Chapter 20.B: Seven Signs for Mr. Right

476 16 4
                                    

Chapter 20.B: Seven Signs for Mr. Right

Third Person's Point of View

"Sya 'yong nililigawan ko. Alam naman ninyo na matagal na kaming close ni Ross, right? I think, noon pa man ay napansin naninyo ang lahat. Wala na siguro akong dapat ipaliwanag. And, I'm serious with her." Nate said and Elos can still heard everyhting kahit nasa loob na sya ng kwarto. Alam nyang masama ang makinig sa usapan ng iba, si Nate pa ang ang nagsabi nito sa kanya pero...

"Stop everything now Nate. Kung noon mo pa pala sya gusto, bakit hindi mo sya niligawan noon? Bakit ngayon pa kung kailan, akin na sya." she heard Dave said. What the? Kailan pa sya naging kanya?  Mag-re-react pa sana si Elos sa isip nya ng mapatigil sya dahil sa sagot ni Nate.

"Dahil natatakot ako. At isa pa, masaya na ako sa kung ano kami noon at ngayon. Na kahit magkaibigan lang kami ay masaya kami sa isa't-isa. Ikaw? Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito? Dahil ba nakikita mo si Kei sa kanya? Dave if you're doing this because you wanted to play with her feelings then I think you should stop it now. Kung trip mo lang sya, itigil mo na kasi ako, seryoso ako sa kanya." Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya sa mga sinabi ni Nate. Pinakiramdaman nya ang tibok ng puso nya, normal naman ito subalit hindi nya mapigilang kiligin. Ewan nya ba sa sarili nya.

"Wala kang alam Nate. Hindi mo alam ang mga nangyari nung wala ka." Dave replied to Nate. Kaagad na kumabog ang puso nya, kinakabahan sya. Masyadong pa-play safe ang mga sagot ni Dave.

"Siguro nga wala akong alam. Pero sige nga, paano mo ipapaliwanag ang lahat. Minahal mo si Elos, samantalang wala pang tatlong buwan ng maghiwalay kayo ni Rian." Kinakabahan sya sa tanong ni Nate at maging sa maaaring isagot ni Dave.

"I couldn't explain everything to you now. Mahirap din ang sitwasyon ko Nate. Hindi ko kayang ipaliwanag ang lahat sa ngayon." masyado talagang pa-play safe ang mga sagot nito. Kinakabahan na sya, halos lumabas na ang puso nya sa sobrang kaba.

"Naguguluhan ka Dave? Hindi pagmamahal ang tawag dyan. Paano mo masasabing mahal mo nga talaga si Elos kung mismong ikaw ay naguguluhan? Hindi ko pwedeng hayaan sa'yo si Elos, sasaktan mo lang sya. Dahil sa sinabi mong 'yan ay mas lalo mo lang pinatunayan na hindi totoo ang anumang namamagitan sa inyo." Napatango sya sa sinabi ni Nate kay Dave. Wala naman kasi talagang sila, kahit pa nga sinabi na ni Dave na nahuhulog na it sa kanya ay mahirap panghawakan ang mga salitang iyon. Hindi nya alam subalit may kung ano syang nararamdaman na tila ba, nahihirapan syang huminga. Mas lalo lang tuloy nyang naisip na pinag-ti-tripan lang sya ni Dave.

"Hindi ko sinasabi na ako ang mas may karapatan Dave, but.. may the best man win." Iyon ang huling narinig nya kay Nate. Pagkatapos nun ay narinig nya ang pagpihit ng pinto.

"Mukhang umalis na sina Nate." bulong nya sa sarili. Nakahilig na sya sa pinto dhail nga sa pakikinig nya sa usapan ng mga ito.

Laking gulat na lang nya ng bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Pumasok mula roon si Dave. Nagkatinginan silang dalawa at kitang-kita nya ang galit, inis, lungkot, takot at pagkalito sa mga mata nito.

Ang awkward ng paligid kaya naman, naisipan na lang niyang tumalikod mula dito. Kaya lang bigla na lang syang hinigit ni Dave at isinandal sya sa nakasaradong pinto. Yumuko sya dahil alam nya at ramdam nya na napaka-lapit na nila sa isa't isa. But Dave lift up her chin. Nagkatitigan tuloy sila.

"Does he have a chance?" tanong nito sa kanya. Di nya maintindihan ang sinasabi nito.

"Bullshit! Elos answer me. May chance ba si Nate sa'yo?" Di sya maka-sagot. Di nya rin alam. Tsaka, di nga nya alam kung seryoso ba si Nate.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ko alam kasi di ko rin alam kung seryoso ba sya. Alam mo 'yon, ayaw kong umasa, ayokong mag-assume. Ikaw na nga rin ang nagsabi diba? Di ako maganda, nerd ako, manang ako, pangit ako, di ako sexy. So, how could it be na ang isang tulad nya ay magkagusto ng agad-agad sa'kin. Tsaka isa pa, kaibigan mo sya. Alam ko na tulad mo mapaglaro din sya ng damdamin. Kung ikaw nga paasa, sya pa kaya." Di na nya napigilan 'yong luhang kanina nya pa pinipigil. It's too much, sobrang masakit na.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon