Chapter 34: Their Loss

270 12 6
                                    

Chapter 34: Their Loss

One week have passed after that confrontation. Naging bihira na lang ang pagkikita namin ni Dave dahil sobrang busy nito. Although mas naging okay na kami magmula ng mag-usap kaming dalawa.

Wala pa rin akong ideya kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. As of now, ayoko munang dagdagan ang problema ni Dave. Sasabihin ko rin naman sa kanya, humahanap lang ako ng tamang tiyempo.

"Let's go." I heard him said that. Tumango lang ako at agad na ring tumayo.

Sa ngayon ay mamamasyal kami. Hindi ko alam kung ano bang meron ngayon pero napansin kong kanina pa masaya at para bang kinakabahan si Dave. Tapos ewan ko kung anong nakain nya at bigla na lang akong niyayang kumain sa labas at mamasyal daw kami pagkatapos.

"Tumataba ka yata Reel." He said. I frowned at what he said.

"Ito naman. I'm just kidding but really, tumataba ka. Kain ka kasi ng kain lately." Napansin nya pala 'yon. Palagi nga nya akong sinasabihan ng matakaw at masiba eh. Nakakagutom kaya magbuntis. Feeling ko may dragon sa loob ko. Eh diba, dugo pa lang naman ang baby ko pero bakit ang takaw na nya. Tumataba tuloy ako pero okay lang naman. Basta ba masaya si baby.

"Sorry na. Joke lang." Hindi ko sya inimik. Pumasok na lang ako sa loob at hinintay syang paandarin ang sasakyan.

"Galit ka pa rin ba? Sorry na, okay?" But I didn't respond to him.

"Hindi. May iniisip lang ako." I told him para manahimik na sa kakatanong.

"Huwag mo na kasi akong masyadong isipin, nasa tabi mo lang naman ako." Sinimangutan ko sya matapos nun. Forever conceited talaga ang isang ito.

"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo na lang ang pag-da-drive."

"Yes ma'am." Tatawa-tawa nyang sagot.

Huminto kami sa isang Dine Restaurant. At hindi lang basta restaurant kundi isa sa mga sikat na restaurant sa Pilipinas which I don't have any idea about the name. Malay ko ba. Basta bonggang restaurant.

"Dito ba tayo kakain? Sana sinabihan mo ako para nakapagbihis man lang ako ng maayos na damit." Naiinis na sabi ko sa kanya. Eh kasi naman, iyong suot ko ngayon ay simpleng dress lang since I thought sa mall lang kami. Naka-flat sandals nga lang ako eh. Nakakahiya sa suot ng mga tao rito.

"Maayos naman ang suot mo Reel. Don't worry. Tara na?" Wala na akong nagawa pa kundi pumasok sa loob since nakapag-pa-reserve na pala sya ng table.

Pinagtitinginan kami ng mga tao pagpasok pa lang namin. Hindi ko alam kung dahil ba sa suot kong pagka-pangit o dahil sa katabi kong nag-uumapaw sa kagwapuhan. Ay, ang landi. Nag-uumapaw talaga? Pero totoo naman eh. Ang gwapo talaga ni Dave sa suot nito. Simpleng polo at pants lang naman ang suot nya pero dadaan kasi sa pagdadala.

Kitang-kita ko ang paglalaway at paghanga ng mga kababaihang naroroon. Bigla tuloy akong na-conscious. I am nothing compare to those beautiful, gorgeous, rich and fashionable ladies.

I look at Dave and saw that diretso lang ang tingin nya. Hindi nya pinagtutuunan ng pansin ang mga babaeng kanina pa naka-tingin  sa kanya.

Naramdaman siguro ni Dave ang pagka-ilang ko sa mga tao kaya hinawakan nya ang kamay ko. Napasinghap ang mga babaeng 'yon. Akala ata nila ay yaya lang ako ng lalaking kanina pa nila pinagpapantasyahan.

"What the.. Yaya nya ba talaga 'yong babae?"

"Siguro. Parang hindi naman kapani-paniwalang girlfriend nya 'yan. Like, eew."

Parang gusto kong lapitan ang mga 'yon at sampalin ng kaliwa't kanan.

"Don't mind them." He whispered. I smiled at him.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon