FayeValera salamat sa oras na binibigay mo para sa pagbabasa ng PNT ha! :) maraming maraming salamat! Sabay sabay nating subaybayan ang kwento ni Kim at Xian dito hanggang sa huli. hehehe :) ❤ God bless
======================================================================================================================================
Kim's POV
Tumakbo ako palabas. Humarurot ng takbo. Hindi ko na alam ang gagawin ko!!! Saan ako pupunta? Uuwi ba ako ng bahay? Hindi. Kasabwat sila mama dito. Pinaglaruan nila akong lahat!! Bakit ba pilit nilang ipinapakasal sakin yung Xian na yun.. aaminin ko gwapo siya pero ganun ganun na lang ba yun?
Porkit gwapo siya. Porkit matutulungan ko siya. Porkit mayaman siya. Ganun na lang ba yun? Kasal agad? Sinong niloko nila??!!
"KKIIIIMMMMM!!!" bigla na lang niya akong niyakap at para kaming lumipad papunta sa gilid ng daan.
"HOY! WAG KAYO SA DAAN MAGLANDIAN!!!" sigaw ng driver.. O.O anong nangyayari??
"Ok ka lang ba? Nasaktan ka?" tanong nitong Xian na 'to
"..." muntik na akong masagasaan :'(
KIM ano ka ba naman! Nasisiraan ka na ba ng ulo!!?? kapag namatay ka paano na yung pamilya mo? Yung mama mo. Yung papa mo. At lalo na yung mga kapatid mo? At si Xian? mali. erase erase yung Xian. Pano na sila?! KIM MAG-ISIP KA NGA! :'(
"Don't cry..." pagpapatahan niya sakin di ko na kasi napigilang umiyak e. Napakaselfish ko. Bakit ko ba sila sinisisi sa mga nangyayari. :'( Sila ang dahilan kung bakit nabubuhay ako tapos ang lakas pa ng loob kong sisihin sila sa paninira ng buhay ko. :'( sorry mama. sorry papa.
"Tahan na. It's alright. Nandito na ako."
"T-tha *sob ank *sob you *sob *sob" nararamdaman ko na mabait pala talaga siya. Baka nga mali lang ako ng initindi. Mukha naman talaga siyang walang alam tungkol sa nangyari pero pinagpilitan ko pa rin ang sa palagay kong tama.
"Wala yun. Tara. Hatid na kita." wala na akong nagawa kung hindi sumakay sa kotse niya. Gulay na gulay na ako e. Tsaka hindi ko mapigilan yung mga luha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/4692875-288-k738221.jpg)
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
FanfictionGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...