Chapter 25: Plan to live with him
PAGGISING ko kinabukasan ay naramdaman ko ang malaking bagay sa kaliwang dibdib ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko kahit hindi naman malabo ito dahil maliit na ilaw lang ang nakikita ko.
Hinawakan ko iyon at kumunot ang noo ko dahil kamay ni Miko ang nasa dibdib ko. Ang kamay niya ay nasa ulo ko at nakaunan ako sa braso niya. Tapos ang kaliwang kamay niya ay nasa loob ng suot kong t-shirt. Tinanggal ko ang kamay niya pero bumalik lang iyon. Sinubukan ko pa rin at narinig ko ang mahinang daing niya saka niya ako mahigpit na niyakap. Napangiwi ako dahil naipit ako sa malaking katawan niya.
Nakayakap kasi siya sa akin mula sa likuran tapos nasa bandang batok ko ang mukha niya. Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya roon.
Binaklas ko ang braso niya sa baywang ko at humihigpit iyon lalo kaya naman ay hinayaan ko muna siya. Nakatulog na rin siya kaya nagawa kong bumangon. Hindi ako pamilyar sa kuwarto ng boyfriend ko kung kaya’t nahirapan ako na hanapin ang banyo niya pero bumukas ang pintuan.
“Jean?” pabulong na tawag sa akin ni Tita Jina. Nasa kaliwang banda ko iyon.
“Bakit po, Tita?” tugon ko.
“Sa banyo ba ang punta mo?” Tumango ako bilang tugon at naglakad siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at iginiya niya akong maglakad.
“Salamat po, Tita,” nakangiting sabi ko dahil inalalayan niya ako sa banyo.
Humawak na ako sa sink at binuksan ang gripo ng tubig. Maghilamos at magmumog lang naman ang ginawa ko. Pumuwesto naman siya sa likuran ko at sinuklay ng mga daliri niya ang buhok ko para ayusin ang pagkakatali no’n.
“Alam mo ba sa mga naunang babae ng mga anak ko? Na ngayon ay mga ina na rin ng mga apo ko. Hindi naging maganda ang pagtrato ko sa kanila. Kaya naman noong nalaman kong girlfriend ka ng anak ko ay hindi ko na ginawa ang isang bagay na alam kong masasaktan ko sila. Hindi na rin ako humadlang pa sa inyo. Nagugustuhan ka ng grandparents nila at sa kabila nitong paghihirap mo ay nagawa ka pa rin namang mahalin ng anak ko, Jean,” mahabang kuwento niya na ikinatango ko.
“Tinanong ko na rin po si Miko. Kung tutuusin po ay pabigat lang din ako sa kanya. Kaya nga po hindi ako nahirapan na mahalin din siya pabalik. Kasi tanggap po niya kung ano ako,” sabi ko.
Pagkatapos kong maghilamos ay ibinigay niya sa akin ang face towel at pinunasan ko ang basang mukha ko.
“I see, may maganda ring katangian mo ang nakita ng anak ko kaya ka rin niya nagustuhan. Tara na sa labas, naghanda na ako ng breakfast at nag-bake pa ako ng cupcake. Nanghingi pa ang mga apo ko, dumating kanina si Markiana para lang humingi no’n,” pahayag niya at may ngiti iyon sa labi niya.
Tulog pa si Miko kahit noong nakalabas na kami at nandoon na rin si Tito M. Binati ko siya ng ‘good morning’ na magiliw niya rin akong binati pabalik. Nagkakape rin siya at agad pa akong inalok. Si Tita Jina ang nagtimpla sa akin ng kape.
“Jean, kumusta naman ang mga anak ko noong nasa poder pa ninyo silang dalawa?” tanong niya at halatang interesado siya.
“Si Miko po, bago po siya na-comatose ay gising na gising pa ho ang diwa niya sa mga oras na iyon. Sa katunayan nga po ay dinala namin siya sa hospital at balak pa niyang puntahan noon ang mga kuya niya pero hindi na rin niya nakayanan pa at agad siyang nahimatay. Nakita raw ni Kuya Hart ang isang bangkay na kamukhang-kamukha ni Miko. Isa lang po ang naisip no’n ng kuya ko. Ang itago na lamang po si Miko dahil may pakiramdam daw siya na nasa kapahamakan ang buhay nito. Ayos naman na po siya kahit na medyo mapang-asar din siya,” mahabang kuwento ko.
“Hindi lang medyo, hija. Kilala na namin ang bunso naming anak na lalaki,” sabat ni tita na tinanguan ko.
“Eh, si Mikael?”
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomansaDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...