana. Masama pa yata ang pakiramdam ko,” pagdadahilan ko at siya naman ang napabuntong-hininga.
“Ipagluluto na lamang kita ng iba. Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mo.” Umiling ako dahil wala akong idea kung ano ang kakainin ko. “Kalla, naman. Ipapahamak mo yata ang sarili mo, eh.”
“Gawan mo na lang ako ng sandwich, Dalia. Puwede bang ihatid mo na lang sa kuwarto ko? Gusto kong magpahinga agad, eh.”
“Okay sige. Madali lang ito kaya hintayin mo na lang.”
Nadaanan ko pa si Archimedes. May kasama na siya at secretary niya iyon. Sa pagiging abala nila ay hindi na nila ako napansin pa. Mas mabuti iyon. Pero nasa hagdanan na ako nang tawagin niya ako. Akala ko ay ligtas na ako.
“Kalla. Mawawala muna ako nang tatlong araw. Inaasahan ko na wala kang gagawin dito na hindi ko magugustuhan,” babala niya at gumamit pa talaga siya ng awtoridad. Pabor sa akin kapag wala siya rito sa bahay. Makakahinga na ako nang maayos.
“Ano naman ang gagawin ko rito, Archimedes? Bumalik ka na naman sa dati at ikinulong mo na naman ako sa liblib na kagubatan. Ang akala mo naman yata ay kaya kong lumabas dito,” malamig na sabi ko.
“Ginagawa ko ito para sa ’yo, Kalla,” mariin na saad niya.
Hinarap ko siya na walang ekspresyon ang mukha. “Para sa akin? Pero ginagawa mo akong preso mo and the worst you did is sinasaktan mo na ako physically, Archimedes.” Nag-iwas siya nang tingin dahil doon at hindi na nga siya nakaimik pa kaya tumuloy na lang ako sa kuwarto ko.
Umupo ako sa paanan ng kama at mayamaya lang ay nakasunod na agad si Dalia. Tahimik niya lang ibinaba sa center table ang tray.
“Kainin mo na ito, Kalla. Dalawang sandwich ang ginawa ko para sa ’yo at saka kape. Please, help yourself,” she said.
“Sige,” sabi ko lang pero hindi ko na nagawa pang galawin iyon. Nakarinig na lang ako ng isang sasakyan at sumilip ako sa balkonahe. Paalis na nga si Archimedes. Importante yata ang gagawin nila kaya hindi puwedeng ipagpabukas na lamang ang pag-alis niya.
Curious na ako kung ano ba talaga ang problemang kinakaharap ngayon ni Archimedes. Parang hindi rin naman siya mapakali.
Umupo na lamang ako sa carpeted floor at isinubsob ko ang paanan ng kama. Naririnig ko ang pagtunog ng tiyan ko pero wala talaga akong gana na kumain. Hindi ko matukoy kung ano nga ba talaga iyon.
Sa pagmuni-muni ko ay naramdaman ko ang pamilyar na presensiya at bago pa man ako lumingon dito ay may mahigpit nang yumakap mula sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naman si Miko.
“Bakit mukhang malungkot ka, Kalla? Nag-away ba kayo ng hilaw mong asawa?” seryosong tanong niya. Hinawakan ko ang braso niya.
“Ano ba ang ginagawa mo rito, Miko? H-Hindi ba ang sabi ko at huwag ka nang bumalik pa rito?” kinakabahan na tanong ko at halos maiyak na naman ako dahil nandito na naman siya. “Miko, huwag mo namang dagdagan pa ang pag-alala ko sa dibdib, pakiusap,” dugtong ko pa. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa noo pababa sa pisngi ko. “M-Miko, naman...” Ang tigas-tigas talaga ng ulo niya! Daig niya pa ang bata pero mabuti pa nga ang bata ay marunong sumunod. Eh, siya?
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...