CHAPTER 78

3.7K 58 1
                                    

Chapter 78: Move to another prison

JUST like what I said, maaga nga akong nagising. Sina Kuya Hart at Miko ang nagluto ng breakfast namin. Umaabot ng isang oras ay kumakain pa rin kami sa dining room. Matagal kasing kumain ang mga bata. May kaunting arte pa.

“May lakad kayo ng mga bata?” tanong ni Ate Zedian at napatingin ako sa mga anak ko. Busy sa pagkain nila ng pancake.

Mukhang nagbago na rin ang isip ko. Ako na muna ang haharap kay Archimedes. Of course, hindi ako hahayaan ng asawa ko na mag-isa lang ako. Hindi ako iiwan niyan kapag si Archimedes na ang kasama ko.

“Dadalaw kami kay Archimedes. May mga bagay lang kaming pag-uusapan, Ate Zed. Tungkol din ito sa mag-ina niya,” ani ko. Humugot ako ng isang table napkin at pinunasan ko ang gilid ng labi ni Shanea.

“Thanks po, Mommy pretty.”

“Welcome, anak ko,” nakangiting sabi ko.

Nasa gitna namin siya ng daddy niya, tapos ang dalawa ay katabi namin ni Miko. Nasa tapat naman sina Kuya at Ate Zedian. Nakakandong ang bunso nila sa kuya ko at magkatabing nakaupo ang dalawa pang bata na nakikipag-chitchat sa mga pinsan nila.

Kahit matagal kaming kumain ay masaya naman kamias kasi maiingay ang mga bubwit. Marami nga ang nakakain nila.

***

I wore my peach off-shoulder dress and flat shoes. Miko was wearing his dark blue longsleeve, the sleeves rolled around his elbow and white pants, which he paired with black sneakers. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya. Ang guwapo niya tuloy sa paningin ko. Chos.

“Bakit ganyan ka makatingin sa ’kin, Jean?” nakangising tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako.

“Mas lalo kang lumiliwanag sa mga mata ko. You’re so handsome, baby,” malambing na sabi ko.

“Yeah, nasa lahi na namin.” Inirapan ko siya at natawa siya sa inasta ko.

“Puwede naman akong magpasama kay Kuya Hart. But is it really okay for you not to go to your company again, baby?” I asked my husband.

“Yup, you are my priority now, my family,” he said smilingly and kissed my forehead. I hugged him and iginiya na niya ako palabas ng kuwarto namin.

I approached my big brother to kiss his cheek. I heard Miko groaned. Nang mapansin iyon ng aking kuya ay hinila pa ako nito paupo sa sofa—sa tabi niya saka ako nito hinalikan sa pisngi.

“Daiz, that’s my wife!” sigaw ni Miko. Hindi siya pinansin ni kuya at dinala pa nga sa dibdib nito ang ulo ko.

Ate Zed chuckled. Inosenteng napatingin sa amin ang mga bata at nagmamadali ang triplets na lumapit sa amin.

“Daddy, that’s Tito Hart. Bakit ka po nagseselos?” kunot-noong tanong ni Shahara at napahawak pa ito sa magkabilang baywang niya.

“He kissed your mom, my angel,” he reasoned out.

“What’s wrong with that po?” Sumimangot lang siya nang sumingit na rin si Shynara.

“And what’s funny, Zed?” baling niya sa sister-in-law ko na hindi na natigil ang pagtawa nito. Tinakpan niya lang ang bibig niya pero mayamaya ay natawa na naman siya. Sinamaan siya nito nang tingin.

Tumayo si Kuya Hart na kasama na ako. “May date pala kami, bye kids. Balik si Daddy. Bibili ako ng pasalubong sa inyo pag-uwi namin.” Lumapit siya sa wife niya para halikan ito sa pisngi at kinawayan niya lang ang mga bata.

Akala ko ay nagbibiro lang si Kuya Hart pero hanggang sa paglabas namin ay sumama nga talaga siya.

Busangot na ang mukha ni Miko na hindi pa siya pinapansin ng kuya ko. “Kuya, tapos na ang date natin,” ani ko.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon