Epilogue
MIKO’S POV
HINDI ko alam kung ano ang nangyari sa ’kin after that night. Nagawa ba akong iligtas ng mga taong iyon? Pero umiyak ang babae para lang tulungan ako at ngayon... Parang natutulog ako pero naririnig ko ang boses niya na normal na yata ang pagiging malambing.
Madaldal siya at kung ano-ano na lang ang sinasabi niya pero ayos lang. Kaya kong tiisin ang maingay na paligid basta huwag lang mawala ang boses niya. Parang iyon na rin kasi ang pinanghahawakan ko na makakaya ko pa ring mabuhay sa dilim. Kahit gabi-gabi at araw-araw pa. Basta naririnig ko pa rin siya. Basta alam kong hindi ako nag-iisa.
Hindi ko kasi magawang igalaw ang aking katawan at hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa ’kin. Pero nang magsimula siyang hawakan ang kamay ko ay nararamdaman ko ang init na dala nito.
Sa tansya ko ay umabot yata ng buwan bago ko nagawang dumilat at nagising nga ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Napapikit pa ako dahil sa liwanag at nang kaya ko na ay nagmulat na rin ako.
Naramdaman ko pa ang kirot sa pulso ko. Nakapagtataka lang na magaan na ang pakiramdam ko at nakahihinga ako nang maayos. Tinanggal ko ang oxygen mask ko, ito pala ang dahilan kaya maayos ang paghinga ko. Napansin ko na may mga kagamitang hospital ang nasa silid na ito ngunit parang nasa bahay lang naman ako.
Malaki ang kuwarto at malinis. Nang igala ko sa kaliwang bahagi ang paningin ko ay may isang pintuan doon. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Ang kanang paa ko lang ang hindi ko kayang igalaw at titingnan ko na sana iyon nang mapatingin ako sa kaliwang bahagi ng kamang kinahihigaan ko.
Umawang ang labi ko sa gulat dahil may magandang babae ang nakaupo sa tabi ng kama. Doon ko lang din naramdaman na hawak pala niya ang kaliwang kamay ko. Ang ulo niya ay nakasubsob sa kama kaya kitang-kita ko ang maganda niyang mukha. Makinis ang balat niya. Matangos ang ilong niya at mahahaba rin ang pilik-mata niya. Ang labi niya, natural na mapula iyon.
Gumalaw ako at hahawiin ko sana ang bangs niya nang unti-unti siyang nagising. Parang isa lang siyang manika.
Halos hindi ako kumurap nang makita ko na ang buong mukha niya at una niyang binigyan ng atensyon ay ang aking kamay. Hindi pa niya napapansin na gising na ako. Maliit lang ang hugis ng mukha niya na parang kasyang-kasya ikulong sa mga palad ko. Isang puting bestida lang ang kanyang suot.
Sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala pa siyang ginagawa pero kinakabahan na ako sa presensiya niya.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon. Pagsisiklupin na rin niya sana ang mga daliri namin nang sinadya kong ikuyom ang kamay ko. Kumunot ang noo niya. Diretso siyang tumingin sa gawi ko. Tumayo siya at asta nang lalabas nang mabilis kong hinuli ang pulso niya.
“Kuya Hart!” sigaw pa niya kaya mas hinila ko siya at nasa kama na rin ang katawan niya. “Kuy—” Tinakpan ko ang bibig niya para hindi na siya makasigaw pa.
“Psh, ang ingay mo,” malamig na saad ko. Ramdam na ramdam ko ang malambot na katawan niya.
Sinusubukan naman niyang tanggalin ang kamay ko. “H-Hindi ako makahinga!” reklamo niya. Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko. Iyong oxygen mask na nasa dibdib ko ay bigla ko na lang inilapit sa kanya. Mas lalo lang kumunot ang noo niya.
“There. You can breath na?” I asked her. Nakatutok talaga ako sa maamo niyang mukha.
Marami na akong nakita na magagandang babae. Artista, modelo at ang mga babaeng sopistikada pero walang-wala ang kagandahan nila sa babaeng ito.
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...