CHAPTER 22

2.9K 41 1
                                    

Chapter 22: Love

“IKAW ba? Simula ba pagkabata mo ay wala ka ng makita, Jean?” tanong nito sa akin na tinanguan ko na lamang. Dahil ayokong magkuwento tungkol sa masasakit kong karanasan. Sa mga panahon na iyon ay nawala rin kasi sa amin ang Mommy at Daddy namin ni Kuya Hart. “Huwag kang mag-alala, Jean. Alam ko na balang araw ay makakakita ka pa rin. Magtiwala ka lamang.” Napangiti ako sa sinabi niya.

“Sana nga, AJ. Kumpara pala sa kuya mo ay mas matino kang kausap,” biro ko.

“What? Miss, sinasabi mo ba na siraulo ako?” tanong nito na kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong salubong ang makapal niyang kilay.

“Ganoon na nga po. Kaya si Kuya Hart ay sumusuko na sa ’yo,” saad ko.

“Pambihira ka,” sabi nito na parang may hinanakit pa.

“Sige, starting from now ay magkaibigan na tayo.” Lumapad ang ngiti ko. Bet ko ’yon! Hindi ako tatanggi! Aba, hindi lang ako nagkaroon ng boyfriend. May kaibigan pa ako!

“Hala! My pleasure! Wala kasi akong naging kaibigan, eh. Palaging nasa bahay lang ako at nasa loob din ng studio ko at makinig sa mga hinaing ng listeners ko.” Sunod-sunod na ang kuwentuhan naming dalawa.

Magaan ang loob ko sa kanya dahil siguro nakababatang kapatid siya ng boyfriend ko at mas bata rin kaysa sa akin. Ang alam ko lang din ay anak siya sa labas kaya ilang buwan lang daw ang agwat nila ng kuya niya. Ngunit napapansin ko sa kanila ang pagiging close nila.

Nagtampo si Miko dahil nawala na raw siya sa isip ko nang dumating si AJ. Kaya inaya niya akong lumabas. Nagpaalam pa siya kay Kuya Hart at nandoon naman si Ate Zedian para hindi ma-bore sa bahay namin si AJ. Noong iniwan namin sila ay tinuruan siyang magburda ng kung ano-ano.

“Hindi mo ba ako na-miss, baby?” tanong niya sa akin. Kasalukuyan na kaming lulan ng sasakyan at wala pa akong idea kung saan kami pupunta.

“Hindi,” mabilis na sagot ko. Napaigtad pa ako nang dumapo ang palad niya sa hita ko. Tinanggal ko iyon. “Focus on the road, Miko. Huwag kang pasaway. Kung saan-saan na dumadapo iyang palad mo. Dapat nasa manibela lamang ’yan, oy,” ani ko.

“Hindi mo ba hinubad ’yan, Jean?”

“Ang singsing ko ba?” tanong ko. Kasi alam ko naman na ito ang tinutukoy niya.

“Oo.”

“Hindi. Doon sa flowershop ni Ate Zedian. Alam mo ba kung ano ang tawag sa akin ng mga customer?” Nagkaroon agad ako ng interest na magkuwento sa kanya.

“Ano?” natatawang tanong niya.

“Misis. Misis, pabili po nito. Misis, magkano po ang isang tangkay ng rose? And etcetera,” nakasimangot na sabi ko.

“That’s good to hear,” tuwang-tuwang saad niya.

“Hindi kaya. Mukha ba akong may asawa na? Lalo na kapag lalaki ang customer namin,” ani ko.

“Ano’ng ginagawa nila?” tanong niya na bigla ring sumeryoso.

“Ang sabi nila ay sinasadya ko lang daw na bumili ng singsing para walang dumiskarte sa akin. Next time nga ay tatanggalin ko ito—”

“Subukan mo, Donna Jean. Makatitikim ka ng parusa mula sa akin,” seryosong sabi niya. I pouted.

“Ang killjoy mo naman. Akala ko ba ay sinasakyan mo palagi ang mga joke namin?” ani ko.

“Ewan ko sa ’yong babae ka.”

“Alangan namang lalaki ako?” pambabara ko and that made him chuckled.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon