... After 2 weeks ...
Kim's POV
Mama calling...
"Hello Ma."
"Nak kakagising mo lang ba?"
"Hindi ma. Nasan po kayo?" Nitong mga nakaraang linggo e palaging wala sa bahay sila mama. Palaging akong naiiwan mag-isa. Si Julia at Sharlene naman busy sa school. Malapit na kasi ang finals. Bakit ngayon pa nila ako hinayaang magkaroon ng 'alone time'. Ngayong... napakalungkot ng nangyari saken... :( Pano ba ako makakamove on?? Simula nung gabing yun hindi na ako lumabas ng bahay. Tama ba yung mga sinabi ko?
Dapat ba tinanggap ko na lang yung alok niyang kasal? Pero hindi kasi niya kayang sabihin an mahal niya ako e.. Pride nanaman ba ang pinairal ko? Ewan ko!!! Naguguluhan ako! At tsaka kahit naman pagsisihan ko ang mga nangyari hindi ko naman na maibabalik ang nakaraan.... :'(
Xian... mahal na mahal pa rin kita... Mahal din kaya niya ako? Pero hindi niya lang masabi? O si Erich talaga ang mahal niya kaya hindi na niya pinagpilitan pa??? WAAAAA!!!! Ayoko na!!!
Dalawang linggo na akong ganito... Dalawang linggo ng umi-ikot ikot ang mundo ko... Hindi ko na alam ang gagawin ko!! Mababaliw na yata ako sa kakaisip ng mga pangyayaring nagdaan na... Tulong!! Sana magkatotoo yung mga nasa fairytales! Yung may mga magic! Kung hihiling man ako ng isang bagay yun ay ang...
"Nak! Nandiyan ka pa ba? Kim? Anong nangyari?" Ayy! Kausap ko nga pala si Mama.
"Ma. Anong...." Xian? Si Xian ba yung nagsalita?
"Anak ok ka lang ba?" Si Xian ba yung narinig kong nagsalita? Kasama ni Mama si Xian? Bakit naman? Haaaayyy nakoo Kim! Tumigil ka na nga! Huli na ang lahat! Wala ka ng magagawa! Yan tuloy kung anu-ano na ang naririning mo... WAAAAHHH!!! XIAN!!!
BINABASA MO ANG
Pakasal Na Tayo
FanficGustong ipakasal ng lola ni Xian ang kanyang apo kay Kim. Nakilala niya si Kim sa isang cruise trip na inisponsor ng kanilang kumpanya, anak ito ng isang dealer ng furnitures sa kanilang Housing Company. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay naniniwa...