Chapter 38.B: Usad

172 14 3
                                    

Chapter 38.B: Usad

Kinabukasan ay maaga kaming nagising para sa flight namin. Paskong-pasko, babiyahe kami. Pero hindi bale, mabilis lang naman ang flight, baka wala pa ngang isang oras ay nakalapag na kami, kaya makakapaghanda pa ako para sa pasko. Kahit doon na lang siguro kami sa condo ni Nathan mag-celebrate.

Nang tawagan ko si Christine ay sinabi nitong nasa Japan pa sila. Uuwi raw sila bago ang Gala Night. And yes, kasama rin sila sa mga imbitado sa napakalaking event na iyon.

Nasabi ko na rin kay Christine na nag-propose na sa’kin si Nathan at sinabi naman nya na masaya sya para sa’kin. Masaya sya na sa wakas ay natuto  na ulit akong buksan ang puso ko para sa iba. Para doon sa taong totoong mag-aalaga at magmamahal sa’kin, at iyon ay si Nathan.

Christine even said that Nathan is my soulmate. Medyo ayaw ko sa term but I think, Christine is right. Nathan is my soulmate.

Mabilis lang ang tawagan namin since bawal talagang gumamit ng phone sa loob ng plane. Pumuslit lang ako.

Dapat talaga ay sa private plane kami sasakay since Nathan has his own private plane. But then, I refused. Mas gusto ko yung normal life. Ayoko ng magarbo. Hindi naman purkit mayaman, kailangan palagi ng sosyal. Ewan ko ba sa ibang mayayaman na ‘yan. Nakakaloka sila.

Naging mabilis lang ang biyahe kaya naman, maaga rin kaming naka-uwi.

Kahit may jetlag pa ay napilit ko si Nate na dumiretso sa kahit anong supermarket para makapamili kami ng ingredients para sa iluluto kong pang-handa.

Spaghetti, Palabok, Cake, Ice Cream, Graham Balls, Pastillas, Beef Steak, Siomai at Chicken Empanada. Iyon ang balak kong lutuin ngayong pasko. Favorite ko kasi lahat ng yun.

“Parang ang dami naman ata. Are you sure you can make all of those ngayong araw?” He asked me when I gave him the plastic bags. Nandoon na lahat ng pinamili ko.

“Yes, of course. Ako pa ba?” Kumindat ako sa kanya bago ako dumiretso sa sasakyan nya. Ako muna ang mag-da-drive kasi alam ko na pagod si Nathan.

“Marunong naman akong mag-drive eh. Tsaka, mag-iingat ako sa pagmamaneho.” I assured him when he refused at my proposal—ang mag-drive pauwi.

“Kahit na.” Pinal nyang sabi. So, ano pa ba ang magagawa ko? Edi, fine.

Pagkarating namin sa condo ay agad ko ng sinimulan ang pagluluto samantalang sya naman ay  agad na dumiretso sa kwarto, para matulog siguro.

Mga ala-singko ng hapon ng matapos ako sa pagluluto. Naging mabilis lang dahil tiulungan ako ni Nathan na ihanda ang lahat. Ang akala ko talaga kanina ay tutulugan nya lang ako, iyon pala ay nagbihis lang sya.

“We’re done!” I happily said. Tinulungan ako ni Nate na ilagay ang mga nalutong pagkain sa mesa.

Pinaanyayahan naming ang mga magulang nya subalit tumanggi ang mga ito at sinabing kela Chloe raw sila magpapasko.

Alam ko naman na gustong-gusto talaga nila ang Ulan na iyon para kay Nathan pero… pero kami ni Nate ay ikakasal na. Alangan namang hindi naming sila imbitahan dahil lang ayaw nila sa’kin. Oh well, ano pa nga ba ang magagawa ko? You can’t force everybody to like you. You can’t please everyone.

“Is everything settled?” He asked me. And that’s when I remember that we have no stock of wine anymore. Naubos ata and hindi pa kami nakakapag-grocery.

“Wala na tayong wine.” I told him. He volunteered to buy but I forbid him.

“Ako na. I know you’re tired. Dyaan lang naman din ako sa baba bibili. Hintayin mo na lang ako rito, ‘kay?” I kiss him on the cheeks bago ako umalis.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon