Chapter 37: Against All Odds

184 11 2
                                    

Chapter 37: Against All Odds

"Neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord. This is according to Romans 8:39." The Church Pastor said and for unknown reason, there's something that touches my heart upon hearing the word of God.

Maybe Nathan is right. What I need is him--the Lord Almighty. I indulged myself too much on the unnecessary things this past few years that I forget to call upon him and ask for guidance and strength.

God is always with me, even on my downfalls. I just didn't notice it because I'm too occupied in coping with my pain.

"What are you thinking?" Nathan asked me. Kumakain kami ng siomai at gulaman na tinitinda sa may bandang garden ng simbahan.

Katatapos lang ng church service tapos nag-crave ako bigla nung makita ko yung stall ng siomai at gulaman. Kaya heto, we ended up eating here imbes na sa mamahaling dine restaurant. Mabuti na lang talaga at hindi maarte si Nathan kaya okay lang sa kanya.

"Wala naman." Matagal bago ako sumagot. After that ay tumunganga ulit ako.

"May empanada kaya sila rito? Iyong chicken empanada sana." I pouted. Nang lingunin ko si Nathan ay umiiling na nangingiti na ito.

"Alam mo, kung hindi ko lang alam. Iisipin ko na talagang naglilihi ka. Kaya lang imposible." Ano raw? Adik talaga 'to si Nathan. Tinarayan ko sya.

"Ewan ko sa'yo Nathan. Nag-ki-crave lang talaga ako sa foods ngayon. Sobrang na-miss ko kasi ang mga ganitong pagkain. Like duh, wala kayang ganito sa Switzerland." Inisang subo ko ang natitirang siomai.

"Ate, chicken empanada nga po." Tingnan mo ang isang 'to. Magrereklamo tapos susundin din naman pala.

"I-ilan po?" Kitang-kita ko ang ningning sa mga mata ni ate nang makita nito si Nathan. Syempre, ang gwapo kaya ng boyfriend ko.

Hinayaan ko na lang si ate na pagpantasyahan ang boyfriend ko. Baka sabihin pa ang sama ng ugali ko. Hindi naman ako yung tipo ng girlfriend na sobrang possessive at selosa. And isa pa, I have Nathan's loyalty. I know that Nate wouldn't do things that might hurt me.

"Ilan ba ang gusto mo love?" Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. Love raw? Kailan pa kai magkaroon ng endearment?

"Love talaga?" Natatawa kong tanong. Si ateng tindera naman ay palipat-lipat ang tingin sa'ming dalawa.

"Why? A-ayaw mo ba?" Nag-alangan nyang tanong.

"Hindi naman. It's actually cute. Love then." I shrugged after. We both smiled.

"Ah, Ma'am? Ser? Ikskyus mi po. Ilan pong empanada?" The saleslady coughed after. Ngumiti rin naman ito sa amin.

"Oh, I'm sorry. Make it twenty. Pabalot na lang. Salamat." Nathan handed the five hundred pesos.

"Okie po Ser. Sandale lang po."

After five minutes ay tapos na sa pagbabalot ang tindera. Inabot na ang empanada sa amin pati na rin ang sukli but Nathan refused to accept the change. Keep the change daw eh. Mayaman ata ang boyfriend ko.

"Ay, Salamat po Ser. Malaking halaga po ito. God bless you po." The saleslady thanked us. We just smiled at her at pagkatapos ay nagpaalam na rin kami para umalis.

"Salamat sa empanada. Favorite ko talaga 'to eh." I told him. Naglalakad na kami papunta sa parking lot na nasa likod lang ng simbahan.

"No problem. Basta ikaw." He winked at me. Hinampas ko sya para itago ang kilig.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon