Chapter 18.2: Sana

444 18 2
                                    

Chapter 18.2: Sana

Jezreel Ross Santar

'Even if my heart, still beating just for you.

I really know you are not feeling like I do'

Nagising ako dahil sa walang tigil na pag-ri-ring ng phone ko. Kaagad ko itong hinanap. Naka-idlip pala ako.

Unregistered number ang tumatawag. Ayoko sanang sagutin kaya lang ay mukhang importante. Naka-ilang missed calls na rin kasi ito eh.

"Hello."

"Anak. Kamusta ka dyan?" I heard my mom's voice. Parang bigla na lang ay napa-ngiti ako.

"Mama." Hindi ito patanong. I know that it's really my mom.

"Oo anak. Pasensya na. Tulog ka na ba? Anong oras na ba riyan sa Pilipinas?" she asked me. Napakunot-noo ako sa sinabi ni mama. Ano raw? Bakit wala pa sya sa Pilipinas?

"Ma, nasaan ka po? Wala ka po ba sa bansa?" I asked my mom instead of answering her questions. Sa tingin ko kasi talaga ay wala sya bansa.

"Nasa US kami anak. I'm sorry hindi ko na nasabi sa'yo. Biglaan din kasi ang lahat. Gusto ko mang personal na magpaalam, eh hindi na kakayanin ng oras. Tinatawagan din kita kanina kaya lang ay hindi mo sinasagot, naisip ko nga na baka tulog ka na kaya tumawag ako ilang oras pagkatapos. Pasensya na talaga anak." Nabigla ako sa sinabi ni mama. Nasa US sya?

"Ilang araw po kayo riyan ma?" I asked.

"Hindi lang araw anak. Buwan. Tatlong buwan kami rito. Nga pala, kasama ko sina Ma'am at Sir Montesalba. May inaasikaso kasi sila sa branch ng hotel nila rito. Isinama nila ako dahil balak din sana nilang i-under ako ng training for manager position. At isa pa, personal chef nila ako kaya kailangan ko talagang sumama. I'm really sorry anak." My mom said. Naiiyak ako. Ang tagal ng tatlong buwan. I will surely miss my mom.

"Okay lang po ma. Naiintindihan ko naman po. Kaya lang po ay ma-mi-miss po kita. Mag-ingat po kayo riyan mama. I love you po." I told my mama.

"Pakamusta na lang po ako kila Tita at Tito." I told my mom.

"Okay. Ipararating ko na lang kela Ma'am and Sir." rinig na rinig ko ang biglang pagpihit ng door knob. Mukhang may kasama si mama sa kwarto nya.

"Kumare na lang Ate Rosa. Masyadong pormal yong Ma'am. Anupa't magiging mag-kumare rin naman tayo balang araw. Hindi ba hon?" narinig kong sabi ni Tita Elisha. Bigla naman akong namula. Si Tita Elisha talaga.

Nakakahiya talaga. Tapos, malaman nila na Fake Lovers naman pala kami ng anak niya. Ano kaya ang sasabihin nila? Baka isipin nila manloloko kami.

Ang alam ko, alam naman ni mama na nagkukunwarian lang kami ni Perv pero bakit hindi pa rin nya sinasabi kela Tita Elisha? Ay, shocks! Ang alam nga pala ni mama, nanliligaw na si Dave sa'kin. Nakakaloka talaga.

"Anak, andyan ka pa ba?"

"Yes ma."

"Basta anak, alagaan mo ang sarili mo ha. Tsaka, mag-iingat ka riyan. Magsumbong ka kaagad sa'kin kapag may nang-api sa'yo. Uuwi agad ako kapag nagkataon." I laughed at what my mama said. Alam kong nagbibiro lang sya but I can't help to be touched because of my mama's sweetness.

Napa-iyak ako sa sinabi ni mama. Ako pa rin talaga ang inaalala nya. Kaya mahal na mahal ko ang mama ko eh. Napaka-maalalahanin at mapagmahal nya talaga. Pero ayoko ng dagdagan pa ang mga dalahin nya. Kaya, di ko na lang sasabihin 'yong nangyari sa'kin sa school kahapon. Mananatiling lihim lang iyon.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon