Chapter 14 :D (inisan pa rin)

1.7K 29 0
                                    

Bumalik na kami ng office at alam niyo ba, 6:00pm na! Pano ba naman ang dami daming dinaanan nitong boss ko! 

Hilong hilo na ako sa dami ng hinihintuan niya!!! >.< Kasi naman kasalanan ko ito e! Bakit ko ba kasi naisip na ituloy ang pagtratrabaho dito!!!!

Pumunta na ako sa table ko. 

"KIM! Bakit ngayon lang kayo? San kayo nang-galing? Kaw ha! Gwapo ang nabingwit mong isda! Wag mo na pakawalan yan! hahaha" pang-asar ni Maricris

"Huh? Ano ka ba! Tungkol sa trabaho yung pinuntahan namin."

"Tungkol sa trabaho? Ilang oras kayong nawala tapos tungkol as trabaho? WOOOH! Laos na yan friend!"

"Hala! Tungkol lang talaga sa trabaho!" 

"O siya sabi mo e!" bumalik na si Maricris sa ginagawa niya

ang dami ko pa palang gagawin. Wala pa sa kalahati yung natapos ko. Nubayan! Kasi naman si Xian e! Nakakainis!!!

6:30

7:00

8:00

ang dami ko pa ring gagawin! kalahati pa lang ng naiwan kong trabaho yung nagagawa ko!!! Mukhang magoovertime ako sa unang araw ko a! >.<

9:00

10:00

"Yes! malapit na akong matapos... hayy."

"Di ka pa tapos?" tanong ni Maricris

"Hindi pa. Pero malapit na!" 

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon