Chapter 46: New Family Members

202 17 69
                                    

Chapter 46: New Family Members

Jezreel Ross Santar Cruz

"Buong araw kang hindi lumabas ng kwarto mo, kahapon. May sakit ka ba?" My mom told me. She touched my forehead and neck, maybe to check if I do have a fever.

I hug my mom and buried my head to his shoulder. "I'm alright mom, don't worry. Marami lang akong inasikaso at ginawa kahapon. I forgot to eat," Iba kasi ang kinain ko kahapon.

"Mabuti naman. Sobrang nag-alala kasi kami ng Daddy mo sa'yo. Akala namin may sakit ka. Anyway, kumain ka na. Tamang-tama, kakain na tayo ng breakfast." She said. I let go of my mom and went to my dad na kanina pa nakatingin sa amin. May ngiti sa kanyang mga labi.

"Good morning, dad. Are you doing fine?" I kissed his cheeks then sit beside him. He nodded at me.

"I'm so fine, anak. Paanong hindi, napakagaling at ganda ng nurse ko." My dad said then he laughed.

I was about to nag at him kasi mukhang crush nya ang personal nurse nya ng magsalita sya.

"Hindi iyong si Nurse Joy. Ang mama mo ang tinutukoy ko. Makita ko lang ang mama mo, lumalakas na ako. At makita ko lang kayo ng ate mo pati na ang napakagwapo kong apo, mas lalo akong lumalakas at sumasaya. Napakabait ng Diyos dahil ibinigay nya kayo sa akin. Mahal na mahal ko kayo." Niyakap nya ako at ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

Sa ganoong sitwasyon kami naabutan ni mama. Ngumiti sya sa akin at inaya na kaming kumain pagkatapos.

"Mamaya na kayo magyakapan, kumain muna kayo para makainom ka na rin ng gamot, Gabriel." Kaagad na sumunod si Papa kay mama.

Naku, ang Papa ko, patay na patay pa rin kay mama. Nakakatuwa tuloy sila. Nakakakilig basta huwag lang talagang magsalita si Papa about sa balak nyang pangatlong Cruz. Nakakaloka.

Sakto lang ang dating nila Ate Kei at Kuya George. Katatapos lang kasi nilang mag-ayos ng gamit. Dito na rin kasi sila titira at gusto rin ni Papa na sumama sila sa amin sa Maynila once na bumalik kami. Mabuti at okay lang sa kanila.

Sumabay na rin sa amin si Ate Kei at Kuya George. Si Lance naman ay nasa taas at natutulog. Kumain naman na raw iyon kaya hindi na naming ginising.

Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain. Si Papa ay titig na titig kay mama, na tila ba mawawala ito kapag nawalay ang mga mata nya kay mama ng ilang Segundo.

"Pa, mamaya muna titigan si mama. Kumain ka muna para maka-inom ka na ng gamot." Saway ko kay Papa.

Natawa naman silang lahat sa sinabi ko, maliban kay mama na pulang-pula ang mukha. Parang mga bata lang eh.

"Kaya nga Pa. Hindi naman po mawawala si Mama." Ate Keilah added then we laughed again.

"Ano ba, magsitigil nga kayo." Si mama na mukhang hiyang-hiya na ay sinaway kami. Natawa tuloy kami lalo. Sa amin pa sila nahiya. Asus.

"Ang ganda-ganda kasi ng mama nyo. Hindi ko tuloy mapigilang tumitig." Napuno ng tawanan ang buong hapag nang dahil doon.

Naputol lang ang tawanan ng magsalita na naman si Papa about sa pangatlong Cruz. "Kaya nga, balak kong sundan si Elos. Gagawa kami ng pangatlong Cruz ng mama nyo. Aba, kaya pa kaya namin." Papa said and I frowned.

"Papa, pakitigil, please. Hindi nakakatuwa." I rolled my eyes at natawa silang lahat sa akin.

"Why anak, ayaw mo ba? May good news pa naman kami sa inyo." He said and we all fell in silent.

Nagtinginan muna si mama at papa bago sila sabay na bumuntong hininga at nagsalita.

"Buntis ang mama nyo. Kanina lang namin nalaman. Two weeks na syang buntis." Halos mabilaukan kami ng marinig namin iyon. Nanlalaki ang mga mata namin ni ate nang tumingin kami kay mama.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon