Chapter 19: I'm falling for you

508 15 8
                                    

Chapter 19: I'm falling for you

Jezreel Ross Santar

Naramdaman nyo na ba 'yong feeling na ang awkward. Iyong nakakailang ng sobra. Iyong halos hindi ka na maka-galaw, 'yong tipong limited lang ang mga acts na pwede mong gawin. Hay, basta ang hirap i-explain.

Basta, ito na lang. Kapag ba kunwari may kasama kang manyakis sa loob ng isang bahay, matatahimik ka ba? Magkakaroon ka ba ng katahimikan? Hindi ka ba maiilang? Syempre, lalaking manyak 'yon. Oo, gwapo sya pero manyak naman.

Alam nyo ba 'yong nararamdaman ko? Malamang hindi.

Oo nga pala, Thursday na ngayon. Ang bilis ba? Pero ganun talaga. Akalain nyo 'yon, dalawang araw pa lang ako dito, pero feeling ko gusto ko ng umalis kaagad. Can I back out?

Hay naku, mag-ta-tatlong araw na akong absent. Buti na lang at pumayag si Ma'am Ruth na Monday na kami mag-report ni Perv kaya nakahinga ako ng maluwag.

I'm cooking pancakes as of now.

Nasabi ko na bang marunong akong magluto ng pancakes? Actually, ilang mga desserts pa ang kaya kong gawin like pancakes, cupcakes, grahamballs, grahams, macaroons, leche flan.

That's why I'm cooking pancakes right now kasi pwede rin naman itong pang-almusal.

Nang matapos na akong magluto. Naghugas na ako ng kamay at kakain na sana. Kaso, naisip kong gisingin na lang si Perv. Nakakahiya naman sa kanya. Ako pa ang nag-grocery kahapon tapos hindi man lang ako sinamahan. Pinag-commute pa ako ng loko. Nakakaloka talaga.

And, let me clear this okay? Magkaiba kami ng higaan at kwarto ni Perv.

May dalawang kwarto kasi sa condo nya. Doon sya sa master's bedroom at ako naman dun sa parang guest room.

Nang makarating ako sa pinto ng kwarto nya, kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto. Respeto kumbaga.

"Hoy! Dabe! Strawberry Jam gumising ka na dyan, uy! Kakain na ako!" Oo, tama pasigaw talaga para gising agad kaso no response. Baka nga tulog pa.

Aalis na sana ako kaya lang ay biglang nagsalita 'yong pangit sa loob. Oo na, gwapong masama ang ugali.

"Reel, can you get inside. I need you right now." Ano na naman kayang kelangan ng pangit na 'to? Tsaka, nasasanay na sya sa Reel. Pauso ng nick name. Kaloka.

"Bakit na naman?" kung maka-utos, akala mo naman katulong nya ako.

Personal maid ka nga nya. Katulong naman din 'yon diba?

Narinig kong sabi ng kabilang parte ng utak ko. I just ignored it. Baka mabaliw lang ako.

"Basta." he said. Ano pa bang magagawa ko?

"Oo na, ito na nga eh." Kaagad kong binuksan ang pinto. Nung nasa loob na ako, hindi agad ako lumapit. Leche, wala kaya syang suot na pang-itaas.

"Bakit?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Can you help me with this?" tapos tinuro nya 'yong sugat nya sa mukha.

Oo, nakalimutan kong sabihin sa inyo na kagabi umuwi itong pangit na pervert na 'to na maraming pasa sa mukha. Sabi nya, napag-tripan lang daw nila nung France na magbugbugan. Kaibigan nya ata 'yong France.

"May kamay ka diba? Bakit di na lang ikaw?" I said as I rolled my eyes mentally. Ayaw ko ng tumaray, baka maging kamukha ko si Valak? Vhalak? Wala akong pakialam sa spelling.

"My hands are aching. I can't move them." sabi nya. Utot mo, di raw maigalaw.

"Kasalanan mo 'yan. Makipag-bugbugan ba raw kasi tapos wala pang valid reasons. Anong utak ba meron ka? Nakipagbugbugan ka dahil trip mo lang. Eh, kung di ka rin naman ng anak ng galunggong." Nakakainis kasi talaga. Kaasar. Ang shunga-shunga.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon