Chapter 25: Last Chance

410 22 6
                                    

Warning: Medyo SPG.

__________________

Jezreel Ross Santar

Sabay na kaming pumasok ni Nathan. Kasabay din namin ang tatlo pa niyang kaibigan na sina Lesther, Josh at France pero sa kanya-kanyang sasakyan nakasakay ang mga ito. At mukhang nauna na ang mga ito sa amin. Narinig ko kasing magpapaunahan ang mga ito. Kaya heto at naiwan kami.

"Kanina ka pa tahimik dyan? May problema ba?" tanong niya sa'kin.

Hindi ako makatingin sa kanya. Siomai! Nakakahiya! Nalaman nya pa 'yong kabaliwan ko. Ayoko na sanang may makaalam pa nun e. Pero alam kong kailangan para kahit isang tao lang ay may makaintindi naman sa'kin bukod kay mama.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung Hindi ka ba natatakot sa'kin gayong nalaman mo na baliw ako. Hindi ako normal. Bipolar ako."

Tumingin siya sa'kin bago siya sumagot. Ang seryoso ng pagkakasabi niya.

"Ross, kahit pa nalaman ko na 'yon, tandaan mo na hindi kailanman magbabago ang tingin ko sa'yo. So what kung baliw ka o bipolar ka? At least may valid reason naman ang pagkabaliw mo samantalang 'yong iba ay wala naman puro pag-ibig lang kaya nabaliw. Alam mo na, baliw na puso" sabay ngisi niya.

"Ang corny mo kahit kailan" sabi ko sabay tawa.

"Corny pero tumawa ka." nang-aasar na tugon niya.

"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo na lang kaya ang drive kasi ma-li-late na tayo."

"Yes boss" at pagkatapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan.

"Hoy! Dahan dahan naman." tinawanan lang ako ng Loko. Langyang 'yan. Maya maya pa ay binagalan naman niya. Salamat naman.

"Salamat nga pala sa lahat Nate. Alam kong kalabisan ang lahat pero hayaan mo at naghahanap na ako ng trabaho para makahanap na rin ako ng malilipatan." sabi ko kasabay nun ay ang pag-ayos ko sa salamin ko. Mukhang lumalabo na ito, nagpapalit na rin ata kahit bago pa siya.

Tumingin muli siya sa'kin bago magsalita. "Ross, hindi naman kita pinapaalis sa bahay ah. Kung hindi ka komportable ay pupwede namang doon na lang ako sa Condo Unit tumuloy at doon ka na lang sa bahay. Just don't leave'kay? Hindi kasi ako matatahimik, knowing that you're living alone somewhere na hindi ko alam or somewhere dangerous. Kaya Ross, please, I'm begging you, kung talagang ayaw mo ng bumalik sa Condo Unit ni Dave, then just stay at my place." mataman lang akong nakikinig sa lahat ng sinabi niya. I couldn't say anything. Ewan ko, hindi ko alam, ang hirap magtiwala ulit pero alam ko naman na iba sa kanila si Nate and besides, safety ko lang naman ang iniisip niya.

Napabuntong hininga ako kasabay nun ay ang pag-ngiti ko.

"Nate, why are you doing this?" tanong ko.

"I just want to. Just let me Ross."

"But what about Ulan?" I asked. Yon kasi ang inaalala ko. Hindi ko kilala 'yong Ulan na yon pero alam kong may something silang dalawa.

"Ulan?" naka-kunot noong tanong nito.

"Ulan, si Rain?" tanong niya ulit at tumango ako.

"Don't mind her. She's just my ex-girlfriend." he said na para bang ayaw na niyang pag-usapan pa ito. Tumango na lang ako at binago ang topic.

Ewan ko ba! Hindi ko talaga feel si Rain. Bukod kasi sa malapit-lapit siya sa pangalang Rian, e nakakaasar lang dahil kilala niya ang ate ko. Feeling ko tuloy ang buhay ko ay isang puzzle na kailangang resulbahin.

Kung gagawin sigurong kuwento ang buhay ko ay walang magbabasa dahil sobrang clichè, boring at ang gulo. At siguro, mystery ang magiging peg nun at hindi Romance. Pero sana Comedy nalang para masaya, kabaliktaran ng buhay ko.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon