Chapter 20.A: Not a toy

469 18 5
                                    

Chapter 20.A: Not a toy

Third Person's Point of View (POV ni Author)

Tahimik lang syang naka-upo sa may dulo ng van na sinasakyan nila ngayon. Kanina pa kasi siya inaasar ng mga kaibigan nya. Paano ba naman kasi ay nakita sya ng mga ito ng ihatid nya si Rain sa condo unit nito. Hindi naman nya akalain na magkatabi lang pala ang condo unit ni Rain at ang bagong condo unit ni Josh. Ang akala tuloy ng mga ito ay girlfriend nya si Rain. What the fuck, right?

"Kahit kailan napaka-malihim talaga nitong si Nate. Parang babae sa galing magtago. Bakla ka ba pre?" nangungutyang tugon sa kanya ni Lesther.

"Gunggong! Manahimik na nga kayo. Mga Baliw kayong mga hinayupak kayo. Nang dahil sa inyo napapamura ako ng wala sa oras." medyo may iritasyon na sa boses nya. Kanina pa kasi siya pinag-ti-tripan ng mga kaibigan.

"Pero pare maiba ako. Girlfriend mo ba 'yong kanina?" biglang tanong sa kanya ni Josh.

"Gago! Ilang beses ko ng sinabi na kakilala lang sya ng mama ko. Anak ng kaibigan ng mama ko si Rain. Hindi ko sya Girlfriend." Hindi nya na alam kung ilang beses nya ba dapat ipaliwanag sa mga kaibigan nya na walang sila ni Rain. Hindi iyon maaring mangyari lalo na at hindi nya naman gusto si Rain kahit pa nga pilit itong pinapares sa kanya ng ina. Hindi talaga maaaring ipilit siya rito lalo na at may mahal na syang iba.

"Gago ka rin! Tang ina pare, sabihin mo nga, naka-ilan ka na ba? Unti na lang talaga maniniwala na akong bakla ka." si Josh na syang pinaka-maingay sa kanila ang kanina pang nangungulit sa kanya. Napaka-tsismoso talaga ng kaibigan nyang 'to, daig pa ang babae eh. Kung hindi nga lang nya alam na fuckboy ang kaibigan ay iisipin na nyang may gusto ito sa kanya.

"Fuck you." sinabayan nya pa ito ng middle finger.

"Pare, sorry but I'd rather fuck those hot and sexy girls doon sa bar kesa sayo." Nang-iinis na tugon ng kaibigang si Josh. Hindi na lang nya ito pinansin, mananhimik din ito kapag wala ng kausap.

"Gagong Josh, palibhasa kasi di ka nabubuhay sa isang araw ng walang pinapasok na lungga. Magka-aids ka sana." sabat naman ni Lesther habang prenteng naka-upo sa driver's seat, ito kasi ang nag-da-drive. Cool na cool at swabe lang ang pagpapatakbo nito pero mabilis. Walang duda, magaling na driver nga ang ungas.

"Pakyu ka pare. Pakyu ka, gago. Purkit masaya ka ng pinapasok ang lungga ng girlfriend mong si Genelyn, inuuyam mo na ako. Pakyu pare. Parehas lang tayo. Parang dati nga dalawa-dalawa kada araw ang pinapasok mo." tatawa-tawang sagot ni Lesther kay Josh. Mga baliw nga talaga ang mga kaibigan nya, walang duda.

"Tang ina! Manahimik na nga kayo. Ang iingay nyong mga bugok kayo." Nagulat ang lahat ng bigla na lamang magsalita ang kanina pang tahimik na si France. Dala rin ng galit, natanggal ang shades at scarf nitong nakabalot sa buo nitong mukha.

"Walangya! Nasa horror movie ba tayo. Ano ba 'yang hitsura mo? Balot na balot 'yang mukha mo tapos ang dami pang pasa." Hindi talaga sya makapaniwala sa hitsura ng kaibigan. Napailing na lamang si Josh at Lesther sa reaksyon nya.

"Nakipagbugbugan kasi yang gung-gong na 'yan." natatawa habang umiiling na sagot ni Josh sa kanya.

"Nakipagbugbugan? Kanino naman?" may kuryusidad sa tinig niya. 

"Kay Dave." Maikling sagot ni Josh, sabay buntong hininga. Walangya, alam nyang mga gago ang mga kaibigan nya pero ni minsan ay hindi pa sila nagkasakitan ng pisikal. Nagkaka-pisikalan man ay biro lang iyon. Kung kaya't...

"Dave? Pero bakit? Kaya ba wala sya ngayon dito? Ano na naman bang kagaguhan ang pinag-awayan nyong dalawa?" Nanahimik ang lahat pagkatapos ng tanong nya na iyon. Walang gustong magsalita. Ang kaninang masayang ere sa loob ng sasakyan ay napalitan na ng katahimikan.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon