Chapter 40: Too much

173 13 21
                                    

Chapter 40: Too much

John Nathan Recandego

Alam ko naman. Ramdam ko na mayroong nagbago. Nagbago sya magmula ng gabing iyon. Magmula ng makita nya si Dave.

Kaagad akong tumalikod nang makita ko ang luhaan nyang mukha.

Damn it! Hindi ko talaga kayang makita syang umiiyak.

Kaya nga kahit alam kong isang napakalaking sugal ang ginawa ko. Kahit alam ko na kahit kailan ay hinding-hindi ko mapapalitan sa puso nya ang lalaking una nyang minahal ay sumugal ako.

Kaagad akong pumasok sa loob ng unit namin at nagkunwaring wala akong nakita. Na hindi ako nasasaktan.

Inayos ko ang mesang aming kakainan at hinintay syang pumasok sa loob ng aming unit.

"Ross, what took you so long?" I asked her although I already knew why.

"Ah... Ano. Ahmm, kasi... Ano kasi. Ahm, wala kasing wine sa baba. Eh, gusto ko talaga ng wine kaya naghanap ako sa medyo malapit na store dito. Medyo natagalan kasi.. ano eh.. ma-traffic. Oo, t-tama ma-traffic." Pautal-utal at malikot din ang kanyang mga mata nang sabihin iyon.

I know she's lying. At mas lalo akong nasasaktan dahil itinatago nya sa'kin ang nakita nya. Mas lalo ko lang tuloy napatunayan na hanggang ngayon ay apektado pa rin sya sa lalaking una nyang minahal.

Sino nga naman ba ang niloloko ko? Rebound lang ako.

"Ah, ganoon ba? Sige, kain na tayo. Asan na yung wine?" Hinayaan ko na lang ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi na bale, hangga't nasa akin si Elos ay masaya na ako. Kahit pa hindi ako ang piliin nya sa huli.

The mere fact that I've been given a chance to be with her is a thing that I should be thankful already. Hindi na ako hihiling pa ng sobra doon. Tama ng minsan syang naging akin.

Shit! Ano ba naman 'tong sinasabi ko? Ang drama ko naman. Hindi naman ako bakla. Darn!

"Ah, kasi.. teka. Nasa labas kasi yung wine. Teka, balikan ko lang." Matapos nun ay agad syang tumakbo palabas.

"Tama, naiwan mo sa baba dahil nag-panicked ka ng makita mo sya." Mapait ang nalasahan ko sa aking dila matapos kong sabihin iyon sa aking sarili.

Hindi ko namalayan ang patak na luha na unti-unting tumatakas sa aking mga mata.

Tang ina! Hindi na ako nagmumura pero... Walang'ya! Ang sakit pala talaga.

"Bakit kaya ang malas ko sa pag-ibig?" Natawa na lang din ako sa sarili kong tanong.

Hindi ko rin alam. Nagmahal lang naman ako pero sa huli, ako pa rin ang palaging nasasaktan.

Nang gabing iyon ay sabay kaming kumain. Na para bang normal lang ang lahat.

Pinipilit kong magmukhang masaya sa harap nya. I tried to cracked a joke, laughed and console her.

Alam ko naman kasi na pilit lang ang lahat ng ngiti nya. Alam ko na sa kabila ng lahat ng pagtawa nya ay ang sakit na kanina nya pa dinadaing.

"Okay ka lang ba?" I asked her. Gusto ko syang subukan.

Gusto kong malaman kung magsasabi ba sya ng totoo sa akin. Kung... talaga bang kaya nya akong papasukin sa buhay nya.

"Ahm, yup. B-bakit mo naman natanong?" She looked away and continued washing the dishes.

"Wala lang. Baka may problema ka kasi. Baka gusto mo lang mag-open up." I tried to sound casual. Yung tipong parang wala akong pakialam kahit sa totoo lang ay parang pinipiga na ang puso ko.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon