Chapter 47: Complicated

362 17 15
                                    

Chapter 47: Complicated

Jezreel Ross Santar Cruz

"Congratulations, you are one week pregnant, Ms. Cruz."

Napahawak ako sa aking impis pang tiyan ng maaalala ko ang sinabi ng Doctor after ng check-up namin kanina.

Sabay-sabay kaming nagpa-check up ni mama at ate kanina. At masaya kami dahil mukhang hindi lang tatlo ang madadagdag sa amin. Kambal kasi ang ipinagbubuntis ni Ate Kei.

"Anong ginagawa mo rito sa labas, Elos anak. Pumasok ka na sa loob at maya-maya lang ay darating na ang mga Montesalba." My mom said before she sat beside me.

Nakaupo kasi ako sa labas ng mansion. May mga bench kasi doon na sobrang accommodating kasi pwede ng higaan.

She hugged me from the side while combing my hair with her hands. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. Para kasi akong bumabalik sa pagkabata sa tuwing ginaganito ni mama ang buhok ko.

I'm already 27 years old, turning 28 and yet, this simple gestures of my mom can still bring unexplainable happiness to my being.

"Wala po ma. Gusto ko lang pong damhin ang hangin dito sa Isla since babalik na po tayo ng Maynila sa susunod na araw." I answered my mom while hugging her back.

After that, wala ng nagsalita sa amin. Siguro, tulad ko. Dinadama din ni mama ang hampas ng sariwang hangin.

I'll miss this Island. And I'll be forever grateful that we came to this Island. Dito kasi namin nakita sila mama. Dito kami nabuo ulit. At dito, sa isla na ito, binigyan ulit ako ng pagkakataong maging ina.

"Anak, mauuna na ako sa loob. Sumunod ka na rin dahil mukhang paparating na ang mga Montesalba." She said before she went inside.

And yes, syempre darating ang mga Montesalba para makipag-usap tungkol sa pagbubuntis ko. Natatakot ako pero alam ko na isa lang ang patutunguhan ng lahat...Kasal.

Napahawak ako sa singsing na ginawa kong pendant. Ito ang singsing na ibinigay sa akin ni Nathan. This is our engagement ring.

I looked up above and smiled while my tears were continuously escaping my eyes, running down my face.

Hindi ko alam kung bakit ganito kagulo at kasalimuot ang naging buhay ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong danasin ang lahat ng iyon. Pero naniniwala ako na lahat ng iyon ay may dahilan.

Yes, I know that​ everything happens for a reason, but sometimes I wish I knew what that reason was.

I want to know why do I need to felt all those pain and sufferings. Am I a bad person in my past life?

Bakit kailangang mawalan ako ng anak? Bakit kailangang mahalin ko ang taong hindi naman pala sa akin? Kung hindi kami ni Nathan ang para sa isa't-isa, bakit ko pa sya nakilala? Para saan?

I'm silently crying pero gustong-gusto ko na talagang sumigaw. Parang sa ganoong paraan lang kasi gagaan ang loob ko.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap na wala na si Nathan. Ramdam ko kasi eh. Ramdam ko na buhay pa sya.

Lord, hindi naman po ako humihiling na kami ni Nathan sa huli. Kasi tanggap ko na po na hindi talaga kami. Na nakatadhana talaga ako para sa iba...para kay Dave. Pero mayroon lang po akong isang kahilingan, sana po, buhay pa sya. At sana kung nasaan man sya ngayon ay masaya sya at naka-ngiti.

Hindi ko namalayan na mayroon na palang umupo sa tabi ko at nag-aabot ito ng panyo.

I looked at that person first, and saw that it was him, Dave. Nag-aalangan pa akong tanggapin noong una pero sa huli ay tinanggap ko rin naman ito.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon