Bonus Chapter: Closure

357 15 4
                                    

Jam Dave Montesalba

She was peacefully sleeping right now. Alam ko na ang rude ko sa kanya kanina lalo pa at ginamit kong pang-black mail ang nangyari sa kanya na ako rin naman ang may kasalanan. I just want her to stay here, ang tigas kasi ng ulo. Mas safe sya rito kagaya nga ng sinabi ni Tita Rosa. Although walang ideya sila Tita at Mama sa nangyari kay Elos.

Ayokong i-risk ang safety nya kaya mas okay na 'yong ganitong nandito sya sa lugar ko at least alam kong ligtas sya. Makakatulog ako ng maayos dahil alam kong maayos ang kalagayan nya.

Maaring masama na ang impresyon at tingin nya sa'kin pero mas okay na 'yon. Mas okay na alam nyang hindi pwede.

Hindi pwedeng mahulog sya sa akin dahil may mahal na ako. Si Keilah at wala akong pakialam kahit matagal ng patay si Kei as long as hindi pa ako nakaka-move on ay mananatiling ito pa rin ang may hawak ng puso ko.

"I'm really sorry Reel." I said and then I kissed her in her forehead.

Matapos nun ay lumabas na ako.
I need to talk to Rian.

I texted her.

To: Rian

Let's meet at the Heaven Bar. We need to talk. ASAP.

Sent.

Matapos nun ay agad na akong umalis at pumunta sa kung saan kami magkikita.

Mga kalahating oras din akong naghintay bago sya dumating. Nakasuot ito ng crop top, mini skirt at boots. Sanay na ako sa pagiging liberated ni Rian. Kaya lang ay sinasaway ko pa rin naman sya minsan kapag alam kong sobra na.

"What's with the face?" she asked me as she leaned forward and gave me a kiss. I didn't responded to her kiss that's why she stopped.

"Your choice of clothes. It's too much. Masyadong nagpapakita. Baka mabastos ka." I said. Naka-poker face lang ako. Maaring wala na kami pero concerned pa rin naman ako sa kanya.

"Okay lang naman ang suot ko. And don't worry, France is with me. He's outside. I told him not to go inside unless he have my go signal." she said. France is her cousin. Si France na kaibigan ko at pinsan ni Rian ay iisa.

Ang alam ko ay hindi talaga sila magka-dugo dahil ampon lang si France but that's a secret. Sinabi ni France sa amin iyon dahil kaibigan nya kami at alam nyang mapagkakatiwalaan nya kami.

Nobody knows about France's secret. Kami at mga magulang nya lang ang nakaka-alam. Even Rian doesn't know about it.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na mahal ni France si Rian. Hindi man nagsasalita si France ay alam ko at ramdam ko na mahal nito ang kinalakihang pinsan.

"Ah ganoon ba." I said.

"Yes. Anyway, bakit mo ako pinapunta rito?" she asked as she went to my side. Uminom din sya ng vodka na iniinom ko. Nasa bandang dulo ang table na pinili ko. Palagi namang ganoon.

"Rian, I want to talk about..us. I mean, about our past." Kaagad na lumaki ang mata nya.

"Hindi ako makikipag-balikan." Kaagad kong nilinaw sa kanya na hindi iyon ang pakay ko. Ayoko syang paasahin.

Kitang-kita ko ang panlulumo sa kanyang mukha.

"Rian, listen. This would be the last time that I'll talk to you na ang topic ay kung ano ang mayroon tayo noon." I stopped. I want to see her reaction. She didn't react. Mukhang balak lang nyang makinig.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon