Chapter 4: The Key

1.5K 43 15
                                    

Chapter 4: The Key

Third Person's Point Of View

Humahangos at hingal na hingal siya matapos takbuhin ang kahabaan ng parking lot ng kanilang school. Ang lawak pa naman ng parking lot na iyon, kaya talaga namang napagod sya sa kakatakbo. Pero teka nga lang? Bakit ba kasi siya tumatakbo? Eh ano naman kung may nakita syang naghahalikan? Hindi naman na bago yon diba? Ganun na talaga ang mother earth sa ngayon. Halos liberated na ang mga kabataan. Pero siguro nga, Hindi lang talaga sya sanay.

"Fudge! Ano ba 'yong nakita ko kanina? Ang dami namang kababalaghan sa school na 'to. Anong klaseng school ba 'to? Hindi ko alam kung makakayanan ko ba ang mag-aral ng kahit isang taon lang dito. Bully everywhere, making out anywhere. Fudge!" napahawak sya sa dibdib nya matapos nyang sabihin ang mga iyon. At oo, kinakausap nya ang sarili nya pero hindi pa sya nababaliw. Hobby nya lang talaga na kausapin ang sarili.

Hindi nya alam kung gaano kahaba ang tinakbo nya para lang maka-alis agad doon. Fudge lang bakit ba kasi lagi nya na lang naaalala yong nakita nya kanina? Gusto na nyang kalimutan pero ewan nya ba at talagang palaging sumasagi 'yon sa isipan nya.

Hindi kasi talaga sya sanay, wala naman kasing ganun sa Probinsiya or atleast sa Probinsiya nila. Malay nya ba kung sa may ganoon na sa ibang probinsiya.

She's not into ignoring those people who are making out anywhere. Hindi sya masasanay, hindi kahit kailan. At kung bakit ba naman kasi sa dami ng lugar, sa parking lot pa ng school? Sana sa kotse na lang nila ginawa 'yong mga gusto nilang gawin. Mga walang Dignidad.

And what more controversial in what she saw is that... she knew the boy. Si Mr. Pervert 'yon, the one who stole a kiss in her cheek. And she also knew the girl, it is Rian, 'yong bruhang babae na nagpahiya at nanakit sa kanya.

Nakakapagtaka, hindi ba sila naturuan ng proper manner? Wala ba silang natutunan sa subject nila na Values Education IV. Palibhasa mga anak mayaman, bagay nga silang dalawa, parehong mga walang pagpapahalaga sa sarili.

"Kaasar! Pati utak ko nagiging maldita na. Mabuti pa tigilan ko na ang pakikipag-usap sa sarili ko, baka mamaya may makakita sa'kin, masabihan pa akong sira ulo at baliw." matapos iyon ay nagpatuloy sya sa paglalakad paakyat ng kanilang classroom. Pinagpalagay na walang nangyari at wala syang nakita na kahit na ano.

As she enter their classroom, she immediately stop for a while to look around. She's looking for Christine but she couldn't find her. Their whole classroom was a mess and her classmates were so noisy, such a chaos.

Ang daming mga naglalandian sa side pero hindi naman lahat, may iba naman din na nasa isang sulok lang at nagbabasa ng mga libro. They don't look like a Nerds, they don't look like her. Mukha kasing mga sosyal, pero mukhang matitino naman. Grade Conscious siguro. She don't know, she just shrugged it all.

Hinanap nya agad si Christine at nakita ito sa isang sulok ng classroom, naka-earphone ito at nagbabasa ng mga published books from wattpad.

Wow! mabait na bata. Imbes mag aral inaatupag pa ang pagbabasa.- she told herself

Mabilis pa sa alas kuwatro na lumapit sya rito and good thing, Christine recognized her.

"Hi Elos, come here, dito ka na lang umupo sa tabi ko." she tapped the chair beside her.

"Hahahaha, sure." she sit beside Christine and then she asked. "Anong binabasa mo?"

"Wattpad Published Books."

"Obvious nga eh. But what I mean is, anong story?"

"When Playboy falls ni Park HaeSil. Maganda naman eh kaso parang may topak lang 'yong Author. May sayad ata habang sinusulat nya 'to. Ang gulo ng storya eh. The plot here in book is different from the Wattpad version." mahabang paliwanag niya.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon