Chapter 29.B: Black

215 13 13
                                    

Chapter 29.B:  Black

As I woke up, I looked at the clock beside my bed and saw that it was already one in the afternoon. Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi, mga madaling-araw na rin. Saktong pagbangon ko ay syang pagpasok niya sa aking kwarto. He looked at me but I didn't look back.

"Aalis ako ngayon, sasamahan kong magpa-check up si Rian. At didiretso na rin ata kami ng mall, gusto nyang mag-shopping. Baka gusto mong magpa-sabay. Bibilhan kita ng gusto mong damit at pagkain." umupo sya sa tabi ko at inabot ang aking kaliwang pisngi, pasimple ko itong iniwas. Hindi rin ako umimik. He let out a sigh and then he stood up.

May kinuha sya sa kanyang bulsa at ini-abot ito sa akin. He handed me my phone.

"Reel, I'm sorry but I really have to do this because--"

"Enough." but he didn't stop.

"I love you."

"I said enough!" marahas na kinuha ko ang aking cellphone. Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. I hate him. I hate him for being unfaithful, for cheating, for hurting me, for the pain he caused, for this.. sa mga ginagawa nya. He's selfish.

Hindi ko na sya muli pang narinig na magsalita. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga boses nila although hindi malinaw ang usapan. I've heard the closing of the door. Seems like they've gone already.

Matapos nun ay sumilip ako sa may pinto ng kwarto para i-check kung wala na nga ba talagang tao and as i checked, talagang wala na sila. I don't know kung gaano sila katagal sa pagpapa-check-up but I hope na matagalan sila.

Nang masiguro kung umalis na talaga sila ay isa-isa kong inilabas ang mga gamit ko. Tinakpan ko lang ito ng puting kumot at pagkatapos ay kaagad kong hinanap sa contacts ang pangalan ni Nathan, siya lang ang naiisip kong pupwedeng makatulong sa'kin sa ngayon.

Sinigurado ko munang sarado ang pinto ng kwarto ko at matapos 'yon ay agad akong pumasok ng comfort room, ni-lock ko itong mabuti.

I'm sure na hindi na nya ako susundan sa loob ng C.R. Binuksan ko rin ang gripo para magkaroon ng ingay at isipin nyang naliligo ako.

"Nate," narinig ko ang kung anumang kaluskos sa kabilang linya, mukhang kagigising lang nya sa ngayon. Baka tulad ko ay matagal din syang natulog kagabi.

[Hey Ross, napatawag ka?] rinig na rinig ko pa ang paghikab nya. Napangiti na lang ako.

"Hihingi sana ako ng pabor sa'yo," napakagat-labi ako. Pinutol ko ang sasabihin ko, tintimbang ko pa kung sasabihin ko ba talaga sa kanya ang kalagayan ko.

[Anything, just say it.]

Mga ilang segundo rin akong nanahimik. Alam ko na mapagkakatiwalaan ko naman si Nate pero hindi pa rin maalis sa'kin ang mag-alala lalo na at mas matagal na silang magkaibigan ni Dave. Sino ba ako kumpara sa kanyang pinakamatalik na kaibigan? Ano ba naman ang frienship namin kumpara sa brotherhood nila?

[Don't hesitate Ross. Whatever is it, I promise, I'll help you sa abot ng aking makakaya.] Hindi ko alam pero parang napanatag ako sa sinabi nyang 'yon.

"Help me to get out of Dave's condo." Alam ko na wala syang alam sa mga nangyayari sa'kin subalit malaki ang tiwala ko sa kanya. At sana ay huwag mo na syang magtanong kung bakit dahil mukhang hindi ko pa sya kayang sagutin sa ngayon. Mahirap ipaliwanag ang sitwasyon ko sa ngayon.

I heard him sighed.[Ross, I don't know what's happening to you and to him but whatever is it, I'm always at your side. I'm willing to set aside our brotherhood not just for the sake of our friendship but even for your sake.]

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon