Chapter 7: Mr. Knight

1.1K 37 3
                                    

Chapter 7: Mr. Knight

Jezreel Ross Santar

Napatingin ako sa cellphone ko ng may magtext. Tatlong sunod-sunod na text kasi, malay ko ba kung importante diba?

It's Monday Morning. At last, after suffering for a week because of that fever, I'm totally Healed. Glory be to our God.

I open the first message while combing my hair and a smile immediately went out from my lips. It is from Nathan.

From Nathan:

Good Morning! Smile. :)

Gusto ko sanang mag-reply din ng ng 'Good Morning too' kaso nakakahiya kasi. Pero sa huli ay nagreply na lang din ako. Kinikilig pa nga ako after kong mag-reply.

Tiningnan ko ang pangalawang message na nanggaling kay Ten. Tinatanong lang niya kung papasok ba raw ako ngayon. And I replied, Yes. Hindi na sya nag-reply after that.

May bagong dating na message galing kay Nate at nang bubuksan ko na sana ay ibang message ang na-open ko. At nakakaasar lang talaga dahil biglang nagsisi ako kung bakit na-wrong open pa ako ng message.

From 09197467238:
Good Morning babes. ;)

Buwisit! At oo, hindi ko sinave ang number niya. Why would I?

Nawalan na ako ng ganang magbasa ng text, mamaya na lang.

Nang tingnan ko ang oras ay saktong 6:15 na kaya bumaba na ako para maka-kain dahil malapit na rin ang oras ng pasok ko.

Maagang umalis si mama ngayon dahil Opening daw ng Hotel nila Mr. Montesalba, and as a Personal Chef, she should be there as early as ever. Kaya mag-isa na lang akong kumakain ngayon pero nakahanda naman na ang lahat.

My mom cooked a pancake for me with sunny side up and bacon with a hot chocolate.

I ate all of it within just thirteen minutes. Okay, I'm sorry, I'm really hungry I admit it. For the whole week ba naman kasi, puro saging at lugaw lang ang kinakain ko. Thanks for all the thanks na lang kasi hindi pa ako nakakasali sa Federation of Monkeys. Just kidding.

Saktong 6:40 ako umalis ng bahay para maaga ang dating ko sa school dahil nakakahiya kapag na-late ako.

I know it's Monday but I didn't expect that Flag Ceremony is still present lalo na ang nasa Senior High Level na kami. Oo, alam ko naman na we're still High School, bawal pa nga rin kaming pumasok ng SM kapag may pasok at naka-uniform e.

Hinanap ko 'yong mga ka-Section ko kaso hindi ko naman nahanap. Ka-bad trip lang. Nakipila na lang ako doon sa may bandang dulo dahil mas gusto kong mag-isa. Saglit kong tiningnan ang cellphone ko dahil nag-beep ito, mukhang may nagtext. I though it's Ten but I'm wrong again, as always. Nang makita kong unregistered number ito ay Hindi ko na binasa at agad ko ng tinago ang aking cellphone.

Nagsimula na ring maagaw ng Emcee sa harap ang atensyon ko. Sandali lang nagsalita 'yong Emcee dahil agad ng napasa ang microphone sa Principal upang masimulan na ang Flag Ceremony.

Nang matapos ang Flag Ceremony ay Hindi pa kami agad pinaalis dahil pinakilala pa ng Principal ang may-ari ng School na ito na Mrs. Elisha Lyn Montesalba. Kahit nasa bandang dulo na ako ay sinadya ko talagang makipagsiksikan para lang makita si Mrs. Montesalba. Maganda ito, Maputi, palangiti, simple lang at halatang walng Arte sa katawan, Hindi rin halata sa edad nito na siya ay 38 years old na. Mukha lang kasi itong 25.

Pinakinggan kong maigi ang mga sinabi niya. Napakaganda rin ng boses nito. Sinabi nito na wala ang asawa niyang si Mr. John Dave Montesalba dahil nasa Opening daw ito ng kanilang bagong Hotel. Pero ng ipinakilala na ni Mrs. Elisha ang Anak niya ay sobra talaga akong nagulat. Kung Hindi ko lang napigilan dahil nakakahiya mapapasigaw na ako ng 'What!?'. Paano ba naman kasi ay napag-alaman ko na ang tinutukoy pala ni mamang kaisa-isang anak ni Mr. at Mrs. Montesalba ay ang Gwapong Pervert na 'yon. What was his name again?

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon