Chapter 17: Wala

882 23 5
                                    

Chapter 17: Wala

Jezreel Ross Santar

"Ross, tapos ka na ba maligo? Dalian mo at may nag-aantay sayo sa baba." my mama told me.

Sabi ni mama may nag-aantay raw sa'kin sa baba. Eh wala naman akong ini-expect na bisita. Sino naman kaya 'yon? I immediately went down nung makita kong ayos naman na ang hitsura ko.

"Jezzy!" at pagkatapos ay bigla na lang akong niyakap ni Ten.

"Jezzy?" medyo nakakunot pa noo ko nyan habang nagtatanong ako. Sobrang emphasize kasi ng z, although sanay na ako na 'yon ang tawag nya sa'kin pero gusto kong malaman kung bakit.

"Oo, Jezzy. Jezzy short for Jezreel. Matagal naman na kitang tinatawag na Jezzy ah." she explained.

"Yah, I know but then bakit Jezzy? Dati naman Elos ang tawag mo sakin ha." I asked her as we sit in the sofa. Nagsuot ako ng sapatos.

"Eh, kasi naisip ko lang na dapat may endearment tayong dalawa. Since ayoko ng mga CS na gaya ng baby, dear, love. Kaya ayon, you're my Jezzy and I'm your Ten. Ako lang tatawag sayo ng Jezzy at ikaw lang tatawag sa'kin ng Ten." mahabang paliwanag nya.

"Pero, best, besty at bestot na ang endearment natin." ako at kanina ko pa rin napapansin na para bang naweweirduhan na si mama sa'min.

"Eh, masyado ng common. Lagi ko na lang naririnig 'yan. At naiinis ako kasi feeling ko ginagaya nila tayo. Walang originality." bigla na lang akong natawa dahil sa sinabi ni Ten.

"Okay then. Payag naku." pagsuko ko.

"Alam mo, pumayag ka man o hindi. Jezzy pa rin itatawag ko sa'yo." si Ten. Bitch mode on. Hahaha.

"Oh sige na, pasok na tayo at baka malate pa tayo." matapos nun ay tumayo na kami at nagpaalam kay mama.

"Ma, alis na po kami." I kissed my mom on his right cheek.

"Sige, ingat kayo." my mom replied.

"Okay po Tita, thank you po. Bye." at nagbeso naman si Ten kay mama.

"Wait lang anak. Hindi ka pa pala nag-aalmusal." pahabol ni mama. At naalala ko ring hindi pa nga pala. Babaunin ko na lang siguro.

"Babaunin ko na lang po, sa school ko na kakainin." I said and then my mom handed me the food. Maayos na itong nakalagay sa lalagyan.

Ningitian ko na lang si mama at pagkatapos ay lumabas na kami.

Paglabas namin, nakita ko kaagad si Kuya Joshua. Nag-aantay sya sa labas. Hmmm.

"Ang tagal nyo naman. Huwag nyong sabihin na nag-date pa kayong dalawa." Kuya Joshua smiled after saying those words.

"Sorry Kuya Joshua. Alam mo naman na matagal-tagal din kaming di nagkita nitong Jezzy ko eh." Matagal daw? Eh parang nung isang araw lang ay magkasama kami. Kaloka 'to si Ten.

"Wala ka po bang pasok ngayon?" tanong ko kay Kuya Joshua. Nagtataka lang ako.

"Hmmm, wala pa. Bakit mo naitanong?" he asked. Ang gwapo nya talaga.

"Wala lang po." Ang buong akala ko kasi pumapasok na sya ngayon sa UP.

"Not yet. Pero malapit-lapit na." he said as he open the door for us. Gentleman, hehehehe.

So, si Kuya Joshua pala ang maghahatid sa'min. Ang saya naman nito, makakasama ko na ang crush ko. Wahahaha. Magtataksil muna ako kay Nate. 

Gaga. Walang kayo ni Nate. Mas nagtataksil ka kay Dabe.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon