Chapter 10 :D (Wise Grandma. hahaha)

1.9K 34 4
  • Dedicated kay All KimXi Fans
                                    

Kim's POV

"anak.. ano ng desisyon mo?"

"ma?." 

"oh baket? Hindi naman yun makakasama sa'yo anak e. Tsaka kaya naman naming pagtapusin ang mga kapatid mo. Magcocollege na si Julia next year tsaka Second Year na rin naman itong si Sharlene. Wala ka ng dapat alalahanin anak." 

"Pero ma. Yun ang gusto kong gawin. Gusto kong tulungan ang mga kapatid ko. Kayo. Ma naman.!"

"Anak. Sarili mo muna ang isipin mo. Tsaka mo na kami tulungan kapag nakapag-settle down ka na anak. Sobra sobra na yung apat na taong ginigugol mo para lang iligtas ang business ng pamilya natin."

"Pero ma. Ako naman ang nagdesisyon na tumigil muna sa pag-aaral para makatulong. Ma.. ayaw ko."

"Anak. Pag-isipan mo itong mabuti. Bente singko (25) ka na. Hindi ka na bumabata. Limang taon na lang ang natitira sa kalendaryo bago ka mag tatlumpung (30) taon."

"Limang taon PA."

"Anak .. pag-isipan mo." 

"Sige ma." Ano pa nga ba? Pamilya ko ang buhay ko. At ayaw ko silang mawala dahil lang sa paulit-ulit kong pagtanggi sa kalokohang ito.

"Salamat anak." sabay yakap ni mama. Yun naman e. Lahat ng pag-aalala at problema ko nawala agad dahil sa yakapsul ni mama. Yiiee naman. 

....

"Oh ano na bes? Nakapagdesisyon ka na ba?"

"Isa ka pa kamo. PAG-IISIPAN pa nga." 

"Hayy nakoo. Pag-iisipan pag-iisipan. Kapag gwapo ang fafa, sunggab na agad! Matuka pa yan ng iba e! hahaha"

"Maja?! Ikaw ba 'to?" sabay tingin ko sa cellphone. Acting lang, kasi sure naman ako na si Maja talaga ang kausap ko.

"Oo naman bes! Bahala ka! Ako ang tutuka niyan! hahaha" 

"Subukan mo lang..." 

"Aii. Possessive agad? Di pa nga asawa e.. Kunwari ka pa bes ha! Pakasalan mo na kasi!!"

"Wala akong sinasabi ha!"

"Kunwari ka pa e. Huling huli na kita!! hahaha."

"Hayy nakoo. Sige na. Bye na bes. May customer e." 

"Sige. Text you later." 

"Bye." end call. Ang kulit talaga ng bespren ko. Kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip.

"Kim, anak, pakidala naman itong letter na ito sa address na 'to."

"Ano 'to ma?"

"Letter of Renewal."

"Renewal ng alin ma?"

"Ng kontrata anak." 

"Kontrata po ng alin?"

"Bakit ba ang dami mong tanong anak. hahaha. Malalate ka na baka mawala pa satin 'tong kontrata na 'to.  Pipirmahan lang naman yan nak. Malaking kumpanya yun. Malulugi tayo kapag di yan napirmahan."

"O cge pala ma. Una na po ako."

"Mag-iingat ka sa daan ha."

"Opo. Salamat ma."

"Sige na nak. Bilisan mo na."

nagpunta na ako dun sa restaurant na sinabi ni mama. Mukhang mamahalin. Fine Dining e. So.. pasok na ako. 

"Hello ma'am. How may I help you?" tanong ng babaeng nagtratrabaho sa sosyaling resturant na 'to. Ang gara nga rin ng suot niya e. Palit kaya kami? hahaha. 

"Ahhm. May reservation kasi yata yung mama ko dito. Signing of contract renewal."

"Oh yes ma'am. This way." Sinundan ko na lang kung san siya pupunta ng... 

"IKAW?!" sabay naming sigaw ng may pagtatanong at pagkagulat sa tono namin. Nagsitinginan yung mga tao samin. 

"Sorry. You may leave us for now." sabi ni Xian sa waitress. Yes. Si Xian. Siya yung nadatnan ko. Sabi ko na nga ba at may masamang mangyayari e. Bakit ba kasi ako pumayag e... tsk tsk tsk

"Xian bakit ka nandito?" 

"Huh? I'm here to sign the renewal of contract of our company from one of our company's furniture dealers."

"Teka nga.. Ano ba yung pangalan ng furniture dealer na sinasabi mo?"

"Wait... Chiu Furniture." basa niya dun sa folder na dala niya

"Yun naman pala e. Dapat kinontra mo man lang sana. Naset-up nanaman tayo.." -_-

"Sa tingin mo kasama ako dito? Tingin mo plinano ko rin 'to? Excuse me... Sige kalimutan na natin ang kontrata. Mabuti na 'to para wag ng magkrus ang landas natin kahit kelan." tsaka dampot niya sa mga gamit niya at paalis na sana siya pero 

"Xian wait. Sorry dinamay ko yung mga personal na bagay dito. Please let's be professional now." tinignan niya ako. At salamat naman dahil umupo na ulit siya. *sigh Baka ikalugi ng business namin ang pagkawala ng kontrata namin sakanila... gaya nga ng sabi ni mama. 

kumain muna kami ng lunch tsaka niya pinirmahan. 

"Thank you Ms. Chiu. Congratulations for the renewal of our contract." offer niya ng handshake sakin

"Thank you Mr. Lim." inabot ko naman ang kamay ko as a sign of PROFESSIONALISM

"Let's go?" Yaya niya palabas ng restaurant. 

*lakad

*lakad

"Mr. Lim?" pagsisigurado ng isang Amerikano habang tinititigan si Xian

"Oh Mr. Willard. You're here on vacation?" 

"Yes. It's so awesome here in your country. I'm glad I'm spending my vacation here."

"It's our pleasure to have you here Mr. Willard."

"haha. Don't mention it. So is this your fiancé?"

"Fiancé?" tanong ni Xian. Fiance? Ako? Fiancé ni Xian? ABA?! Alam ba ng lalaking 'to ang pinagsasabi niya??

"Excuse me Mr. Willard?"

"Your grandmother told me that you're getting married soon. That's why I approved your vacation request. Am I missing something here?" tanong ng Amerikano. Mukhang nalilito na rin siya a.

Kami rin kasi e. Litong lito na rin. Ano na ba ang nangyayari? Kanina lang pinagpipilitan sakin na tanggapin itong arranged marriage na 'to. Tapos ngayon engaged na kami? Agad agad???! Ano 'to JOKE?!

========================================================================================================================================

WEW! Fiancé? Fiancé ni Xian si Kim and vise versa? WOW. O.O Lalo ng naglalapit ang kanilang mga landas. Ano kaya ang sasabihin ni Xian sa kanyang employer? Itatanggi niya kaya ito ngunit mawawalan siya ng trabaho sa America? O sasakay na lang sa trip ng kanyang lola ng sa ganun may babalikan pa siya America? 

Mukhang parehong nagbebenefit sa "arranged marriage" nila a. hahahaha :) Nayys lola! 

QUOTE OF THE CHAPTER: Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Pinagmumukha ka na ngang tang* pinapatunayan mo pa. 

(Ok. Bitter ang quote of the chapter natin ngayon. Senxa na. hehehe) 

Sorry po at nalate. hehehe. Nag-enjoy magsulat eh. Maraming maraming salamat po sa pagbabasa ;) LOVE YOU ALL!!!~ ❤ God bless

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon