Chapter 23.A: Playboy's Birthday

455 15 4
                                    

Warning: Rated PG!

____________________

Third Person's Point Of View

Mark this day. December 12.

Mabilis na lumipas ang panahon, akalain nyong tatlong buwan na pala makalipas ang mga tagpong iyon sa nakaraang kabanata. Na-extend din ang stay ng mga magulang nila sa states. Imbes na three months lang ay naging five months ito. 

Nagising si Elos mula sa kanyang dreamland dahil naramdaman nya na may yumayakap sa kanya.

Muntik-muntikan nya pang maitulak ang kung sinumang pangahas na 'yon kundi lang talaga tumambad sa kanya ang napaka-gwapo at mukhang mahimbing na natutulog na si Dave.

Pero maya-maya pa ay nagsisigaw na sya.

"What are you doing?" naiinis na tugon ni Dave. Paano ba naman ay bigla na lang syang tinulak ni Elos. Buti na lang at di sya nalaglag dahil nakahawak sya kaagad sa head board ng kama.

"I should be the one asking you. What are you doing? And why are you here?" naka-crossed arm pa sya habang tinatanong ito.

Ningitian lamang sya nito at pagkatapos ay nag-pa-cute na ang kumag. Palibhasa, alam nito na may kasalanan sya sa dalaga.

"Huwag na huwag kang mag-pa-pa-cute sa'kin. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Now, answer me, What are you doing here? Minamanyak mo ako ano? Manyak ka talaga!" kunwari ay naiinis sya kahit pa ang totoo nyan eh kinikilig naman sya.

" Eh kasi, gusto ko lang naman na ang unang makikita ko sa birthday ko ay ang babaeng pinakamamahal ko. Tsaka, nasira kasi 'yong aircon ko kagabi. " naaka-ngiting tugon nito.

" Wait! Did you just said that today was your birthday. I thought tapos na? " naguguluhang tanong nya sa binata. Di na nya pinansin ang ka-corny-han nito.

Naguguluhan kasi talaga sya. Hindi man nya maaalala at ayaw na rin nyang magbalik-tanaw pa sa previous chapters. Kaya naman, if ever na nabanggit na nag-birthday na si mokong, then that's a fallacy.

Tumango lang ito bilang kasagutan.

"Okay. So nagiging corny ka pala kapag birthday mo. Idahilan mo pa ang sirang aircon. Utot mo Montesalba."

"Sira nga talaga." pagdadahilan pa nito

"Asus! Ang sabihin mo manyak ka lang talaga." kunwari ay naiinis sya kay Dave. Gusto nya lang kasi talaga itong inisin.

"Labs naman, ang sama mo naman sa'kin. Birthday na birthday ko pa naman din. "

"Corny!" pang-aasar nya pang lalo.

"Bahala ka na nga dyan. Ang akala ko pa naman ay babatiin mo ako kapag nalaman mo na birthday ko ngayon. Hindi pa naman din ako nagbasa ng text at nagbukas ng fb at twitter dahil gusto kong ikaw ang unang babati sakin." palabas na ng pintuan si Dave. Nagtatampo na kasi talaga sya pero medyo mabagal pa ang hakbang nya. Anong malay mo, magpahabol ng bati si Elos sa kanya. Kaso lang, nakalabas na sya at lahat-lahat sa kwarto nito ay di talaga sya hinabol nito.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" naiinis na tugon nya.

Samantala. Si Elos naman ay halos di na magkamayaw sa pagtawa. Kanina pa talaga sya nagpipigil ng tawa. Nakakatawa kasi ang hitsura ni Dave kanina. Akala mo bata na hindi naibigay ang gusto.

Pero dahil nga MU na sila ni Dave. Malanding Ugnayan. I mean, nagkaka- Mabuting Ugnayan na o sige para mas madali ang buhay—Mutual Understaning. Ayon nga, naku-konsenysya rin naman sya. Ang totoo nga nyan eh na-ta-touch sya sinabi nito na gusto nitong sya ang unang Makita sa mismong araw ng kaarawan nito. At gusto rin nito na sya ang unang bumati sa kanya ng Happy Birthday.

When Playboy Falls (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon